55
Paith's POV
"Hindi pwede Howard, alam mo kasi... Magkaibigan kayo ni Kabute tas tayo rin magkaibigan na rin tayo. Basta hindi ako papayag, hindi pwede! Gusto ko na yung kaibigan mo. Si Kabute ang gusto ko, maybe I'm so straightforward pero mabuting habang maaga nasabi ko na sa'yo. "
"Sorry.. "-dugtong ko.
Narinig ko na lang na tumawa siya.
"Biro lang 'yon Paith.. "-natatawa niya pang sabi."A-ano? "
"Biro lang 'yon, HAHAHAHA napa-confess ka ng walang oras. Ikaw ha, gusto mo rin pala si Ky. "-patuloy parin siya sa pag tawa.
"Alam mo, sa oras na 'to gusto kong suntukin ka sa mukha. "-seryoso kong sabi sa kaniya. Napahawak ako sa tenga ko tsaka napabuntong hininga.
"Ano ba yung sasabihin mo!? "-inis kong tanong sa kaniya.
"First of all kumalma ka muna. "-sagot nito.
Kanina nagawa ko pang kumalma, pero dahil sa pang gogood time niya para akong sinapian ng kademonyuhan. Hindi naman sa galit ako dahil prank lang pala 'yon, naiinis ako dahil napa amin ako ng walang plano, nag mukha akong tanga.
"Sabihin mo na. "-saad ko.
"Ahm, sa totoo lang gusto ko lang humingi ng tawad sayo dahil sa inaasta ni Kyle recently. "-malumanay niyang sabi.
"Yun lang? "-taka kong tanong tas tumango lang siya. "Labis mo pa akong pinakaba tas yan lang pala yung gumugulo sa isip mo. Well, you don't have to be sorry. Kaibigan mo yung may saltik, hindi ikaw. "-sabi ko sabay cross arm. Tumawa siya ng bahagya.
"So? Tara! Libre ko pananghalian. "-aya niya.
"Hindi na, diba't nasabi ko na sa'yo na sa bahay na ako palaging manananghalian. "-sagot ko. Inilagay niya yung kaniyang mga kamay sa bulsa ng pantalon tsaka ngumiti sakin.
"Oo nga pala. "-sambit niya, hindi ko paman gaano ka kilala itong si Howard pero masasabi ko nang napaka mabuti niyang tao. Inihatid niya pa ako kay Kuya Cardo bago siya bumalik at pumunta sa cafeteria.
Shutaa! Nakalimutan kong sabihin kay Howard na 'wag sabihin kay Kabute yung nasabi ko kanina.
Nakakahiya.
Tinatawagan ko si Howard ng ilang ulit pero hindi niya sinasagot.
-------
Howard, please wag mo nang sabihin kay Kabute yung napag usapan natin kanina. Maawa ka sakin.
--------
Hinintay ko pa yung reply niya hanggang tumunog na yung cellphone ko.
--------
Hahahaha, hindi ko mapapangako. But I'll try my best. Nasa school ka pa ba?
-------
Tignan mo 'to, ayaw na lang mangako.
I reply.
-------Oo. Bakit?
-------
Pero hindi na ako nakatanggap pa ng text sa kaniya.
Na sa labas na kami ng school naghihintay kay kuya Malex.
"Ang tagal naman ata ng sundo mo. "-reklamo ni kuya Cardo.
"Tumabi kayo kuya Cards.."-sabi ko sa kaniya, may lalabas kasi na sasakyan galing sa school. Huminto pa ito saglit sa harap namin, e hindi ko naman makita kung sino yung na sa loob dahil sa itim ng glass.