Chapter 36: Help

1.1K 57 0
                                    

Third person's POV

"Pasok kayo." Pag-aalok ni Nazeref sa dalawa. Agad namang pumasok yung dalawa na kanina pa tago ng tago.

"Nazeref? Ikaw na ba ya--aaaahhh!! Hindi Ba't sila yung mga--"

"Ssshhh! Ina wag kayo masyadong maingay!!" Saway ni Nazeref sakanyang Ina na nakanganga pa din habang nakatingin kina Mikhaella at Quenzy na kanina pa naiilang.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ng Ina ni Nazeref.

"Balak ko silang tulungan upang mapalaya ang kanyang mga pinsan." Paliwanag ni Nazeref. Ang sinabi kasi nila Quenzy kay Nazeref ay magpi-pinsan silang apat.

"Alam mong delikado ang balak mong gawin, diba?"

"Alam ko... Di ko alam lung Bakit pero pakiramdam ko, dapat ko silang tulungan." --Nazeref.

"Bahala ka. Basta mag-iingat lang kayo. Ano bang maaari kong maitulong?"

"Meron po ba kayong mga damit na maliit na sainyo? Mas lalo kasi silang mahahalata dahil sa kanilang mga kasuotan." Paliwanag ni Nazeref.

"Ay sandali lang at titingnan ko muna, pero baka meron ako." Then umalis na yung Ina ni Nazeref para maghanap ng damit na kakasya sa dalawa.

"Salamat ha? Nakaabala pa tuloy  kami." Nahihiyang tugon ni Quenzy, sya nalang ang kumakausap dahil hindi bihasa si Mikhaella sa tagalog, mas bihasa ito sa lenggwaheng English at Japanese. Habang si Kirstien naman ay sa French and sa bansang Valenzuela. Kay Quenzy naman ay Tagalog at English but mas bihasa si Nicola sa Tagalog kaysa kay Quenzy.

"Naku wala yun." Ngiti ni Nazeref.

Bumalik na ang Ina ni Nazeref at may dalang dalawang pinaglumaan na damit.

"Pagpasensyahan nyo na ha? Eto lang ang meron ako." Pahayag ng Ina ni Nazeref.

"Sobra sobra na nga po itong naitutulong nyo." -- Quenzy

Nagpalit ng nang damit yung dalawa at lumabas sa kwarto, kay Quenzy ay tama lang ang haba, habang kay Mikhaella naman ay medyo maliit but kasya pa din, medyo maiksi nga lang, 2 inches below the knee yung kay Mikhaella habang kay Quenzy naman ay 5 inches below the knee at parehas itong long sleeved.

"Kakailanganin nyo din Ito." Dagdag pa ng Ina ni Nazeref at binigyan sila ng balabal at binalot sa ulo nila para hindi masyadong makita ang kanilang mukha, advantage na din sakanila dahil gabi na at madilim.

"Maraming salamat po talaga sa pagtulong nyo saamin... Malaki ang utang na loob po namin sainyo." Quenzy bowed her head and Mikhaella bowed slightly.

"Ngayon. Kayo'y mag-ingat sainyong pagsagip sa inyong mga pinsan. Ipagdadasal ko kayo. Nazeref, samahan mo sila at ituro ang daan kung nasaan ang kuta ng Barrack Hunter. Mag-iingat kayong tatlo."

Nagsimula na silang maglakad at mabuti nalang ay wala na masyadong nakakapansin sakanila, dahil natatakpan na ang mga buhok nila at iba na ang kanilang kasuotan. Dala dala naman ni Quenzy ang kanilang mga damit sa isang maliit na sling bag.

Nananatili lang sila sa madilim na parte upang hindi masyado makaagaw ng atensyon since kilala ng mga mamamayan ang isa't isa dahil hindi naman gaano kalakihan ang Mystique village.

"Andito na tayo, sigurado ba kayong kaya nyo na? Maaari akong sumama sainyo." Nazeref insisted. Gusto nyang sumama upang tulungan yung dalawa but todo tanggi naman yung dalawa.

"Hay. Andito lang ako sa labas, sumigaw lang kayo kung kailangan nyo ng tulong." Nazeref sighed.

"Nazeref, sobra sobra na ang naitulong mo saamin. Ipaubaya mo na ito saamin." Quenzy reassured him with a kind and warm smile.

"Magtiwala ka saamin." Tipid na pahayag ni Mikhaella.

Tumango si Nazeref at tumakbo sa may kalapit na puno at umakyat dun at nagmasid-masid.

Hinarap naman nung dalawa yung kuta ng Barrack Hunter na kweba, but sa di kalayuan, may nakikita silang liwanag, kaya baka andun na yung headquarter nila.

"Let's do it?" Tanong ni Quenzy na nakangisi.

"No one messes with us." Mikhaella cracked her bones while a sadistic smile crawl into her lips. Medyo kinabahan naman si Quenzy ng makitang ngumisi si Mikhaella, minsan kasi ay ngumingisi lamang si Mikhaella lung may naiisip itong masama o hindi maganda.

'Oh no... Kaawaan kayo nawa ng langit...' Dasal ni Quenzy para sa mga makakasalubong nila dahil kay Mikhaella.

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon