48 grocery
Kyle's POV
"Ako po. "-pasok ko sa Principal office.
"And you are!? "-tanong ng Kalbong Principal.
"I'm Smeed! And I'm also a witness and the evidence! "-sagot ko.
"What do you mean? "-takang tanong ng posporo ay este ng Principal.
"Here! "-utas ko at tsaka ko ibinigay ang litrato ni Samantha.
"Ano 'to? "-tanong niya.
"Picture! 'Di ba halata? "-tanong ko.
"Namimilosopo ka ba? "-tagpo kilay niyang tanong.
"Hindi sa nakiki-alam ako dito Mr. Principal pero kasi malaking issue 'to para sakin lalong lalo na't yung babaeng gusto ko ang nalalagay sa alanganin.. "-sagot ko.
Tinignan niya din ako mula ulo hanggang paa gaya ni Ma'am at ni Kara kanina.
"Don't mind my look! Lalaki po ako! "-agaran kong saad.
Umupo ako sa tabi ni Kara at kaharap nu'n ay yung Disciplinarian at yung Ina ni Santos.
"Ms!... I mean Mr. Smeed! Sinabi mo kanina na Witness ka at ebidensiya! "-utas ng Principal.
"Ahuh! Sinabi ko nga! Narinig mo naman diba? "-sagot ko.
Kinurot ni Kara bigla ang hita ko.
"Ayusin mo nga yang sagot mo! "-bulong niya.
"Wag kang mag alala... I'm doing this para hindi ka masyadong kabahan.. "-sagot ko sa kanya.
Inungasan niya ako sabay irap.
"Yang babaeng nasa litrato.. Ay ang totoong suspect! "-seryosong sabi ko.
"What!? "-tanong ng may bolang Crystal sa ulo.
"Yes! Siya si Samantha Monteverde! Ang may gawa ng mga bagay na ibinintang kay Chavez! "-giit ko.
"So paano mo 'to mapapatunayan? And wait! Sino ba 'to? "-tanong niya.
"Si Samantha nga po.. Pa ulit-ulit naman tayo dito oh! "-sagot ko.
"Ms... Mr. Smeed! "-sabat ni Mrs. Martinez.
"I will explain! So please listen carefully! "-utas ko.
"According to my friend's research! Kenny Fico! Matapos ang nangyari sa Vacant Room.. Maraming mga bagay bagay na mahirap paniwalaan.. Gaya ni Jessa Mea Cortez anak ng isang C.E.O sa 'di kilalang companya na lubog na sa utang! Ay bigla na lang naging pinaka mayaman na companya dito sa ating bansa! At itong sumunod sa kanya si Jasmien Imperial ni-rape daw! E bakit hindi nag lakas loob na mag sampa ng kaso ang pamilya niya!? Rape case is very serious crime! "
"It because.. "-sasagot pa ang roll on oh!
"Walang rason na hindi mag sampa ng kaso ang pamilya niya lalong lalo na't ni-rape ito.. Pero maliban na lang kung binayaran sila.. "-seryoso kong saad.
"Excuse me Sir.. "
"Come in! "
Pagbukas ng pinto ay nakita ko yung dalawang kaklase namin na nasa harapan ni Kara naka upo.
"Pinatawag ko 'tong dalawa.. Nag sumbong sila dito kanikanina lang.. "-sabi ng Bola.
"Oh tapos? "-tanong ko.
Tinignan ko yung kaklase namin.
"Natakot po ako sa sinabi ni Chavez kanina sakin.. Ka-kaya nag sumbong agad ako.. "-nanginginig pa ang boses nito.