Mikhaella's POV
It's been 3 days since nung nangyari sa Mystique Village and the Barracks Hunters. And sa loob ng 3 days ay lakbay lang kami ng lakbay, bahala na kung saan kami dadalhin ng mga paa namin. And yung dating damit na namin ang suot namin, kaya ilang araw na din kaming walang ligo. I know... Very disgusting but wala kaming mahanap na ilog or sapa man lang. So we have no choice.
"Ugh. Sabi na kasing makiligo muna tayo dun sa Nazeref guy eh!" Kirstien whined while scratching her body. Nga pala, kinuwento namin sakanilang dalawa yung tungkol kay Nazeref, and itong si Kirstien, sana man lang daw ay nakilala nya si Nazeref. Kalandian talaga ang pinapairal. Tss.
"Hey guys, look! It's a village!! Or parang town?? Malaki eh." Nagkibit balikat nalang si Quenzy after nyang sabihin yan. And tama sya, it doesn't look like a village because it looks like a town. "Baka magmukha nanaman tayong mga alien nyan." Irap ni Nicola sa hangin. Well she's referring to our clothes, and yung mga buhok namin nila Quenzy? Hindi pa bumabalik sa dating kulay, kaya nga nababagabag ako eh. Sino ba naman ang normal na tao na may green, red at silver na buhok? Buti nalang kung uso dito ang hair dye. Tss.
"Don't worry guys! I found some cloak in that Melzark's place." Sabi ni Kirstien then may binigay saamin na cloak na color black. "Saan mo 'to nakuha?" Taas kilay na tanong ni Nicola. "Hmp! Wag na madaming tanong. Just be glad and thankful na nakakuha ako nito." Irap nya kay Nicola. Tama nga naman sya. Sinuot na namin yung cloak upang matakpan yung kulay ng buhok at damit namin. "Kung hindi naman tayo mapagkakamalan na alien, baka akalain nila na isa tayong mga holdaper or something." Pahayag ulit ni Nicola. "Ba't ang daldal mo ngayon?" Tanong ni Quenzy. "Ba't ang pakialamera mo ngayon." Nicola spat back. "Ba't ang iinit ng ulo nyo ngayon?" Dagdag pa ni Kirstien, isa pa yang babaeng yan eh. "Ba't ang dami nyong satsat ngayon?" I hissed at napatingin naman sila saakin.
...
..
"Seriously? Talagang sumali ka pa ha." --Nicola
"Whatever. Let's just keep moving." I shrugged and nagsimula na kaming maglakad papunta sa entrance nung town. Di Katulad ng Mystique village na walang guard, ngayon ay meron itong guard. Hinarang nila kami gamit ang kanilang mga sibat... Or spear. Whatever.
"Mga dayuhan ba kayo?"
"Yes." Kirstien answered, binatukan naman sya ni Nicola na nakataas yung hood ng cloak, well yung hood naming apat is nakataas, kaya ang kita lang sa mukha namin ay yung kalahati ng mukha namin. "Baliw! They can't understand English!" Singhal ni Nicola dito. "Ay oo nga pala. I'm sorry. Ikaw na magsalita." Naka-peace sign na pahayag ni Kirstien. Sobrang kunot na nung noo ng dalawang guards, to the point na konti nalang ay magdidikit na yung mga kilay nila. Haha! Ehem...
"Ang ibig nyang sabihin ay, Oo. Mga dayuhan kami." --Nicola.
"Maaari ba namin malaman kung saan kayo galing?"
Paktay. Nagkatinginan kaming apat.
"Basta!" Iritang tugon ni Nicola at dadaan na sana but hinigit nila sya. "Aray ha! Dahan dahan naman!" Irap nya dito.
"Kung hindi nyo saamin sasabihin kung saan kayo nanggaling. Mapipilitan kaming paalisin o ikulong kayo!" I glared at one of the guards.
"Hindi mo na kailangang malaman pa. Padaanin mo na kami." Matigas kong pahayag at dadaan na sana nang bigla nila akong hablutin. Sa sobrang lakas ng pagkakahablot ay naalis yung hood nang cloak. Sh*t.
Third person's POV
Ng maalis ang cloak ni Mikhaella, napasinghap ang mga gwardya, pati na din ang mga mamamayan na nagsimula ng manood ng mahalatang may komosyon.
Nanatiling nakatitig si Mikhaella dun sa humablot sakanya, nakadama ng biglaang panlalamig ng katawan yung gwardya, bigla ding umihip ang malakas at malamig na hangin habang nanatiling nakanganga ang mga mamamayan. Agad namang ibinalik ni Mikhaella ang kanyang hood at nagsimula nang maglakad papasok ng bayan.
"P-patawad, mahal na prinsipe." Nakayukong paumanhin nung mga gwardya. Hindi nakita ng lahat kung paano mapakunot ng noo yung apat dahil sa nadinig. 'Mahal na prinsipe?' Nakakunot noong pahayag ni Mikhaella sa sarili nya habang patuloy na naglalakad papasok ng bayan, nakasunod naman yung tatlo sakanya na walang imikan at gaya nya ay malalim ang iniisip.
'When did I looked like a Prince??'
•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]
FantasyApat na babaeng may kakaibang taglay na kapangyarihan.. kakaibang ganda at kakaibang ugali..Mga nawawalang prinsesa sa napaka hiwagang mundo. Mga natatanging Elementalist sa mundo ng Elementia. Pinaka-unang four Elementalist na mga babae. Quenzy Oak...