Chapter 20:Explanation

1.2K 56 0
                                    

Kirstien's POV

Haha!! Para kaming mga baliw!! Hilig rin naming sabay!!

"Anong sinabi nyo??" Parang bingi naman to si Nicola

"Alam kong weird itong sasabihin ko pero parang may ano ako eh.." Sabi ni Mikhaella..

Ano daw?? Anong 'ano'

"May ano ka?? Sabihin mo nga ng diretso!!" Pagmamaktol ni Nicola

"Aish.. Sa tingin ko ay may... Powers ako." Say nya

"Ako din.." - say ni Quenzy

"Me too.." Say ko

"Hindi naman pwedeng wala rin ako nyan." Poker na sabi ni Nicola

"TALAGA?!" Sabay na sabay naming sabi

"Pero parang Imposible naman yun diba guys?? Diba.." Parang hindi parin makapaniwala si Mikhaella

"Oo nga.. Magic doesn't exist." Pagtutuloy naman ni Quenzy

"Pero.. Hindi ba may kasabihan tayo na 'Nothing's Imposible'" haha!! Para na akong baliw.. Pati mga lumang kasabihan ay pinapatulan ko na..

"Para mapatunayan.. Ikuwento nyo nga saamin yung mga nangyari at sa tingin nyo ay may powers kayo.." Pagpapaliwanag ni Nicola..

Nagsitanguan naman yung tatlo..

"Ok.. Ako na muna ang mauuna.." Pagvo-volunteer ni Mikhaella..

Tumahimik naman kami..

"Naaalala nyo pa yung time na kung saan saan pumupunta yung direksyon ng hangin?? Yung time na wala ako and andun kayo nun sa bench at kumakain.."

We just nodded at her saying that we remembered that time..

"Andun ako sa rooftop nung time na yun.. Habang wala akong nagagawa ay nagstrech na muna ako.. Nung nilipat ko sa left side yung dalawa king kamay na nasa ere ay gumalaw yung mga puno.. Mga buhok ng estudyaneng babae sa baba.. At yung mga palda ng babae kasama na kayo.. So ginawa ko yun habang nililipat ko sa iba't ibang direksyon. Then nung tinigil ko na yung mga wirdong pinag-gagagawa ko ay bigla din tumigil yung kaluskos ng mga puno at mga sigaw ng mga babaeng estudyane sa baba.. Then sinabi ko sa isipan ko na.. 'Imposibleng ako ang kumukontrol ng hangin.' Kaya itinaas ko yung isa kong kamay katapat ng mukha ko.. Ikinumpas ko yun at nagsimula nanaman ang ingay ng mga puno at sigawan ng mga estudyanteng babae sa baba.." Mahabang pagpapaliwanag ni Mikhaella

"Wait.. So you mean.. Ikaw ang dahilan nung hangin na yun??" Parang hindi na niniwala na pahayag ni Nicola

Tumango naman si Mikhaella

"Kaya pala sobrang likot ng hangin kanina.." Sabi ni Quenzy at tumango tango..

Kita kong napabuntong hininga si Mikhaella.. Siguro she's relieved that we believed her.

"So sinong next??" Tanong ko

"Ako naman.." Pagpiprisenta ni Quenzy

Tumango namankami at tumahimik na para magsimula na sya..

"Nasa garden tayo nun. Alam nyo ba yung time na may sumulpot na isang pamilya ng fox.. Limang squirrel at yung dalawang parrot??" Pagtatanong saamin ni Quenzy

Tumango naman kami ng sobrang mabilis.. Ouch.. Masakit pala yung sa leeg.

"Yung dalawang parrot ay pumunta sa balikat ko.. Then habang abala kayo sa pag-aaliw dun sa mga hayop.. May narinig akong nagsalita.. Boses lalaki sya.. Kaya hinanap ko kung sino ang nagmamay-ari nung boses na yun and naka face-to-face ko yung green na parrot.. Then parang tiningan ko sya na para bang tinatanong ko kung sya ba yung nagsalita and bigla nalang syang nagsalita.." Sabi ni Quenzy habang nakasabunot sa kanyang buhok

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon