43 better
Kyle's POV
"Oo parang nakikisali na nga.. "-sabi ni Kara.
"Sinusubukan mo bang maging taga-pagligtas? So let me remind you something... Hindi mo 'ko kaya! "-sagot ni Tina.
"Hindi ko sinusubukang maging taga-pagligtas, nakakapagod kaya yun! "-maraming nag tawanan sa naging sagot ni Kara sa kanya.
"Ba't ka ba nakiki-alam dito? E hindi naman ikaw yung inaabala ko! "-tanong ni Tina.
"Hindi nga ako.. Hindi lang ako! Kaming lahat na nandito! Dahil sa eksenang ginagawa mo.. Maraming natitigil sa pagkain lalong lalo na ako! Alam mo bang nasa kalagitnaan na ako ng pagkain? Pero dahil sa pagsisigaw mo, natigilan ako! "
Ibang klase din 'to 'no? Nasa ganitong eksena na nga, pagkain pa rin yung pinaglalaban.
"Psssh! Tumabi ka na nga diyan! "-mataray na sabi ni Tina sabay tabig kay Kara.
"Ano bang ginawa ng taong 'to sayo? "-tanong ni Kara.
"Wala! Humarang lang siya sa daan ko.. "-naka ngiting sagot ni Tina sa kanya.
Nakita ko ng reaction ni Kara sa muka niya na para bang hindi siya makapaniwala.
"Wala naman ang pangalan mo dito ah! Paano mo nasabing daan mo? "-may pagka sarcastic na tanong ni Kara.
"Hindi na kailangan na isulat pa dito ang pangalan ko! As long na itatak mo diyan sa utak mo na daan ko 'to! "-may riin pa sa salita ni Tina.
"Pero hindi ko matatak sa utak ko! Do you know why? "-tanong ni Kara.
"Why? "-tanong din ni Tina.
" 'Di ko kasi alam yung pangalan mo! "-sagot ni Kara.
Nagtawanan muli ang mga nandito.
Lumapit na ako bago pa lumala ang sitwasyon.
"Oh hi! My dearest Ex! "-sabi ni Tina.
"Tara na.. "-sabi ko kay Kara.
"Ex? Ah kaya pala naging wild.. "-sabi ni Kara.
"Hey! Alam mo bang dahil sa--"
"Stop it Tina! Binalaan na kita! "-riin kong sabi.
"Chavez! Magkita tayo mamaya pagkatapos ng afternoon session sa may field.. Kung hindi ka sisipot, duwag! "-sabi ni Tina.
"Ako duwag!? Mama mo! "-sagot ni Kara.
Hinila ko na siya palabas ng canteen.
"Wag kang pumunta mamaya.. "-seryoso kong sabi kay Kara habang naglalakad pabalik ng room.
"Bakit? Di naman nakakatakot ang isang yun! "-sagot niya.
"Basta makinig ka sakin.. Wag na wag kang pupunta! "-sabi ko.
"Pupunta ako.. "-pagmamatigas niya.
Hinarap ko siya at hinawakan sa mag kabilang balikat.
"Sumunod ka na lang.. Pag sinabi kong wag kang pupunta, Wag! "-sabi ko sa kanya.
"Are you dumb or a Flat out moron? "-tanong niya sabay cross arm.
"Ihahatid kita mamaya sa ayaw o sa gusto mo! "-sabi ko sa kanya.
"Saan moko ihahatid? Sa field ba? "-naka ngiti niyang tanong.
"Sa bahay niyo tangek! "-sagot ko tapos ay dinuro ko yung noo niya.