24 robot ka ba!!?
Kyle's POVWalang pag alin langan akong bumaba ka agad ng makarating na kami sa bahay ko.
"Dude!? "-tawag sakin ni Raf.
"Ano!? "-inis kong tanong.
"Ah hehehe! Bye! See you Tomorrow! "-naka ngiti niyang tugon.
"Umalis na kayo! Bwesit! "-sagot ko tapos ay pumasok na ka agad ng bahay.
Mag aalas tres na ng hapon ng maka uwi ako.
"Ah sir!! Kumain na kayo!? Halika kain na!"-sabi agad sakin ni Tasha.
"May makakain ba diyan? "-tanong ko sa kanya.
"Wala po.. "-sagot niya.
"Tumahimik ka na.. Mas lalo lang akong nagugutom diyan sa utak mo.. "-may pagka sarcastic kong sabi sa kanya.
"Ah segi sir! "
"Halika kain na! Pero wala namang makakain! Loko talaga! Dag-dag pa sa problema ko! "-inis kong bulong tsaka ako umakyat sa kwarto ko.
Dahil sa inis na nararamdaman at dahil na rin sa kabagutan ay napag isipan ko na lang na ipag patuloy ang pag babasa ng isang short story na matagal ko ng binabasa na hanggang ngayon ay hindi ko matapos tapos.
Short na nga yan ha! Pano pa kaya kung Long?
Binuksan ko yung drawer ko tsaka ito hinanap, pero wala ito rito.
Hinanap ko na ito kung saan saan dito sa loob ng kwarto ko pero ang lintik ayaw pahagilap.
Natigilan ako saglit ng may maalala...
"Monic.. "-utas ko.
Lumabas ako sa kwarto ko at tinungo ang silid ni Monic.
Matagal niya na yung pinatri-tripan na kunin sakin, kaya hindi na rin bago sakin kung nandu'n man sa kanya.
Pinihit ko yung door knob akala ko lock pero hindi pala, kaya naka pasok agad ako.
Sinimulan ko na itong hanapin at gaya nga ng hinala ko, kinuha niya nga.
Palabas na ako ng kwarto niya ng mapansin ko yung sticky note na nakadikit sa mesa niya.
: 09758701889 :
Ano 'to?
Password niya kaya sa Facebook?
"One two three four five six seven eight nine ten eleven... "-bilang ko sa mga numerong naka sulat du'n.
Phone number?
"Tawagan ko kaya 'to!? Baka may boyfriend na yung batang yun! "-utas ko tapos ay kinuha ko sa kwarto ko ang cellphone ko tsaka bumalik sa kwarto ni Monic.
E-dinial ko ito pero ring lang ito ng ring.
Nag ilang ulit ko pa itong tinawagan hanggang may sumagot na.("Hello?")
Tinig agad ng babae ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Ahmm Hi! Kaibigan ka siguro ng kapatid ko no? Ni Monic? "-tanong ko sa kanya.
Pagkatapos kong mag salita ay agad niyang pinatay ang tawag.
Tinawagan ko pa ito ulit pero Cannot be reach na.
"May mali ba akong nasabi? So weird.. "
Lumabas na ako sa silid niya tsaka bumaba para uminom ng tubig.