CHAPTER 22: HULA?

337 23 3
                                    


  22 hula?

  Kyle's POV

Kung kailan pagod at ina antok na ako tsaka ko naman na isipang mag kape.

Napag desisyonan kong lumabas para bumili ng pampa-init sa tiyan ko.
Tinungo ko ang isang coffee shop du'n malapit sa Park.

Pagkapasok ko ay agad akong lumapit sa counter at tumingin muna sa menu nila na nasa ibabaw para pumili.

"Ahmm.. Isang Black coffe nga tapos pwede bang lagyan nang cream sa top nito? "-sabi ko du'n sa babaeng in-charge dito.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang nag tataka na may halong matatawa.

"Pwede ba yun? "-seryoso kong tanong.

"Pwede po..  Para sa inyo, kung yun ang gusto niyo po! "-sagot niya tapos ay tumalikod na at sinimulan ng gawin ang order ko.

Habang nag hihintay ay nilibot ko naman ang tingin sa paligid ng shop na 'to.
Hanggang may nakita akong isang taong pamilyar sakin.

"Ito na po sir! "-napatingin agad ako sa kanya at kinuha ko na ka agad ang kape ko, pagkatapos ko tong bayaran.

Nilapitan ko naman yung pamilyar sakin.

"Tin? "

"Tin?  Yeah it's you! "

Putik bakit parang nahihiya ako?

"I'm sorry pala sa nasabi ko last.. Para na rin kasi yun sa kaligtasan mo.! "-sabi ko sa kanya.

Napansin kong nakatingin lang siya sakin na para bang kinakabahan.

Tinignan ko yung kasama niya na naka yuko at wala ring imik.

"Kaibigan mo? "-tanong ko sa kanya.

"Ah?  Ahmm hindi!  Pinsan ko si--si Aya! "-utal utal niyang sagot sakin.

"Aya si Kyle boyfri-- cool off kami ngayon! "-sabi niya nang sabihin niyang cool off ay biglang naging malungkot ang muka niya.

"Hi Aya! "-bati ko na lang agad du'n sa Aya.

"Hi K--kyle.. "-bati din niya sakin pero hindi lang man tumingin para makita ko ang muka niya.

"Shy type? "-tanong ko kay Tin.

"Ah oo.. Segi na umalis ka na-- I mean bye! "-sagot niya tapos ay pinipilit niya pa akong itulak.

"Bye!  Ingat ka pag uwi!  Alagaan mo din yung sarili mo, wag kang masyadong magpapa gabi tapos wag ka ding mag papalipas sa pagkain huh!  Promise mo sakin yan! "-habilin ko sa kanya bago ako umalis sa coffee shop.

Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko hanggang ngayon kung bakit mas pinili kong si Kara ang babantayan ko kaysa kay Tin na girlfriend ko.

"Bakit nga ba? Bakit nga ba siya ang pinili mo sa halip sa girlfriend mo?"-napahinto ako sa may tapat ng pulang tent ng marinig ko ang salitang yun mula sa loob.

Teka isa itong tent ng manghuhula ah!

Pumasok ako sa tent at nakita ko yung matandang babaeng nakapikit ,na nakaharap sakin.

"Upo ka!  Mag papahula ka ba? "-tanong niya sakin sabay mulat sa mga mata.

"Hindi... Pero tungkol sa sinabi mo kanina! "-sabi ko.

"Ah yun ba?  Narinig ko kasi yung sinabi mo kanina! "-seryoso niyang sabi.

"May sinabi ba ako? "-tanong ko sa kanya.

Im Inlove With A BoyishWhere stories live. Discover now