50
October 20...
Kyle's POV
("Asan ka na ba!!!? ")
Naimulat ko ang mga mata ko ng makadinig ako ng matinis na boses.
At bumungad si Mom sa paningin ko na hawak hawak ang cellphone ko at naka tapat sakin.
"Mom? "
"Estonteco bofilino.. "-bulong niya sabay nguso sa phone.
"What!?"-gulat kong tanong at agad na bumangon.
Kinuha ko yung phone at tsaka ko tinignan ang screen.
Heck! It's already 8:37 a.m!
"H-hello? "-kinakabahan pa ako.
("Anong hello!!? Asan ka na bang hayop ka!? Kanina pa ako nag hihintay sayo dito!! ")
"Nandito sa kama naka upo.. "
("Ginagago mo ba ako ha!!!? ")
Agad kong nailayo ang phone sa tenga ko..
'Ang sakit! '
"Hindi.. Minamahal lang kita.! "-sagot ko.
"Booom! Plus point para sayo Blake! "-sigaw din ni Mom.
"Ssshhh! "-I hiss.
("Tumayo ka na diyan sa kama at pumunta dito!! ")
"Teka sinabi mo bang? 'Ako? ' so ikaw lang mag isa diyan? Asan sina Raf? "-sunod-sunod kong tanong.
("Aba hindi ka naman bingi diba!? Ewan ko ba diyan sa mga kaibigan mo! Bigla bigla na lang nawawala! E samantalang ikaw Kabute! Bigla bigla na lang ding sumusulpot! Pero punyeta ngayon!!! Asan ka na!!?? ")
"Wait lang maliligo lang ako.. "
("Ano!!!?")-nailayo ko na naman sa tenga ko yung cellphone.
"Hindi ka naman siguro bingi diba? "
("Aba't!! ")
"Basta hintayin mo lang ako.. "
("Wag ka ng maligo.. ")
"No way! "
("Bahala ka! Uuwi na lang ako! Kayo na lang bumili ng babaonin sa byahe! ")
"Teka! Oo na! Hindi na ako maliligo! P*ta! "
("Teka minumura mo ba ako!!? ")
"Hindi ikaw yung sinabihan ko! S--si Mom! Si Mom yun! "
Lumapit sakin si Mom tsaka ako binatukan.
("Bastos ka ah! Pati ina mo minumura mo!)
"Psshh! "'Kung alam mo lang ikaw yun! '
"Sige na! Mag bibihis lang ako.. "
("Wag ka ng mag bihis! Pumunta ka na agad dito loko ka!! ")
"Grabe ka naman! Pati ba naman sa pag bihis binagbabawalan mo ko!? Ganyan ka ba talaga ka concern sa boyfriend mo? "
("Anong boyfriend!!? Utot mo! Ang kapal nito! ")
"Pero.. Okay lang mas gusto ko yung over protected na girlfriend mas nakakakilig yun... Kasi ayaw mo kong pabihisin dahil kapag nag ayos ako marami na namang babaeng aaligid sakin diba!? "
("Ang kapal talaga!! Bahala ka diyan sa buhay mo! Uuwi na ako! ")
Sabi niya sabay patay.
"Putek! "