41 reason
Kyle's POV
"Nag simula ang lahat nung grade 9 siya.. She was fallin' in love sa lalaking di naman dapat.. "
Sa tono ng boses ni kuya.. Alam kong mag kaunting galit siya..
"Matapos nung karelasyon niyang babae.. May sumunod pang isa at lalaki naman.. Di nga kami maka paniwala na mag kakagusto siya sa isang lalaki.. So ayun na nga.. Sinimulang bulahin ng lalaking yun si Lara.. Ito namang kapatid ko agad namang nahulog sa loko lokong yun.. Nagtagal sila ng dalawang buwan tatlo ata? Pero sa time na nagbago na talaga si Lara ng tuluyan, lahat ng mga gamit niyang panlalaki ay ipinasunog niya.. Tas nag patulong pa nga siya sa ate niya kung paano mag lakad babae.. "-habang sinabi niya yun tumatawa pa siya.
"Kaming lahat na pamilya niya, namangha sa biglaang pag babago niya.. Hindi pa nga namin alam ang rason kung bakit.. Pero bilang kuya niya.. Tinanong ko siya.. Buti naman at nagtapat siya sakin.. Natawa pa nga ako dahil habang kinekwento niya para bang kilig na kilig siya... Nangako akong di ko sasabihin kina Mama at Papa.. Ako at si Laura lang ang nakaka-alam.. "
"Natutuwa na din kasi akong nakikita si Lara na ganun ka saya... Pero sa isang iglap nag laho lahat ang saya at ngiti sa mga labi niya... "-nang sinabi ni Kuya Lou yun kiniyom niya ang mga kamay niya.
"Ano bang nangyari? "-tanong ko.
"Nakipag kita yung lalaking yun sa kanya.. Tandang tanda ko pa ang eksaktong araw September 10 yan yung araw na naging dahilan na nawala samin si Lara ng ilang linggo.. "-sabi niya sa bawat salita may mga diin nito.
"Saan ba siya nag punta? "-tanong ko.
"Na sa kwarto lang siya.. "
Punyeta! Na sa kwarto lang pala! Nawala na agad? Ibang klase!
"September 10, nakipag kita sa kanya ang lalaking yun sa park.. "
Tinignan ko ang phone ko para tignan ang oras pero iba ang nakita ko.
Kahapon... September 10 kahapon..
"Inihatid ko si Lara doon sa sinabing park.. Nag hintay pa kami ni Laura doon, dahil pati kami excited para sa bunso namin... Mga isang oras nakabalik si Lara samin mugto ang mga mata! Panay rin siya sa pag iyak.. Sinalubong namin siya at niyakap.. Di na kami nag abala pa ni Laura na mag tanong dahil na rin siguro hindi pa tama.. Mga ilang araw pa ang lumipas bago sabihin ni Lara ang lahat na nangyari.. "
"Niloko siya at pinag laruan ng lalaking yun! Nakipag kita siya kay Lara para lang makita ng kapatid ko na may kahalikan siyang iba! Diba! Nakakaloko yun!! Kainis talaga!....Simula nung mangyari yun.. Di na masyadong lumalabas si Lara sa kwarto niya, isang beses lang din siyang kumakain sa isang araw.. Hanggang sa umabot na siya sa puntong hindi na siya kumakain.. Hindi niya na naaayos ang sarili niya.. At nawalan ng paki-alam sa paligid niya.. Ako bilang kapatid at pangalawang ama niya, di ko matiis na nakikita siyang ganun, para na siyang latang gulay... Pinag sabihan na namin siya ni Laura na ' puppy love lang yun' at sa di ko na napigilan ang sarili.. Pinagalitan ko na siya.. Pero wala e bingi siya sa mga panahon na yun.. Nanghingi na ako ng tulong sa bestfriend niyang si Andy.. "
Ba't parang napaka pamilyar ang mga kinekwento niya?
"Tapos? Ano nakinig ba siya? "-tanong ko.
"Well.. Tama naman ako sa hiningan ko ng tulong.. Yung bestfriend niya lang ang naka pamulat sa kanya.. "-sagot niya.
"Di nag tagal muli naming nasilayan ang ngiti sa muka niya at narinig ang mga halakhak.. Madalas na rin silang umalis ni Andy.. Pumupunta ng mall, minsan gawain nilang mag hiking.. Mula noon hanggang ngayon bumalik lang si Lara sa kung ano talaga siya.. Masaya na kami nu'n! "-naka ngiti niyang sabi.