14
Kyle's POV
3 week later..
"Saan na naman tayo pupunta!?"-iritang tanong ko sa kanya."Wala kang pake!"-sagot niya.
Seriously!? I took a deep breath dahil sa babaeng 'to,wala ba talagang chance na makausap ko 'to ng seryoso?
Katatapos lang ng second period namin in the morning session. At ito siya dating gawi.Hihilahin ako palabas.
Flashback
" Halika!"
"Oh saan mo ako dadalhin?"-tanong ko sa kanya e bigla nalang kasing nanghihila palabas.
"Wala samahan mo lang ako! Kakain lang.."-sagot niya.
"Ba't mo pa ako sinama? Ah siguro gagawin mo akong ulam...pwede rin naman masarap naman ako!"-sabi ko sa kanya.Inungasan niya lang ako sabay batok.
"Nako kabute! Wag ka nga diyan kahit mga bakla mandidiri sayo!"-parang diring diri niyang utas.
Tapos ay iniwan niya na ako sa kinatatayuan ko.It's time to escape this amazona!Tumalikod ako at hinay hinay nag lakad.
"Ang where do you think you're going!?"-biglang sabi niya.
Humarap ako sa kanya tska ako nag isip ng palusot.
"Susunod sayo tinatali ko lang naman ang sintas ko!"-sabi ko sabay upo at umaktong nagtatali.Pero bigo ako dahil wala akong nakapa na sintas."Tinatali pala ha! Ang sabihin mo tatakasan mo ako!! Gago!!"-tapos ay lumapit siya sakin at hinila ang kwelyo ko.
"Aray! Aray!"-daing ko e pano ba naman piningot niya ang tenga ko at hinila ako papasok sa cafeteria.