38 argument
Kyle's POV
Lagi ko parin iniisip ang mga sinabi ni Raf kahapon.
Pero... Oo ina-amin ko na totoo yung mga sinabi niya..
Naiinis ako kung lumalapit si Santos kay Kara! Tas para bang sinasapian ako ng kademonyuhan pag may ibang nag kakagusto sa kanya..
Tungkol naman du'n sa kuya niya.
Sariling kagustuhan ko na rin kasi yun, sariling desisyon na protektahan si Kara.
Laban kay Samantha at sa mga taong gustong manakit sa kanya."Dude? Okay ka lang? Kanina ka pa pabalik balik sa pag lalakad ah?"-tanong ni Az.
"....."
Napakamot ako bigla sa batok ko.
"Dude! Yung sahig numinipis na! "-sigaw niya bigla.
"Ano? "-tanong ko naman.
"Eh kasi naman parang mawawala na yang sahig kakabalik mo sa paglalakad! "-giit niya.
"Ulol! "-sagot ko.
"Anong oras nga pala uwi natin bukas? "-tanong ko.
"Dunno... Kay Tatay ka mag tanong! "-sagot niya.
"Wala ka bang gagawin? Huling araw na natin bukas! Baka naman may gusto kang aminin o gawin? "-sabi niya.
"Wala!.. Anong klaseng camp ba 'to! Wala namang ka kwenta kwenta! Para lang tayong gumala at hindi umuwi ng bahay! "-reklamo ko.
"Oo nga 'no? Tama ka! Wala lang man tayong masyadong nagawa! Buti pa du'n sa bahay ni kuya, madaming task! "-napataas ka agad ang kilay ko sa sinabi niya.
"Asa ka naman na makapasok du'n! E para lang yun sa mga Normal na tao! "-seryoso kong sabi sa kanya.
"Wala naman akong sinasabing sasali ako du'n, at tsaka sinabi mo bang 'Normal na tao' ? So ano ako? "-tanong niya.
"You really ask nah? "-I said in sarcasm.
"Hindi ka ba talaga lalabas? "-pag iba niya ng topic.
"Kanina ko pa yan sinagot! Unli unli ka! "-sagot ko tapos ay humiga ulit ako sa kama.
"Oh segi! Lalabas na ako! Tawagin na lang kita pag kakain na! "-sabi niya bago siya lumabas.
Nagtalukbong ako ng kumot ko at ipinikit ang mata.
Ano bang gagawin ko?
Hindi ako lalabas sa kwartong 'to hanggat hindi ko pa nakukumpirma ang saloobin ko.
Mas mabuti na rin sigurong mag isa muna ako para maka pag isip pa ako ng tama.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin!
Kung makikita ko ulit si Kara sa labas tapos nandyan pa si Tina.
Pano kaya kung umuwi na ako ngayon? Para mas maka pag isip ako sa bahay? Tapos sa Tuesday ko na aayusin ang mga 'to.
Pero pano kung may mangyari na naman sa tibong yun? Malagay na naman sa alanganin yung buhay niya?
"Haaayy nakooo!! Bibiyakin ko na lang talaga tong ulo ko!! Kainis!!! "
Sobrang lito na talaga!!
But I need to clear my feelings!
Gusto ko nga ba si Kara? O baka naman? Nadala lang ako sa mga sinabi ni Raf?
Pero kasi... Si Tina ayokong saktan ang inocenteng puso niya... Pero mas lalong ayaw kong masaktan si Kara sa lahat lahat, ma pisikal man yan o sa emosyon!