36 "bubuhayin kita... "
Kyle's POV
"Dude! Gising na! "-nagising na lamang ako nang dahil sa mga yug-yug ni Az sakin.
"Hmmmm"
"Tara na! "-sabi niya pa.
Nag unat muna ako katawan ko tapos ay napahikab bago ako bumangon.
Si Az naman ay lumabas na.
Tinignan ko muna ang mga kasama ko dito pero ako na lang pala ang natitira dito kaya tumayo na ako tsaka lumabas na.
Pagkalabas ko napangiti na lamang ako kahit pinto lang sa kwarto ni Kara ang bumungad sakin.
Tulog pa kaya siya?
Bumaba na ako ng hagdan at nadatnan ko yung tatlo.
"Kyle oh! "-sabay abot ni Raf sakin ng tasang may kape. Kinuha ko naman.
"Kanina pa kayo gising? "-tanong ko sa kanila.
"Ahmm oo mga 30 minutes na rin bago ka.."-sagot ni Kenny.
"Anong oras na ba? "-tanong ko.
"According to my phone it's 7:54 a.m! "-sagot ni Az.
"Good morning ma'am! "-bati ng mga estudyanteng na dadaanan ni Ma'am San Jose.
"Kaya niyo na bang maghanda ng makakain niyo? "-tanong niya.
"Yes ma'am! "-sagot naman ng iba.
"Ok So! Make a group na lang... Six each by group! Kayo ng bahala sa breakfast niyo... "-sabi niya.
"Okay ma'am... "-sagot nila.
Nagkatinginan kaming apat.. Tapos ay tinignan namin si Raf.
"Okay okay!! Ako ng magluluto! "-sabi niya.
"Tayong apat lang? "-tanong ni Az.
"Mas kaunti, mas busog! "-sagot ko.
"Pwede bang makisali? "-biglang sulpot ni Tina.
"Okay lang sakin.. Sa inyo? "-sabi ni Kenny.
"Depende sa inyo! "-sagot ni Raf.
"Tinatanong ba yan? Syempre naman! "-sabi ko.
Pumunta na kami doon sa pag luluto-an ni Raf... Dito lang 'to sa labas ng bahay, sinet-up na ata nila Ma'am kanina... Naka ayos na kasi ang mga ito.
"Kyle? Si Paith ba? Saang grupo yun? "-tanong ni Raf habang inaayos niya yung mga panggatong.
"Oo nga saan nga ba? "-tanong ko din.
Inilibot ko yung paningin ko nag babakasakaling makita siya.
Pero wala akong makitang pandak na dragon.
"Wala siya dito... Tulog pa siguro yun! "-sabi ko kay Raf.
"Siguro nga! Sa atin na lang siya.. "-sagot niya.
"Of course! "-sagot ko.
Habang nagsisimula ng mag luto si Raf sina Kenny at Az naman ay taga asar lang sa nag luluto at si Tina naman ay tumutulong sa pag hiwa ng mga pang sahog.
At ako? Inaabangan ko lang na lumabas na si Kara sa bahay.
===============
Lumipas na ang ilang minuto pero hindi parin nakaka labas si Kara.