32 field trip
Kyle's POV
Buti na lang talaga't tumigil at tumahimik na si Kara. Matapos sabihin ni Raf sa kanya ang lahat. At tsaka tinawagan at naka usap niya na din si Kuya Lou.
Sa una nag mamadigas pa siya at para bang galit na galit.. Pero siguro may sinabi si Kuya niya para tumahimik ito at umupo.
Minura pa kami ng loko..
Nasa kabilang side siya na kaupo at mga tatlong upuan lang ang pagitan naming dalawa, kaya nakikita ko siya ka agad.
Nakatingin lamang siya sa labas... Tapos naka poker face pa.
"Ky! Kumain muna kayo!!"-sabi ni Raf sakin.
"....."
Tinignan ko si Kara at ayun mukang gutom na gutom na ang dragon, nakahawak pa kasi ito sa tiyan niya.
"Pahingi nga ng tatlo! "-sabi ko kay Raf.
Agad namang inabot ni Raf sakin ang tatlong sandwich. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Kain ka muna.. "-sabi ko kay Kara.
"Di ako gutom.. "-walang emosyong sagot niya.
*krookk... Krookk... *
Biglang tumunog yung tiyan na naging dahilan na agad siyang napatingin sakin.
"Akin na!! "-utas niya tapos ay agad agad niyang hinablot yung isang sandwich sa kamay ko.
"Tss..."-I smirk.
Naka tingin lang ako sa kanya habang kumakain siya... Naubos niya na yung sandwich ng ilang segundo pa.
Binuksan ko yung isang sandwich na hawak ko tsaka ko ibinigay sa kanya.
"Ito pa.. "-sabi ko.
"Ikaw? Hindi ka ba kakain? "-tanong niya sakin naka tagpo kilay pa.
"May isa pa ako.. "-sagot ko.
"Okay!! "-agad niyang sabi tapos ayun nilantak niya na yung sandwich.
"Tsk! Hindi raw gutom.. "-bulong ko.
"Meron pa bang isa diyan!? "-puno pa yung bibig niya ng magtanong sakin.
Kakainin ko na sana yung akin pero mukang mas kailangan niya ito.
"Ito oh! Sayo na lang! "-sabi ko tapos ay inabot ko sa kanya.
"Thank you... "-naka ngiti niya pang sabi tapos ayun nag simula na siyang kumain.
Bumalik na ako sa upuan ko at binuksan ang bintana.
Ilang saglit lang ay biglang tumabi sakin si Raf.
"Ito oh.. Kumain ka na! "-tapos ay inabot niya sakin yung hawak niyang pagkain.
"Tss.. "
"Alam mo Ky? Bilib din ako sayo eh.. "-sabi niya sakin. Tinignan ko lang siya ng punong puno ng pagtataka.
"Kasi kahit... Masungit at palagi kang binubulyawan ni Paith, para bang napaka kalmado mo lang.. Tapos ito pa! Talaga bang napaka close mo sa Kuya niya? "-sabi pa nito.
"Ba't mo natanong? "-tanong ko sa kanya.
"Eh? Napaka laki ng kompyansa niya sayo! Napaka tibay din ng tiwala niya sayo at para ipasama niya yung kapatid niya sa isang katulad mo na loko-loko... "-natatawa niya pang sabi sakin.
"G*go ka! Pero sa totoo lang... Di ko rin alam Raf, kung bakit sakin pinababantayan at ipinagkakatiwala ni Kuya Lou si Kara.. "-sabi ko sa kanya.
"Di mo alam? Buti pa ako alam ko! "-sabi niya sakin.