Chapter 11:Campus Good Girl

1.6K 60 0
                                    


Quenzy's POV

*KRIIIIIINGG*

Sa wakas lunch time na..

Inayos ko na yung mga gamit ko at nilagay sa backpack kong color light green and black..

Ako nalang ang natira dito sa room.. Nag-unahan na kasi yung mga kaklase kong mga PG!! (Patay Gutom)

Nung nasa pinto na ako.. Nakita ko si Nicola na nakasandal dun sa gilid ng pinto ng room namin..

"H-hello!!" Medyo kinakabahan kong sabi..

"Sabay na tayo." Hindi na ako nakapagprotesta ng kaladkarin nya na ako.. Pero.. Ayaw ko naman talagang pumalag.. May friend na si ako eh!!

Pumunta na kami dun sa cafeteria at umupo..

Medyo awkward ang atmosphere saaming dalawa ni Nicola

"Oi. Anong gusto mo? Libre ko." As usual.. Bored nanaman sya..

"Uhh.. Wag na.. S-salamat nalang." Say ko na medyo kinakabahan.. Alam nyo na.. Baka magalit sya eh.. Sabihin pang choosy ako.

Pero nagulat ako dahil..

"Ok.. Hindi nalang din ako kakain. Ayoko kasi na kumakain ako tapos yung kasama ko ay hindi kumakain. Mukhang makasarili tingnan." Sabi nya at ngumiti ng tipid pero halata mong totoo yun.

Dahil dun ay napangiti nalang ako.. Mabait naman pala sya eh..

Umupo nalang kami dun.. Pero this time ay hindi na awkward ang atmosphere saamin.. Kundi comfortable atmosphere na.. Hanggang sa.. May dumaan na grupo ng kalalakihan at nasa gitna nila si... KIRSTIEN?!

Napatingin saamin si Kirstien at nagulat..

"Oh hi!! Mukhang magkaayos na ang bad at good ah?" Pagbibiro nya.

Walang reaction si Nicola habang ako naman ay tumawa ng kaonti

"Hehe.. Hindi naman sa ganun. Nga pala! Asan si Mikhaella??" Tanong ko sakanya..

Mukhang nabigla naman yung mga ibang estudyanteng dumadaan nung banggitin ko ang pangalan ni Mikhaella..

"Magka-close ba sila ni Ms. Collins?? At pwede nyang tawagin sa tunay na pangalan si Ms. Collins." Bulong nung isang babae sa ka-grupo nya.. Pero ewan ko ba kung bulong pa yun.. Rinig namin eh.

Oo nga pala.. Mga kaibigan lang ni Ms. Collins ang pwedeng makatawag sakanyang first name..

"Baka feeling close?" Sabi din nung isang babae.

Napayuko nalang ako ng ulo dahil dun.. Oo nga naman.. Hindi naman kami close ni Ms. Collins tapos tinatawag ko syang Mikhaella

"Hoy!! Watch your mouth girl! Baka masapak kita! Maka-feeling close ka ah!! Bakit close naman talaga sila ni Ms. Collins ah?" Pagtatanggol saakin ni Kirstien

Ang nakakatawa lang ay yung nagsabi ng 'feeling close' daw ako kay Mikhaella ay kaklase ko pala..

Nabigla nalang ako ng biglang tumayo si Nicola sa upuan nya at tiningnan nang napakatalim yung kaklase namin.

Lumapit sya dun sa babae..

"Hindi ba sinabihan ko na kayo??" Medyo nakayuko si Nicola kaya natatakpan ng side bangs nya yung mga mata nya..

"O-oo.." Kita namin na nanginginig na sa takot yung classmate namin

"Bakit parang hindi mo yun narinig?? Bingi ka ba o ano?" Nilapitan pa ni Nicola yung babae na para bang inaangasan sya..

"S-sorry po." Say ni classmate namin..

"Ba't ka saakin nag sosorry?? Kay Quenzy ka mag sorry!" Say nya at medyo tinulak yung classmate namin papunta saakin..

"H-hindi na! Ok lang yun!" Sabi ko habang winawagayway yung kamay ko sa harapan ko.

Pero parang walang narinig  si Nicola at tinulak pa lalo yung babae.. This time.. Medyo malakas.. Dahilan para mapaluhod yung classmate namin sa harap ko..

Nagulat ako.. Si Kirstien at yung mga BFsss nya.. Atsaka yung mga nanonood saamin..

"S-sorry Quenzy.." Sabi nya..

Kawawa naman sya..

Lumuhod rin ako sa harapan nung classmate namin at tiningnan sya sa Mata..

"Ok lang yun.. Wag ka ng mag-sorry." Sabi ko at hinawakan yung kamay nya at hinila sya patayo..

Pinagpagan ko yung tuhod nya at ngumiti sakanya..

"Yan ok na." Sabi ko at ngumiti sakanya

Parang kumikintab yung mga mata nya at bigla nalang syang umiyak at niyakap ako sabay sabing..

"S-salamat!! Sorry talaga!! Hindi na ito mauulit!" Sabi nya at hinagod ko naman yung likod nya.. Nakarinig naman ako ng..

"Aww.."

"Ang bait nya naman.."

"Kaya pala sya Campus Good Girl."

"Ang cute cute nya!!"

Humiwalay na ako sa yakap at tiningan si Nicola na naka smile ng onti.. At kay Kirstien na nakasandal sa balikat ng isa sa BFsss nya..

Pagkatapos ng palabas na yun ay umalis na yung mga nanonood

"Salamat talaga Quenzy at sorry nga pala sa pangchi-chismis ko sayo." Say ni Jamaica.. Jamaica pala name nya.

"Ok lang yun." Sabi ko. Hinarap naman ni Jamaica si Nicola

"Sorry din saiyo. Hindi kasi ako nakinig sayo.. Tingnan mo tuloy nangyari saakin.." Sabi nya sabay bow kay Nicola

"Hindi.. Sorry rin sayo.. Masyado akong naging harsh sayo." Sabi ni Nicola at ngumiti kay Jamaica

Ngumiti din si Jamaica pabalik kay Nicola at umalis na..

"Nawalan na akong ganang kumain.." Sabi ni Kirstien sa mga BFsss nya..

"Kayo nalang ang kumain. Sama na muna ako sa mga friends ko. Bye my Boyfriendsss!! See yah later!" Sabi ni Kirstien sa mga BFsss nya. Hinalikan nya naman sila isa isa sa pisngi.. Syempre!! Bawal ang PDA saamin noh!

Nang nakaalis na yung mga BFsss ni Kirstien ay..

"Tara!! Punta tayo sa garden. Tambay nalang tayo dun!" Pag-aaya nya saaming dalawa ni Nicola

Pagkasabi ni Kirstien ng Garden ay bigla nalang ako naganahan.. Gusto ko kasi makakita ng mga bulaklak at mga halaman at mga ibon at mga puno!!

"Tara!!"sabi ko at hinila sila.

"Sandali lang naman!" Say ni Kirstien habang si Nicola naman ay poker lang..

Hanggang sa may narealize ako..

"Saan nga pala yung garden?" Tanong ko kay Kirstien

***************************
Silent_Reader_29's POV

Sorry po kung ngayon lang po ako nakapag-update..

Let me know kung may gusto po kayong i-suggest

COMMENT.VOTE.SHARE

Follow na rin po kung gusto nyo.. Pero nasainyo po yun kung magpa-follow kayo o hindi..

So bye bye po!!

SAYONARA!! (farewell)

-----------------0____0-----------------

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon