35 change strategy
Kyle's POV
"What the!!? Aaaaaahhhhhh!!! "-sigaw ko ng makita ko si Kara dito sa banyo.
"Bastos ka!! Anong ginagawa mo dito!! Maniac ka talaga!!! "-sigaw ni Kara.
Napagtanto kong hubot hubad pala siya kaya agad kong nilihis ang tingin sa kanya at tumingin sa itaas.
"Ba't ayaw mo pang lumabas kupal ka!!! Maniac! Pervert! Backslider!! Debaucher!! Decadent!! Libertine!! Rake!! Rapist!!!"-sigaw niya sakin.
"Grabe ka!! Di ko naman sinadyang pumasok dito! Di ko rin alam na may tao pala! Isa pa! Ba't di mo lang man ni-lock ang pinto? "-tanong ko sa kanya.
"HOY!! ANDAMI MO PANG SINASABI!! LUMABAS KA NAAAAA!!! "
"Ito na lalabas na! "-sagot ko sa kanya.
"Labas!! Labas!! Hayop ka!! "-patuloy niyang sabi tapos ay binabato pa ako ng sabon, lotion, at yung iba pang kagamitan sa panligo.
Nang maka labas ako ipinikit ko muna ang mata ko... Tsaka ako nag masid masid sa paligid... Wala naman sigurong ibang nakakita no?
"Aisssh!! Kasalanan niya din naman yun eh! Di niya ni-lock yung pinto!.... Di na tuloy nabubura sa isip ko! "-utas ko.
-----------
"Loko yung kabuteng yun! Makaka tikim talaga yun sakin! Papatay---- Aaah! Anong ginagawa mo dito? "-gulat niyang tanong sakin.
"Sinilipan mo ko 'no? Ang bastos mo talaga!! Ang bastos mo!! Maniac!! "-pag sisigaw niya sinusuntok suntok pa ako.
"Aray! Tama na nga!"-sabi ko tapos ay hinuli ko yung kamay niyang dadapo na sana sa katawan ko.
"Hindi kita sinilipan! At kahit kailan hindi ko yun gagawin! "-sabi ko sa kanya.
"HINDI!! ANONG GINAGAWA MO DITO SA LABAS!? HAAH! SIGURO MAY BALAK KA PA SAKIN 'NO! "-napa buntong hininga ako dahil sa mga pinag-sasabi niya.
"Una sa lahat makinig ka muna sa sasabihin ko! "-kalmadong sabi ko.
"HINDI! HINDI!! E RE-REPORT KITA!! "-sigaw niya.
"Makinig ka nga muna kasi! "-sabi ko sa kanya.
"Anong pakikinggan ko? Maliwanag na lahat sakin! Hayop ka!! "-sabi niya.
"Makinig ka ha! Hindi ko alam na may tao pala doon sa banyong yun! Tapos hindi na ako nakakatok kasi talagang kanina pa ako na tatae! At tsaka kasalanan mo din naman yun kasi hindi mo nga ni-lock yung pinto! "-paliwanag ko.
"Aba't nag dadahilan ka pa!! Ang sabihin mo! Umiral na naman yang ka manyakan mo!!"-sigaw niya.
Napabuga ako ng hangin tsaka napakamot sa batok
"Aba malay ko bang may dragon pala du'n! Lastly! W--wa--wala n--naman a--kong nakita! "-nauutal kong sabi sa kanya.
"Kainis ka!!! E ba't nandito ka pa sa labas?"-tanong niya.
"Binantayan lang kita! Baka may makapasok pang iba! "-sabi ko sa kanya.
Natahimik siya ilang saglit pero bigla bigla na lang siyang nag sisigaw ng Rape!! At tsaka tulong!
"Hoy tumahimik ka nga! Baka ano pang isipin nila... "-sabi ko sa kanya.
Nakarating si Raf at yung iba pang kaklase namin.
"Kyle!!? Anong nangyayari dito? Sino yung nasaktan!? "-tanong ni Raf.
"W--wala! Itong baliw na tibo! Nang aasar na naman! "-patawa tawa kong sabi sa kanila.