CHAPTER 39: A SONG & ADMITTING

306 20 0
                                    

   39 a song & admitting

    Kyle's POV

"Ano na? Okay na kayo ni Tin? "-tanong ni Kenny.

"Ewan ko ba sa babaeng yun? "-tanging na sagot ko.

"Si Kara ba? "-tanong ko sa kanila.

"Nandu'n! Pinapakalma pa rin ni Santos! "-sagot ni Raf tas tinuro yung bandang kusina.

"Haiisstt... Sana naman okay lang siya.. "-utas ko.

"Akyat muna ako! "-paalam ko sa kanila.

"Balik ka ha! "-sabi ni Az.

Dapat ko pa bang ipag patuloy 'to? O pagtuonan na lang ng pansin si Tina?

"Boys!! Kung sino man ang nandiyan pa sa loob, labas na mga ilang minuto ha! Gagawin na natin ang last activity! "-rinig kong sabi ni Ma'am San Jose.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa dalawang babaeng yun. Lalo na ngayon sa ginawa ni Tina kay Kara.

Ang iniisip ko pa ngayon... Si Kara hindi yun matatahimik hanggat hindi siya nakaka ganti.

"Naku!!! Mas lalo ng gumulo!!! "

Nag bihis lang ako tapos ay lumabas na para hanapin si Kara.

Nang maka baba na ako sa hagdan nakita kung madami ng estudyanteng nag tipon tipon sa gitna.

"Kyle!! "-tawag ni Raf.

Bumaba ako tas lumapit sa kanila.

"Si Kara ba nakita mo? "-bulong ko kay Raf dahil hindi ko na masyadong naririnig ang sarili kong boses dahil nag sisimula ng mag ingay ang Schoolmates namin.

"Hindi! Pero kani-kanina lang nakita kong magkasama parin sila ni Santos! "-bulong niya din sakin.

"Hanapin ko lang... "-sabi ko.

"Teka lang!! Mag sisimula na tayo! "-sabi niya tapos ay pinabalik ako sa pwesto ko

"We're going home tomorrow!!  So let's enjoy na last night!! "-sigaw ni Ma'am.

Naghiyawan naman yung mga estudyante.

"First! Bubunot ako ng name dito! Tapos kung sino yung mabubunot ko! Syempre dare natin!! Okay ba yun? "-sabi ni Ma'am.

Nag simula ng bumunot si ma'am ng pangalan pero ang ulo ko panay parin ang lingon kung saan saan.

"KYLE SMEED!!! "-sigaw ni Ma'am.

"Bro! Minalas ka! "-sigaw ni Az.

"No way! Sabihin mo pass ako! "-sabi ko.

"Hoy! Hindi tayo umiinom dito para mag pass ka! Pumunta ka na doon! "-sabi ni Kenny.

"Ayaw ko nga! "-giit ko.

"Segi na!! Kj Kj naman nito! "-sabi ni Raf.

"Hindi nga!! Ayaw ko! "-giit ko parin.

"Kyle! Kyle! Kyle! "-biglang sigaw ni Az.

Kaya yung iba pang narito ay sinisigaw na rin yung pangalan ko tapos itong si Raf at Kenny naman ay tinutulak na ako papuntang harap.

"Tigilan niyo nga ako! Sinabing ayaw ko nga diba?! "-inis kong sabi sa kanila.

"Smeed come here! "-sabi ni Ma'am.

Napilitan akong umakyat sa maliit na stage na inilagay nila.

"Calm Smeed.. It's just fun! "-sabi sakin ni Ma'am.

Im Inlove With A BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon