CHAPTER 31: KIDNAPPED

280 18 1
                                    

     31  kidnapped

    Kyle's POV

"Kuya!!? Ayaw mo ba talagang sumama?"-kanina pa 'to nangungulit si Monic sakin.

Sa totoo lang naririndi na ako.

"Hindi nga... "-inis kong sagot sa kanya.

"Like duh!  Why naman?"-napaka arte talaga nito.

"Monic! Lumabas ka na nga!! Anong oras na ba!?.. "-tinignan ko yung alarm clock ko sa mesa.

"Oh!! Four A.M? What the!! Labas!! "-bulyaw ko sa kanya.

"Duh! Kuya! Why you don't sama na lang kasi!! "-sabi niya pa.

"Monic inaantok pa ako!! Lalabas ka sa kwarto ko o ilalabas kita sa bahay!? Ano!! "-sigaw ko.

"Sweety...Balik ka na sa kwarto mo.. Ako nang bahala sa Kuya mong baliw! "-biglang pasok ni Mom.

Nako pumasok pa tong isa....

"Mom!..  Pina-alis mo nga si Monic ,ikaw naman yung pumalit.. "-reklamo ko. Tinatakpan ko yung tenga ko gamit ang unan.

"Blake? Ba't ayaw mong sumama sa Field trip niyo? May problema ba? "

"...."

"Blake?  Tell me! "

".....Nothing.... "-mahina kong sagot.

Marami talagang pumipilit sakin na sumama sa field trip na yan!  Pati nga si Tin ay kinulit na rin ako.

"Okay? Inumin mo na lang 'to, para mas mahimbing pa yung tulog mo.. "-malumanay na sabi ni Mom sakin.

Tinignan ko siya at nakita ko rin yung hawak niyang cup.

"Gatas lang 'to! "-sabi niya sakin.

Kinuha ko na agad ito at ininom para lumabas na si Mom sa kwarto ko.

"Good boy!  Sleep well! "-sabi niya pa at tinap pa yung ulo ko.

Weird...

Humiga ako ulit at nag talukbong na ng kumot. Mga ilang segundo lamang ay para bang bibigay na agad ang tilukap ng mata ko.

Tinanggal ko ka agad ang kumot at unti unti nang lumiliit ang paningin ko sa ilaw.

---------

"Malayo pa ba tayo manong? "

"Relax ka nga Scotts! "

"Naiihi na talaga ako eh! "

Ano ba tong naririnig ko? At tsaka ba't parang niyuyug -yug ako?

Teka....

Naimulat ko ka agad ang mga mata ko at agad na napatayo.

"Araayyy! "-daing ko tapos ay hinawakan ko yung ulo ko matapos mauntog.

"Anong???? "-takang taka kong utas.

"Hi Kyle! "

"Gising ka na pala!! "

"Manong hinto muna tayo oh! "

"Anong ginagawa ko dito? Tsaka ba't kayo ang kasama ko? "-tanong ko sa kanila.

Inilibot ko yung paningin ko, nandito ako sa bus? Mas nagulat pa ako ng makita ko si Kara na tulog doon sa likod.

"Anong ginagawa niyan dito? "-inis kong tanong sa kanila.

"Teka nga lang... Paliwanag niyo nga ang nangyayari!! "-giit ko.

"Umupo ka muna Ky! "-sabi ni Raf.

Im Inlove With A BoyishOnde histórias criam vida. Descubra agora