34 field trip 3.o
Kyle's POV
Sinabi na ni Ma'am San Jose samin ang mga Instructions at nag simula na din yung iba, habang kami ni Tina ay nananatiling naka tayo parin dito sa labas ng bahay.
"Kayong dalawa? Ba't di pa kayo nag sisimula? "-tanong nung isang guro.
"Go!! Go!! Go!! Tatanga tanga pa!! Mga inutil kayo! Anong gusto niyo ihatid ko pa kayo sa assigned place niyo!? Dali na!!"-sigaw niya samin.
Sasagot na sana ako pero agad ding umurong ang dila ko ng sumabat si...
"E ba't kailangan niyo pa silang sigawan?"-singit ni Kara sa likod namin habang inaayos yung sintas ng sapatos niya.
"Huh? Nawalan ka na ba ng respeto? At ganyan ka magsalita sakin? Isa akong guro at estudyante ka lang.."-giit sa kanya ng guro.
Tumayo si Kara matapos niyang magsintas tsaka siya humarap samin at nag pamewang.
"Mawalang galang PO Sir… hindi naman nakabasi sa Stado O Propisyon ang salitang respeto! Walang nagbabasi nito...lahat tayo deserve sa sinasabi mong RES. PE. TO! Di porket teacher ka, pwede mo ng pagbitawan ng salita ang mga taong nasa paligid mo... Lalong lalo na sa estudyanteng nakakaharap niyo.. Tanga? Inutil? Tss naturingan pa naman kayong pangalawang magulang namin tas yan lang yung ituturo niyo samin? "-seryosong sabi ni Kara.
Wow? Dapat na ba akong pumalakpak? O sabitan siya ng Garland?
At dahil sa sinabi ni Kara..
Speechless si Sir.
Lumapit sakin si Kara.
"Ikaw ding inutil ka! Ba't di pa kayo nagsisimula? "-tanong niya sakin tapos ay piningot pa yung kaliwa kong tenga.Sasagot sana ako sa kanya ng hilahin na siya ni Santos at umalis na.
"Ang epal talaga ng gung-gong na yun..."-utas ko.
Humarap ako kay Sir na hanggang ngayon ay parang sini-sink in niya parin ang mga sinabi ni Kara.
"Oh? Kita mo yun sir? Fast learner yun si Kara, oh diba natutunan niya agad yung salitang Inutil na sinabi mo? Ingat ingat din kasi....pati yung batang dragon nadadamay...."-sarcastic kong sabi sa kanya. Tsaka namin siya iniwan du'n.
Habang hinahanap namin yung flag na ka-kulay sa wrist band namin ay wala pa ring imik si Tina simula kanina.
"Mag ingat ka sa matulis na dahon ng pinya... "-sabi ko sa kanya, kahit di ko siya tinignan.
Nang makita ko na yung flag namin ay agad kong nilapitan ito.
"Ito na... Mag simula na tayo.. "-walang emosyong sabi ko kay Tina. Lumapit siya at tsaka tumango.
"Hoy Kabute!! Ba't nandito ka? "-napalingon agad ako kay Kara dahil sa sinabi niya.
"Dito yung assigned place namin! Ikaw ba't nandito kayo!!?"-tanong ko sa kanya tsaka ko tinignan si Santos ng nakakamatay.
"Eh! G*go ka pala! Di ba obvious na dito yung samin? Alangan namang sumusunod kami sa inyo diba? "-nakataas kilay niya pang sabi sakin.
"Tss... Blah blah blah blah blah blah!!! Ang dami mong sinabi! "-asar ko sa kanya.
"Aba't!! "-(Kara)
"Tama na yan Kara... Magsimu----"
"Teka nga Santos!!! Anong tinawag mo sa kanya? "-inis kong tanong.
"Bingi ka ba? "-may pagka sarcastic niyang tanong sakin.
"Loko ka ah!!! Ba't mo siya tinawag na Kara? "-bulyaw'ng tanong ko sa kanya.