49 drako
Paith's POV
"Kainis! Bwesit na lalaki yun!! May pa closest closest pa siyang nalalaman! Bakit 'di niya na lang sabihing babae niya yun! "
"Kaasar naman! Napaka babaero talaga ng lalaking yun! Sinasabi ko na nga ba! "
"Ma'am? Are you okay? "
Napalingon ako sa gilid ko para tignan kung sino yung nag tanong.
"Sa tingin mo? Mukha ba akong okay? "-sarcastic kong tanong du'n sa lalaking nag tanong.
Tumingin ako sa paligid ko at tsaka ko lang napagtanto na sakin na pala naka tingin ang ibang customers.
"Pasensya na.. "-hingi ko ng tawad sa kanila tsaka nag mamadaling mag lakad.
Tinungo ko yung banyo at tsaka pumasok sa isang kubeta.
"Hinga muna ng malalalim.. Punyeta ka.. "
Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
Inhale
Inhale
Inhale
Inhale
"Hoooooo.... "
"Ba't nagkita pa kami dito? Punyetang pangyayari naman 'to oh! Ganito na ba talaga ka malas 'tong araw na 'to? "
"Kaibigan daw? Mukha niya! Ako pa itong niloko! Siguro yun yung tinutukoy niyang asawa niya! "
"Bwesit! Kabute sarap mong tirisin! "
"Cutie pie? "
Si Ate Lau.. Nyemas!
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung nandito pa ba siya.
"Halika na.. Uuwi na tayo. "-naka ngiti niyang sabi.
"Anong ngiti naman yan? "-walang emosyong tanong ko ng makalabas.
"Huh? Ako naka ngiti? Asan? Wala naman ah! "-sabi niya pero ngiting ngiti parin ang loko.
"Asan na ba si Kuya Lou? Akala ko ba uuwi na tayo!? "-irita kong tanong.
"Si Kuya Lou? Ah nando'n pa sa counter kasama si Kyle.. "
"Ano!? Nandito pa yung lokong yun!? Balikan mo na lang ako dito Ate kung tapos na si Kuya mag bayad.. "-saad ko.
"Bakit 'di ka na lang sumama sakin? Para kapag tapos na agad na tayong makababa sa parking lot.. "
"Tengeng naman oh.. Ede sa baba na lang ako mag hihintay.. "-sagot ko.
"So you mean? Kami lang ni Kuya ang magbubuhat sa mga pinamili? "-taas kilay niyang tanong.
Mga ilang kurap pa ang nagawa ko tsaka ako naka sagot.
"Ibig mong sabihin ate.. Magbubuhat ako na paika ika? "-mahinang tanong ko sabay paawa face.
"Hoy Cutie pie! Kamay ang ginagamit sa pagbuhat hindi paa.. "-sagot niya.
"Halika na.. Ang dami mo pang bubuhatin du'n! "-sabay hila sakin.
"Ate naman... "-maktol ko.
---------
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe pauwi sa amin, alangan namang sa inyo..
"Hey.. You okay? "-tanong ni Kuya Lou.