45 can i?
"Cutie pie! Bilisan mo na! "
"Ito na! "
"Saan yung palda mo? "-tanong ni Kuya.
"Nasa taas.. "-sagot ko naka turo pa sa ibabaw.
"Kunin mo dali! Tatahiin ko.. "-sabi niya.
Gawain ng babae pero kaya ng Kuya ko!
"Mamaya na lang.. Bukas ko pa naman gagamitin yun. "-sabi ko sa kanya.
"Oh sha! Ako ng kukuha, tinatamad ka lang naman.. Bilisan mo na at kumain na! "-sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Kuya... "-pagmamaktol ko.
"Sorry na! Naka Mapeh ka pa naman baka masipa mo pa ako! "-naka ngiti niyang sabi sakin.
"Talaga lang... Minalas ka dahil Wednesday ngayon, di ako naka palda! "-biro ko.
"Segi na! Kumain ka na! "-sabi niya ,tinutulak pa ako papuntang kusina.
"Ikaw ha! Anyare sayo kagabi? "-tanong niya.
"Sina Ate at Mama? Saan? "-tanong ko.
"Ayon! Umalis na! Sinundo si Papa.. "-sagot niya.
"Ah.. "
"May nangyari ba sayo kagabi? "-tanong niya na naman.
"Maaga ba silang umalis? Anong oras? "-tanong ko.
"Kaninang alas sing--- Teka nga lang! Ba't di mo sinasagot yung tanong ko? "-nakapamewang niyang tanong.
"May nagtapat ba sayo? "-agad akong napatingin sa kanya.
"Tama nga ako.. "-naka ngisi niyang sabi.
"Wala ah! Imposible!! "-giit ko tapos ay uminom ng tubig.
"Ba't di ka agad maka sagot? "-tanong niya.
"Anong oras na ba ya? "-tanong ko."7:04 na.... Hoy!! Male-late ka na!! "-sigaw niya, agad naman akong nataranta.
"Bilis!! Bilis!! "-sigaw niya kahit nakasakay na ako sa sasakyan.
"Paith? May activity ba kayo sa School niyo ngayon? "-tanong ni...
"Kuya Malex? Kailan pa po kayo naka balik? "-gulat kong tanong sa kanya.
"Kaninang umaga lang, tinawagan kasi ako ng Mama mo.. "-sagot niya.
"Ah okay.. Pero bilisan niyo na.. "-kinakabahan kong sabi sa kanya.
"Siguro nga may activity kayo ngayon 'no?"-tanong niya.
Napakiyom ako dahil sa daming tanong niya..
Napaka stricta pa naman ng First subject namin ngayon kasi Wednesday.
"Wala naman pero male-late na ako! "-inis kong sabi. Pina-andar niya ang kotse at umalis na kami.
"Male-late? E anong oras ba pasok niyo? "-tanong niya na naman.
Isang tanong na lang Kuya Malex sasakalin na kita!
"7:30 Kuya! Tapos kanina paglabas ko ng bahay 7:04 na po! Tapos sa sobrang dami ng tanong mo at sa sobraaaaang bagal mo maka-intindi.. Gusto na kitang ibalibag..! "-sarkastico kong sabi sa kanya.
"Paith.. 6:48 pa lang.. "-sabi niya.
Natigilan ako at napakunot ang noo.
"Ito oh.. "-sabi niya pa at ipinakita ang orasan sa kotse.