26 dinner
Kyle's POV
"Gusto mo bang kumain? "-tanong ko kay Tin habang nag lalakad kami pababa ng building.
"Segi nagugutom na rin kasi ako..."-mahinang sabi niya.
"Okay.. "-tapos ay ngumiti ako sa kanya.
Nag patuloy na kami sa pag lalakad ng biglang bumuhos ang ulan.
Kinuha ko yung bag ko tapos ay ipinatong ko sa ulo ni Tin para hindi siya masyadong mabasa.
Napatakbo agad kami papuntang roof walk.
Madami ring estudyanteng nagpapasilong dito.
Nakita ko naman yung tatlong ugok, naka payong pa.
"Oh! Oh! Kyle! May payong kami, ikaw wala!? "-asar na sabi ni Az.
"Tsk! Parang bata! "-sagot ko sa kanya.
Nagpasilong na din sila kasama namin na nag hihintay na tumigil na tong ulan.
"Ky... Diba si Paith yun? "-bulong sakin ni Raf.
Tinignan ko naman kung saan naka turo ang nguso niya.Kahit na babasa na siya hindi niya parin magawang mag pasilong lang man. Nag patuloy tuloy lang siya sa pag tatakbo.
Lahat na ata ng estudyante dito sa kanya naka tingin.
"Attention seeker! "-bulong ni Tin.
"Sino? "-tanong ko sa kanya.
"Ah.. Y--yung n-nabasa ko sa isang novel.. "-sagot niya.
Tinignan ko ulit si Kara na palabas na ng gate.
"Pahiram muna ng payong.. "-utas ko tapos ay kinuha ko yung payong ni Raf.
Nang makalapit na ako kay Kara agad kong hinila ang bag niya.
"Engot ka talaga.. "-sabi ko sa kanya.
"K--kabute? Anong? "
"Ikaw alam mo namang lumalakas na yung ulan, hindi mo pa magawang humanap ng pasisilongan! "-sabi ko sa kanya.
Inayos niya muna yung bag at uniform niya bago ako bulyawan.
"I told you!! Stay away of it! Mahirap bang intindihin yun? Napaka epal mo talaga!! "-sigaw niya sakin.
Hindi na ako sumagot para tumigil na siya sa kaka sigaw, pero sadyang pinaglihi talaga siya sa bagay na ayaw manahimik.
"Tumahimik ka na... Baka kidlatan ka diyan bigla.. "-seryoso kong sabi sa kanya.
Pagkatapos ko yung sabihin ay ilang minuto pa bago siya tumahimik.
"Wala ka bang payong dala? "-tanong ni Kenny sa kanya.
"Sa tingin mo? Mag titiis ba akong magpaka basa kanina kung may payong ako? "-sarcastic niyang sagot.
"Sabi ko nga wala... "-sabi ni Kenny.
Napaka pilosopa talaga...
Hinubad ko yung suot kong jacket dahil basa siya at mukang giniginaw na rin.
"Ah Kyle? Pahiram ng jacket mo pwede? "-sabi bigla ni Tin.
"Nilalamig ba yung girlfriend ko? "-naka ngiti kong tanong sa kanya.
Tumango naman siya.
"Teka lang ha... Kara wear this, para hindi ka masyadong lamigin.. "-tapos ay isinuot ko sa kanya yung jacket ko. Kaya hindi na siya naka angal pa.