Chapter 19:What?!

1.2K 55 0
                                    

3rd Person's POV

Habang abala sa pagpunta si Mikhaella sa garden.. (Na pumunta ulit sa rooftop na ngayo'y pababa na dahil pupunta sya garden para makipagkita sa tatlo..)

Nicola..(Na galing palang sa kanyang Cookery Class.. Papunta na sya sa garden and iniwan nya dun si Quenzy)..

Kirstien (Nasa Cafeteria kasama ang kanyang mga BFsss pero iniwan nya namuna sila para pumunta sa garden) at

Quenzy ( na mga 17 minutong nag-celebrate kasama sila Aaron at Eren dahil sa nakuha nilang 98% pero umalis rin agad ng mahalatang wala si Nicola. So she decided na baka nasa garden na yung tatlo)

"Sa tingin ko ay kailangan ko itong sabihin sa tatlo.." - sabi ni Quenzy sa kanyang sarili habang papunta sa garden

"Pero baka isipin nilang nababaliw na ako." Sabi namn ni Kirstien habang medyo hinihila ang ilang hibla ng kanyang buhok...

"Pero.. Hindi naman pwedeng coincidence lang yun??" Bulong ni Mikhaella sa sarili nya

"Aish. Basta.. Kahit anong mangyari.. Sasabihin ko parin sakanila!!" Sabi ni Nicola sa kanyang isipan..

"Pero.. Kakakilala ko palang sa tatlo.. Ba't pagkakatiwalaan ko sila nang isang medyo wirdong sekreto??" Tanong ni Mikhaella sa sarili nya.

"Ewan ko ba.. Feeling ko kasi ay maaasahan ko silang tatlo eh.." Sabi ni Kirstien habang tinatahak ang daan papuntang garden

"Basta. Buo na ang desisyon ko!!" Sabi ni Quenzy habang nakangiti sa sarili nya

"Sasabihin ko sakanila kahit ano man ang sabihin nila!!" Sabay na sabi ng apat na dalaga at tumakbo papunta sa garden..

Sabay sabay na dumating ang tatlong dalaga na sila Mikhaella, Nicola at Kirstien.. Habang si Quenzy naman ay dumating Pagkatapos ng 5 minuto ay dumating na ang naghihingalong dalaga kaya pinaupo muna sya nung tatlo..

Ni isa ay walang nag-iingay.. Para bang lahat sila ay may kanya kanyang iniisip

Hanggang sa..

"Guys. May sasabihin ako sainyo." Sa hindi inaasahan ay nagkasabayan ang apat na dalaga..

Mukhang nagulat naman ang apat na dalaga

"Kaya rin??" Sabay ulit nilang sinabi..

"Osige.. Kayo na muna ang mauna." Sabay na naman nilang sabi

"Seryos--" sabay sabay na sabi nung apat pero pinutol ito ni Kirstien

"Guys!! Ano ba yan!! Pwede wag muna kayo magsalita?! Mukhang scripted na itong pinagsasabi nyo eh!" Biglang sabi ni Kirstien

Nagulat naman yung tatlo at natameme.

"Ok.. Ako muna.. Pwede??" - Kirstien

Tumango naman yung tatlo na para bang pinagalitan na aso.

"Alam kong weird itong sasabihin ko.." Dahan dahang sabi ni Kirstien

'Ba't parang pareha nanaman kami ng sasabihin??' - sabi ni Quenzy sa kanyang isipan

'Wait. Imposible namang parehas kami ng sasabihin.' - sabi ni Nicola sa kanyang utak

'Ano ba ito si Kirstien!! Ang tagal tagal ng sasabihin.. Naiinip na ako ah!!' - inip na sabi ni Mikhaella sakanyang isipan..

"Kasi.. Guys.. Ugh!! Kayo na muna nga!! Kinakabahan ako sa sasabihin ko eh!" Pagtatapat ni Kirstien at napa-upo nalanh sa katabi nyang bench.

"Aish!!"

"Ano ba yan!"

"Pa-suspense naman tong babaeng to!"

Reklamo nung tatlo..

"Ako nalang ang mauuna.. Since parang naduwag yung isa jan sa sasabihin nya." Pagpaparinig ni Nicola kay Kirstien

Tiningnan naman ni Kirstien ng matalim si Nicola.

"*inhale* *exhale* *sigh* kaya mo to Nicola!! Fighting!! Aha!!" Sabi ni Nicola

Napa-face palm naman yung tatlo..

"Ako na nga!! Mukhang naduwag ka na rin!" Panunukso ni Quenzy kay Nicola..

"Oi!! Good girl ka lang!! Bad girl ako no! Baka gusto mo makatikim nito!!" Sabi ni Nicola habang pinapakita ang kanyang kamao kay Quenzy..

Agad naman nagtago si Quenzy sa likod ni Mikhaella na hindi mo alam kung anong klaseng expression ang gamit nya.. Mukha syang mangangain.. Mamamatay at natatae.. Haha!!

"Hay nako! Sa tingin ko.. Iisa lang ang maaring mangyari.." Sabi ni Mikhaella at umayos ng pagkakatayo..

"At ano naman yun aber??" Maangas na tanong ni Nicola

"Tigilan mo ako babae ka ha!! Baka gusto mong makatikim ng sapak!!" Sabi ni Mikhaella at tiningnan si Nicola ng sobrang lamig at yung mga mata nya ay nawalan mg kulay.. It looks very dull.. Para sya yung mga Psycho na anime..

Napaatras naman yung tatlo sa sobrang takot..

Si Quenzy na kanina ay nakatago sa likod ni Mikhaella ay biglang tumakbo sa likod ni Nicola at dun na tumago..

Si Nicola naman ay muntik ng madaghanan si Quenzy dahil sa pag-atras nya..

Si Kirstien naman ay mas lalong pinagkasya yung sarili nya dun sa bench. Nilagay nya yung dalawa nyang tuhod sa upuan an niyakap yung sarili nya.. While rocking back and forth.. Yung parang sa mga mental?? Yung nasa asylum?? Kapag nababaliw na. Ganyan yung ginagawa nya..

"Ok.. Mukhang kailangan nating magsabay sabay sa sasabihin natin para walang malugi. Ok??" Tanong ni Mikhaella na nasa normal nya nang katinuan.

Agad agad namang lumapit yung tatlo kay Mikhaella

"In the count of three." Firm na sabi ni Mikhaella

"1.." Pagbibilang ni Mikhaella

"2.." Pagpapatuloy ni Kirstien

"3!!" Pagtatapos nila Quenzy and Nicola

"Sa tingin ko ay may powers ako!!!" Sabay sabay nilang sabi..

Nanlaki naman yung mata nung apat..

"WHAT?!"

***************************
Silent_Reader_29's note:

Sorry po kung medyo short lang sya and boring..

COMMENT.VOTE.SHARE

Follow na rin po kung gusto nyo... Pero nasainyo na yun kung gusto nyo o hindi..

Sorry po sa mga grammatical errors and wrong grammars..

SAYONARA (FAREWELL)

---------------(●´ω`●)--------------

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon