42 steps
Kyle's POV
Nang maka alis na si Kenny at Az.. Agad kung e kwenento ang sinabi ni Kuya Lou.. Ano pa bang rason na ililihim ko kay Raf, e alam niya naman ang lahat ng nangyari..
Napag usapan din namin ang tungkol sa mga bagay bagay na haharapin ko ngayon.
"So anong plano mo? "-tanong niya.
Sumandal ako sa sandalan ng sofa tsaka kumawala ng malalim na hininga.
"Alam kong galit na galit si Kara sa mga nangyari noon, kaya sigurado kapag nalaman niyang kasali ako sa may pakana nu'n.. Baka di niya na ako pansinin habang buhay.. And I don't want it.. "
"Sabi nga ni Az kanina.. Di daw yun magagalit.. Pero isipin mo Ky, ang lahat ba ng 'to ay coincidence lang? "-tanong niya.
Tinignan ko lang siya at umiling.
"Kasi, si Dan ang dahilan kung bakit nasaktan si Paith at ikaw naman na kaibigan ni Dan na ngayo'y may gusto na kay Paith.. "-sabi niya.
"Ang lakas talaga ng tama ni Tadhana e 'no? "-sabi ko.
"Nah! Kalimutan muna natin ang tungkol diyan.. Maliit lang naman na problema yan! Ang pag usapan natin ngayon ay tungkol sa panliligaw mo kay Paith.. "-sabi niya.
"Anong panliligaw? May sinabi ba akong ganun? "-tanong ko.
"Dadating ka rin naman sa puntong panliligaw.. Kaya hanggat maaga pa, pagplanohan na natin.. "-sagot niya, ngumiti pa ng nakakaloko.
"Pano ba manligaw? "-tanong ko.
"Ito naman! Feeling first time "-sagot niya.
"I mean, paano ba ligawan ang hard-hearted? "-bawi ko.
"Palambotin mo lang.. "-maiksing sagot niya.
"So paano nga? "-inis kong tanong.
"Parang tinapay lang yan e.. Isasaw mo lang sa kape, lalambot na.. "-sagot niya.
"Aha! Titimplahan ko siya ng kape! "-giit ko.
"Loko! Hindi! Ang ibig kong sabihin, bali ikaw yung magiging kape.. "-sabi niya.
Inisip ko pa ng ilang beses ang sinabi niya.
"So anong plano? "-tanong ko.
"Diba dapat ikaw ang nag-iisip? Ikaw yung manliligaw diba? "-sunod sunod niyang tanong, tinutusok tusok pa ako sa tiyan.
"Fine! "-bored kong sagot para lang tigilan niya ako.
"So anong plano mo? "-tanong niya.
"Aalis na ako! "-sagot ko sabay tayo.
"Buti naman! Inaantok na ako! "-sabi niya.
So kanina niya pa gusto na umuwi na ako.
"Pssshh! Bye! "-paalam ko tapos ay isinira ang pinto.
Sumakay na ako ng elevator tas pinindot at bottom para sa basement.
Well na sa 6th floor ang condo unit ni Raf tapos may iilang sasakay pa.
Huminto ito sa 3rd floor at pagkabukas nito ay bumungad agad sakin ang grupo ng kababaihan.
What the?
Ang iiksi pa ng mga suot tas ang kakapal ng make up. Halos mapuno kami sa loob kahit naman may space pa sa harap, panay dikit sakin..
"Ops.. Sorry.. "-pabebeng sabi ng babaeng nasa harap ko na nakadikit din sakin.