40 avoiding
Kyle's POV
"Blake! Gising na! "
"Blake!! "
"Hey! You foolish man! Wake up! "
Napamulat ako ng mata dahil sa sigaw ni Mom.
"Moooooom... "-utas ko.
"Gumising ka na! Kanina pa nag hihintay si Monic sayo! "-sigaw niya tas hinila yung kumot ko.
Kainis talaga...
"Sabihin niyo... Mauna na siya! "-sabi ko.
"Ano!? Kanina pa yun naghihintay sayo! Alas Syete na! Aabsent ka na naman ba!? E kung ganu'n huminto ka na lang sa pag aaral! Kupal ka! "-sigaw niya pa.
Tumayo na lang ako at dumiritso na sa banyo para wala ng gulo pang mangyayari.
Kung sa bahay may Lanie na palaging nambubulyaw, pagdating naman sa School may Kara na sadista.
Hay nakoooo...
"Dali-an mo na!! "-sigaw na naman ni Mom.
Napabuga ako ng hininga.
.....................
"Tapos na po ako, baka naman gusto niyo ng lumabas sa kwarto ko at hayaang mag bihis? "-sabi ko.
"Ito Blake oh! Itong brief na 'to ang suotin mo! "-sabi niya sabay buklat ng kulay blue kung brief.
"Mom! "-sabi ko.
"Segi na! Nahihiya ka pa! Gusto mo isuot ko pa sayo? "-naka ngiti pa siya habang sinasabi iyon.
"Mom! Ako na po! "-agaran kong sagot.
"Segi na labas na! Labas na! "-sabi ko pa tapos ay nilapitan ko siya at dahang dahang tinutulak palabas.
"Ang arte mo naman! Ikaw na nga tong inaalagaan.. "-sabi niya tapos ay kinutusan ako.
"Aray! Mom hindi naman na kasi ako bata! Dapat si Monic yung ginaganyan niyo! "-sabi ko sa kanya.
"Ang arte mo talaga masyado! "-sabi niya.
"Mom!! Si kuya ba wala pa!?"-sigaw ni Monic sa baba.
"Bumaba na po kayo! Para maka pag bihis na po ako! "-sabi ko sa kanya.
"Sabi ko naman ako ng mag bibihis sayo para mas madali.. "-sabi niya tas ngumiti pa ng nakaka loko.
"Mom! Tigilan niyo na nga ako! Nakaka takot ka na! "-sabi ko.
"Bilisan mo na! Binibiro lang naman.. "-sabi niya bago siya tuluyang bumaba.
Pagka alis niya agad agad akong nag bihis,baka bumalik pa yun! Mahirap na..."Good morning kuya! Why so tagal!? "-agad na bungad ni Monic sakin.
"Tanongin mo si Mom! "-sagot ko sa kanya.
"Kumain ka na!? "-tanong ko.
"Yep! Kanina pa! "-sagot niya naman.
"Tara na!"-aya ko sa kanya.
"Huh? Hindi ka ba kakain? Hihintayin naman kita.. "-tanong niya.
"Wag na! Sa School na lang.. "-sagot ko.
"Tara na! "-biglang sabat ni Mom.
Nagkatinginan lang kami ni Monic.
"Oh c'mon! E-hahatid ko kayo! "-sabi niya.