Chapter 12:Ako ba yung Prinsesa??

1.6K 63 0
                                    

On the way to school garden..

Quenzy's POV

Ngayon.. Nung tinuro na saakin ni Kirstien yung daan patungo sa Garden ay kinaladkad ko na ulit sila..

Pagdating namin dun ay namangha agad ako sa aking paligid..

Ang..

Daming..

Halaman at Bulaklak at Puno!!

Sa gilid nitong garden ay may mga bench na may katabing mga puno para may lilim.. Sa gitna nang garden ay may Fountain na sobrang linaw nang tubig.. Para itong crystal na tubig!! Gyaaahhh!! *0*!!

"BOO!!" Rinig kong sabi ni Kirstien kung kanino man..

"SHIT!!" Rinug kong sigaw nung pamilyar na boses.. Pagtingin ko.. Si Mikha-- i mean Ms. Collins pala.. At bakit sya nakahiga sa damuhan?? Kung meron namang bench sa tabi nya

"What are you doing here??" Medyo naiinis na tanong ni Ms. Collins

"Para manggulo!" Masayang sabi ni Kirstien

"Aish!! So Annoying!!" Say ni Mikhaella at umupo dun sa bench na katabi nya..

Umupo na dun si Kirstien, Nicola at Mikhaella..(yeah.. Tatawagin ko nalang syang Mikhaella sa isipan ko.. Hindi nya naman naririnig..)

Habang ako naman ay tumitingin tingin sa mga halaman at bulaklak..

Ehh!! Ang ganda talaga dito!! Gusto ko dito tumira!!

"Oi!! Quenzy!! Umupo ka muna!! Kanina ka pa takbo ng takbo dyan at tingin ng tingin ng mga halaman!! Hindi ka ba napapagod?" Tanong at Sermon saakin ni Nicola

Hindi ko sya pinansin at tumakbo nanaman sa ibang side dahil may nakita akong ibang klaseng flower nanaman..

*after 16 minutes later*

Umupo na ako sa tabi nilang tatlo

"Pagod na ako.." Sabi ko at sumandal sa balikat ni Mikhaella.. Wala na akong pakialam kung magalit sya o ano.. Basta ang alam ko lang..

"I AM SO TIRED!!" Sigaw ko sa hangin

"Sino ba naman ang hindi mapapagod kakatakbo kung saan saan sa loob ng labing anim na minuto?" Tanong saakin ni Mikhaella

Alam kong nakangiti sya kahit hindi ko tingnan dahil halata mo sa boses nya... Rinig ko naman ang mahinang tawa nila Nicola at Kirstien.

Pagkatapos ng ilang minuto kakamasid sa mga halaman at bulaklak at puno.. May mga dumaan na...

"SQUIRREL?!" Sabi ko sabay tayo at hinabol yung mga squirrel na parang nakikipag habulan nga saakin..

Tumawa naman yung tatlo at pinanood lang ako na habulin yung dalawang squirrel.

Hanggang sa mapagod ulit ako at umupo sa harapan ng inuupuan nila Nicola

Lumapit naman saakin yung dalawang squirrel..

Yung isa ay nasa ulo at yung isa naman ay nasa balikat ko..

"Woah.. Diba parang mailap ang mga squirrel sa mga tao?? Ba't parang komportable sila kay Quenzy??" Sabi ni Kirstien at mahahalata mo ang pagkamangha sa kanyang boses

"Oo nga noh." Pagsang-ayon nung dalawa

Lalapit sana si Kirstien ng biglang umalis yung dalawang squirrel sa ulo at balikat ko.

"Aww.. Wala na sila??" Sabi ko at parang nalungkot naman ako..

"Ikaw kasi Kirstien eh. Natakot sa mukha mo?" Sabi ni Nicola at pabirong siniko si Kirstien. Tiningan naman sya ng masama ni Kirstien.

Maya maya pa ay bumalik yung dalawang squirrel na may mga kasamang...

OH MY GAWD!!

Saan galing ang mga nilalang na itech?!

May Tatlong fox.. Yung isa is baby pa ata tapos yung dalawa ay kanyang parents.. Then may dalawang parrot.. Yung isa ay color green na medyo malaki at yung isa naman ay color brown na medyo maliit.. Then may limang squirrel..

Lahat sila ay pinalibutan kaming apat.. Yung color green na parrot ay umupo sa balikat ko habang yung color brown naman ay nasa ulo ko..pagtingin ko sa likod ko..

"Haha!!" Natatawa talaga ako dahil yung mga squirrel at nginangatngat yung buhok at damit ni Kirstien

Habang si Mikhaella naman ay nasa Lap yung baby fox at nakatingin lang yung baby fox kay Mikhaella.. At mukhang ayaw rin magpatalo ni Mikhaella pagdating sa titigan.. Hehe.. Mukha silang kwago..

At si Nicola naman ay nasa side ng paa nya yung isang parents ng baby fox and yung isa naman ay  nasa may side ng kamay nya.. Pero kita mo namang nag-eenjoy si Nicola..

Hanggang sa... May narinig akong panglalaking boses..

"Prinsesa.."

"Mahal na prinsesa..

Eh?! Napalingon ako kung saan nanggaling ang munting boses na yun at naka face-to-face ko yung color green na parrot na nakatingin saakin na para bang sya talaga yung nagsalita..

"Prinsesa."

Nanglaki ang mata ko habang nakatingin sa parrot..

Dun nga galing ang boses!! Pero.. Imposible naman na magsalita ang isang parrot diba!! Diba...??

"Ako nga ang nagsasalita prinsesa.."

Napatayo ako dahilan para magulat ang mga hayop na kasama nung tatlo at umalis na.. Habang yung dalawang parrot naman ay lumilipad..

"Paalam na muna sa ngayon prinsesa.. Hanggang sa muli.."

Sabi nang pangbabaeng boses na sa tingin ko ay galing sa color brown na parrot..

Pagkatapos nyang sabihin yun ay lumipad na sila paalis..

"Sandali lang!!" Sabi ko at akmang hahabulin sila ng bigla akong pinigilan ni Kirstien

"Napano ka?? Ba't bigla ka nalang tumayo at parang nakakita ng multo?? Umalis na tuloy yung mga squirrel." Rinig kong reklamo ni Kirstien pero hindi ko sya pinansin dahil ang inaalala ko lang ay yung dalawang parrot..

At may isang tanong ang naglalaro sa aking isipan..

Ako ba yung prinsesa??

***************************
Silent_Reader_29's note:

So i guess.. Medyo maganda naman ang nagawa kong chapter ngayon.. Diba??

Comment nyo lang po kung may Gusto kayong i-suggest..

COMMENT.VOTE.SHARE

Follow na rin po kung gusto nyo.. Pero nasainyo pa yun kung mag pa-follow po kayo.

So bye bye!!

SAYONARA (Farewell)

--------------(´・ ω ・')---------------

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon