27 rafael's assumed
Kyle's POV
"Okay class get 1/2 length wise! "
"What!?"
"Quiz? Patay!! "
"Woah Ma'am ang aga-aga nag papa- suprise quiz ka ha! "
"Ma'am wag naman ganun! "
Iilan lang yan na mga reklamo ng mga kaklase ko.
Ngumiti lang si Ma'am na tila nang aasar pa.
"Sino namang nag sabi na quiz 'to! "-naka ngiti pa si Ma'am.
Napuno naman ng tawanan at bulong-bulongan ang loob ng klase.
"Sino ba ang sasama sa inyo sa field trip? "-tanong ni Ma'am.
Lahat ata tinaas yung mga kamay nila maliban sakin kay Raf at kay Kara.
"Mmmhh... Sa mga sasama.. Bibigyan ko kayo ng dag-dag na 50 points sa P.E And Health at exempted na rin sa 1-30 items sa exam!! "-sabi niya.
"Ano ayos ba? "-pahabol na tanong.
Agad namang sinang ayunan ng mga kaklase ko.
"Dude? Talaga bang hindi kayo sasama? "-tanong ni Az samin ni Raf.
"Sumama na kayo! Sayang ang 50 points at exemption! "-dugtong ni Kenny.
Tinignan ko si Raf at ayun parang naingganyo na..
"Oh segi I'm in!! "-sabi niya.
Umiling iling lang ako.
"Sabi ko na nga ba... "-bulong ko.
"Ano Ky? Hindi ka ba talaga sasama? "-tanong ni Raf.
"Tss kaya ko namang sagutin ng walang mali yung exam, kaya hindi na ako mag hahabol sa exemption na yan.. "-sabi ko sabay cross arm.
"Aroganti!!! "-napa lingon agad ako ng marinig ko yun mula sa likod namin.
Nakita ko si Kara na kaka tapon lang ng basura malapit samin.
"Sumasambat na naman yung pandak na dragon.. "-sabi ni Az.
Tumigil si Kara sa pag lalakad at nilingon si Az sabay tingin ng masama.
"Ah eh!! Paith umupo ka na!! Nagugutom lang si Az. "-sabi ni Raf tapos ay binatukan si Az.
"Ayus ayusin mo yang pananalita mo ha!! Kung ayaw mong.."-sabi ni Kara kay Az tapos umarte pa ito ng ginilitan sa leeg.. Tapos ay umirap ito tsaka siya bumalik sa upuan niya.
"Hala ka Az... May nag babanta na sa buhay mo.. "-natatawang sabi ni Kenny sa kanya.
"A--k-kala niya s--s--siguro natakot na ako nu'n!? Tss-- "-nauutal niyang sagot.
Napa tawa tuloy ako ng malakas..
"Smeed? Anong nakakatawa? "-tanong ni Ma'am.
"Ah M--ma'am w--w--ala po!! Hahaha!! "-di ko parin mapigilan ang sarili ko na huminto sa kakatawa.
"Stop it... "-utas niya.
Napahinto ako saglit pero agad akong yumuko at doon ko na ipinag patuloy ang kakatawa.
Na realize ko bigla, Ano bang nakakatawa?
Umupo ako ng maayos at nag cross arm.
"Okay class!! Listen!! Now! I want you to find a partner para sa activity sa P.E natin next meeting! Go!! Go!! "-sabi ni Ma'am.