CHAPTER 53

150 12 5
                                    

Rafael's POV

"Opo nandito po kami sa Polymedic Hospital.. Sige ho tita, mag iingat po kayo.. "

"E Raf yung mga magulang ni Paith, tinawagan mo na ba? "-(Kenny)

"Tapos na.. "-sagot ko sa kaniya.

Nasa hospital kami ngayon, isinugod namin sila Kyle at Paith dito.

Grabe na talaga yung kalokohan ni Samantha, naawa ako kay Paith ng makita ko yung katawan niyang puno ng pasa pero mas naawa ako ng makita namin si Kyle doon sa abandonadong bahay ng walang malay at putlang putla na dahil sa maraming dugo na ang nawala sa kaniya.

Sinabi ng doktor na marami talaga ang nawala sa kaniya na dugo dahil dun sa saksak sa kaniyang likod at sinabi rin ng doktor na maaari niyang ikamatay yun kung hindi siya nasalinan agad ng dugo.

Buti na lang nag match sila ni Mandy.

Kasalukuyang inooperhan si Kyle ngayon dahil yung kumag na sumaksak sa kaniya ay basag na bote ang ginamit kaya kailangan pang suriin kung may bubog ba na naiwan sa loob, habang si Paith ay ginagamot na lang sa kwarto niya kasama si Justin.

"Howard! "-napalingon ako sa dumating.

Mga magulang ni Paith at kapatid.

"Nasaan na si Lara? Okay lang ba siya? "-agarang tanong ng isang babae, I guess Mama niya 'to.

"She is okay. Nailipat na po siya sa kwarto, Az samahan mo na lang sila. "-sagot ko sa kanila.

Bakas sa mukha nila ang pag-alala.

"Ako na lang ang sasama sa kanila. "-bigla namang salita ni Mandy.

"Mandy.. "-utas sa Mama ni Paith.

"Tita.. "-sabi naman ni Mandy.

Umakyat na sila kasama si Mandy, tanging kaming tatlo na lang ni Az at Kenny ang naiwan dito sa labas ng operating room.

"Fael! Jack! Lay! "

Nagtatakbong sigaw ni Tita.

"Nasaan si Blake? Is he okay? How about Lara? Is she okay? Tell me! "-sunod sunod niyang tanong.

"Tita.. Paith is fine but Ky... Nasa operating room pa. "-sagot ko.

"Oh diyos ko... Ano bang nangyari sa kanila? Sinong may gawa? O baka nag away sila kaya dinala na sa hospital? "-tanong ni Tita.

"I think, Ky has the right to explain Tita."-tanging sagot ko.

Pinaupo ko siya sa upuan tsaka tinabihan. Hinawakan ko yung kamay niya.

"Don't worry Tita, okay lang si Ky, yun pa! -pagpapagaan ko sa loob niya.

"Where's Tito? "-tanong ni Ken kay Tita.

"Na una ng namatay... Joke! Nag park lang ng kotse. "-biro pa ni Tita.

Maya't maya pay may lumabas na doktor sa operating room kaya agad kaming napatayo.

"Pamilya ng pasyente? He is okay now, nakuha na namin ang 4 inches na bubog na naiwan sa kaniyang katawan.. So, no worries. "

Para kaming nabunutan ng tinik dahil sa ibinalita ng doktor.

"Doc! Pwede na ba namin siyang makita? "-tanong ko.

"Pwede naman pero mas okay na lang siguro pag nailipat na siya ng kwarto. "-sagot ng doktor.

"Anong oras po ba siya malilipat? "

"Maybe after few minutes, tinatahi pa kasi yung sugat niya. Okay I'll go now. "-paalam ng doktor. Nakipag shake hands si Tita at nag pasalamat bago umalis yung doktor.

Im Inlove With A BoyishWhere stories live. Discover now