Paith's POV"Cutie pie.. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang makalabas ka sa hospital, pero ito ka parin hindi man lang lumalabas sa kwartong ito, tell me may masakit ba sa'yo? "
Mas lalo ko lang hinigpitan ang pag hawak sa kumot ko habang naka tingin sa bintana.
"Cutie pie.. Sabihin mo naman samin, nandito naman kami ni Kuya. "
"Okay lang ako ate,kuya. "
"Madalang ka na lang kumain sa isang araw, e nuon naman halos buong araw kumakain ka.. "-kahit pang aasar na yung sinabi ni Kuya parang wala lang man ito sakin.
"Cutie pie, wednesday na bukas. Sabi nga pala ng teacher niyo sa susunod na lunes ka na lang daw pumasok. Nasa mesa mo lang yung pagkain ha. Tara na Lau. "
===========
Kuya Louis POV
"Kuya? Sa tingin mo, anong nangyari kay Cutie pie? "-tanong ni Laura sakin.
"Hindi ko rin alam. "
"Kuya, hindi kaya na trauma siya? "-napatigil ako sa paghahalo sa niluluto dahil sa sinabi ni Laura.
Posibleng na trauma nga si Lara, masama yun kung magkataon.
"Pero hindi kuya e, nag simula lang naman siyang magkaganun nung nag walk out siya sa kwarto ni Kyle. "-tama si Laura, ewan ko ba kung may away sila ni Kyle. Matapos niyang mag walk out ay wala ring imik si Kyle nun.
"Kuya Cardo! Baba muna kayo, sumabay ka na samin. "-tawag ni Laura dun sa bantay ni Cutie pie. Inilagay ko na yung pagkain sa mesa sakto namang dumating si Mama.
"Good morning anak. "-lumapit sakin si Mama tsaka ako hinalikan si pisngi.
"Ma,naabutan na kayo ng umaga ah. "-utas ko."Hayst, ang dami kasing work. Nagpa iwan pa nga yung Papa niyo sa opisina. "-sagot niya. Halatang pagod na si Mama.
"Kumain na ho kayo pagkatapos ay mag pahinga. "-sabi ko sa kaniya.
"Si Lara? "
"Ayon, hindi parin lumalabas sa kwarto niya. "-sagot ni Laura kay Mama.
"Tinanong niyo ba kung may problema siya? Baka naman may masakit pa sa kaniya."-bakas sa mukha ni Mama ang pag-alala. Nginitian ko siya sabay hawak sa kamay niya."Ma, tatanungin ko na lang mamaya, basta kumain na ho kayo para makapagpahinga na. "-sagot ko.
"Dibale na, I will talk to her bago ako magpapahinga. "-saad niya.
Nagsimula na kaming kumain kasama yung bantay ni Cutie pie. Tas bigla na lang may tumawag sa phone ko.
"Sasagutin ko lang. "
"Hello? "-sabi ko sa kabilang linya.
("Hello Mr. Louis Chavez? ")
"Speaking. "
("I'm SPO 1 Arnorld Buena, kami po yung may hawak sa kaso ng kapatid niyo. Ibabalita ko lang na may nag bigay samin ng impormasyon kung nasaan yung suspek, kasalukuyang hinahanap namin si Samantha Monteverde. ")
"Maraming salamat po sir, pakitawagan na lang po ulit ako kung ano na. "
("Sige po, makaka-asa kayo. ")
Tapos ay naputol na yung linya, bumalik ako sa hapagkainan pero wala na si Mama at si Cardo. Tanging si Laura na lang ang naiwan.
"Sino yun kuya? "
"Yung pulis, nagbalita lang na hinahanap na daw nila yung Samantha. "-sagot ko.
"Really!? I hope naman na mahuli na nila. Gusto ko na siyang sabunutan. At tsaka kung magkataon na makita ko siya naku! Ililibing ko talaga tong takong ko sa ulo niya. "-tinignan ko lang yung reaksyon ng kapatid ko na nanggigigil.