44 again
Kyle's POV
"Hi-hindi na nila tayo m-masusundan dito.. "-hinihingal kong sabi kay Kara.
"Sigurado ka? "-tanong niya.
"O-oo.. "-sagot ko.
Napatingin ako sa palda niya.. Hinubad ko yung jacket ko at inilagay ito sa bewang niya.
Matapos nu'n napa-upo ako sa sahig dahil sa pagod.
"Ano 'to? "-tanong niya.
"Ja-jacket.. "-hinihingal ko paring sagot sagot sa kanya.
"Okay ka lang? "-tanong niya sakin.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Ikaw okay ka lang? "-tanong ko din sa kanya.
"Ako pa! "-sagot niya.
"Buti naman.. "-utas ko.
"Baliw pala yung babaeng yun 'no? "-tanong niya.
"Kung hindi ka dumating? Asan kaya ako ngayon 'no? "-tanong niya.
"Kung nakinig ka sakin... Sana nandun ka lang sa bahay niyo.. "-sagot ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko pero hindi masyadong malapit sakin.
"Pero salamat ah! "-sabi niya tapos ay siniko ako ng mahina.
"Basta ikaw.. "-sagot ko.
"Pero kung nakinig ka talaga sakin, ede sana kumakain ka na sa inyo ngayon! "-kunot noo kong sabi sa kanya.
"Pfft! Oo na! Kasalan ko na! Pero sa totoo lang ikaw naman talaga ang may kasalanan nito! "-sumbat niya sakin.
"Oh! Tapos sakin ngayon napunta? "-tanong ko.
"Ikaw naman talaga! "-taas kilay niyang sagot.
"Ako pa sinisi.. "-magtol ko.
"Talaga naman! Kung hindi mo yun hiniwalayan ede sana hindi siya makikipagkita sakin! "-sigaw niya.
"E kung nakinig ka lang sakin!? Lahat kasi ng sinasabi ko akala mo puro kalokohan, di mo lang alam iniisip ko lang yung ikakabuti mo... "-seryosong sabi ko sa kanya.
"Ikakabuti! Ako pa niloko mo! "-giit niya.
"Oh diba!? Di naman kita lolokohin e! Kung magtitiwala ka lang sakin.. "-sagot ko.
Natahimik siya at napatingin sa ibang direksyon.
"Nako tigil tigilan mo 'ko! "-sabi niya.
"Sasabihin mo na naman! 'Stay away of it! ' "-ginaya ko pa kung paano niya sabihin yun.
"Yeah.. "-sagot niya.
Natahimik kami pareho ng maubusan na ng salita. Napatingala ako sa langit..dumidilim na.
Tumayo ako tsaka napahawak sa railings.
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka ibinuga.
"Sorry.. "
"Oh diba inamin mo rin.."-mahina niyang sabi.
"Kara! "-tawag ko sa kanya at sapilitan siyang tinayo.
"Masakit yun ah! "-sigaw niya.
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay tsaka siya tinignan ng seryoso sa mata.
"K-ka-kabute? "
"Kara..."
" Gusto kita! "
Bakas sa muka niya ang pagkagulat pero ilang saglit lang ay napalitan na ito ng inis.