CHAPTER 33: FIELD TRIP 2.O

262 20 0
                                    

   33 field trip 2.o

  Kyle's POV

"Ma'am excuse me! Ilang araw ba tayo dito? "-narinig ko na lamang na tanong nung estudyanteng taga Section C.

"Students!! Come!! "-sigaw ni Ma'am, tapos ay nag silapitan na din yung iba.

"Hey young people listen!! Simula ngayong araw na 'to patungo lunes ay mananatili tayo dito.. "-sabi ni Ma'am.

"Tss.. May field trip bang hanggang apat na araw!? "-tanong ni Kara.

Napakalakas pa ng boses, lahat tuloy naka tingin sa kanya.

"Oh? Miss? Hindi mo ba nabasa yung nasa waver niyo?  Field trip slash Camping.. "-sagot ni Ma'am  sa kanya.

"Ah ganun ba? Sa pagkaka-alam ko kasi sa Field trip ay isa dalawang araw lang.. "-sarcastic na sagot ni Kara.

"Slash Camping nga diba.. "-mukang na-iinis na si Ma'am kakasagot kay Kara.

"Edeh!? Field Camping na lang sana yung tinawag... "-sabi pa ni Kara.

Nagtawanan yung mga estudyanteng naka palibot dito.

Huminga ng malalim si Ma'am...

"Ibang klase talaga siya.. "-narinig kong sabi ng isang lalaki na katabi namin.

Tinignan ko siya at napatingin din siya sakin.

"Oh? Pre! Alam mo ba ang pangalan ng babaeng yun? "-tanong niya sakin.

"Asan du'n? "-tanong ko sa kanya.

"Yung sumasagot kanina.. "-sagot niya.

"Oo alam ko.. "-inis kong sagot sa kanya.

"Ano!? Sabihin mo naman... Madalas ko na kasi siyang makasalubong sa school pero nahihiya lang akong lapitan siya... "-sabi pa nito.

"Gusto mo ba siya?"-seryoso kong tanong sa kanya.

"Parang ganun na rin... Nakuha niya kasi ka agad ang puso ko.. "-humawak pa siya sa dib dib niya.

"Kaso... May nag mamay-ari na sa kanya eh.. "-sabi ko.

"Huh?  Sino? "-taka niya pang tanong.

"Ako!! Ano gusto mo girlfriend ko!!? T*ngna mo!! Siguraduhin mo muna kung may boyfriend na yang nagugustuhan mo!  Para di ka umasa! Kinuha niya yung puso mo?  Ang corny mo tol!!  Aba't gusto mo ba talagang makuha yang puso mo?  Ako na mismo ang papatay diyan... "-inis kong sabi sa kanya.

Habang binibitawan ko ang mga katagang yun ay unti-unti naman siyang uma-atras.

"Girlfriend mo ba yun!? Akala ko yung nasa Section A ang girlfriend mo? "-pinagpapawisan niya pang sagot sakin.

"Paulit-ulit!? Girlfriend ko nga diba? "-bulyaw ko.

"Pero sabi nila... Ikaw daw yung boyfriend ng babaeng taga Section A? "-sabi pa nito.

"Raf... Ilayo mo nga tong hinayupak na 'to, nagdidilim paningin ko... "-seryoso kong sabi kay Raf.

"Tol! Lumayo ka na!  Doon ka oh!  Doon! "-sabi ni Raf sa kanya.

"Ibang klase ka Ky!! Angkinin ba naman yung hindi sayo..."-tawang tawang sabi ni Raf sakin.

"Tsk! Sinabi ko lang naman yun para iwas problema na kay Kara.. "-sagot ko sa kanya.

"Talaga ba? E ba't parang may katotohanan yung mga sinabi mo? "-tanong niya.

"Tss... Bawat isa nu'n, walang katotohanan..."-seryoso kong sabi sa kanya.

Im Inlove With A BoyishWo Geschichten leben. Entdecke jetzt