Chapter 28: We're Staying here

1.2K 105 0
                                    

A/N: Mikhaella Collins on the multimedia, that's what she looks like without her contact lens... And when she's smiling. That's all.

~~~•~~~~

Quenzy's POV

As we entered the portal.. Para kaming nasa washing machine and roller coaster and at the same time hindi kami makahinga!!

Ganito ba talaga pag nasa portal?? Malapit na akong maubusan ng hiningaaaa!! >__<!! Magdadasal na ba ako sa mga santo at santang kilala ko? Magsisimula na sana akong magdasal kung hindi kami hinigop nung puting ilaw which i assume is the exit!!

Nung malapit na kami sa labasan, parang may tumulak saamin kaya we're sent flying. Nakalabas na kami, nakatayo pa din si Nicola, si Mikhaella naman ay nakahiga, ako naman ay naka-upo at si Kirstien ay nakabaon yung ulo sa lupa kaya agad agad akong tumayo at hinila yung paa nya para naman maalis yung mukha nya sa lupa. Makipaghalikan daw ba sa lupa?!

"Skwxkdkfkrkdndmxok!!!" Sabi ni Kirstien ng maalis na yung mukha nya sa lupa.

"Tapos ka na ba makipaghalikan sa lupa?" Asar na tanong ni Mikhaella kay Kirstien. Eh? Parang kanina lang ang saya saya nya Tapos ngayon daig nya pa ang babaeng may bloody visitor!!

"Ano na?! Buhay pa ba ako?!" Sigaw ni kirstien sa kung kanino man.

Binatukan naman sya ni Nicola sabay sabing..

"Buhay ka pa babae kaya tayo na dyan." Ang sungit sungit din nito ni Nicola eh! Mana kay Mikhaella.

"Asaan tayo?" Taka kong tanong

"Aba malay ko. Magkakasama tayong pumunta dito so sa tingin mo alam namin?" Yan nanaman sya.. Galit nanaman sya saakin!! T_____T

"Woah! Tingnan nyo! May castle guys!" Bakas ang pagkamangha sa boses ni Kirstien habang nakaturo sa isang kulay puting kastilyo na may mga golden linings.

"Oo nga no! Parang nasa panaginip, meh!" Say ko at akmang lalakad papunta dun pero hinila ni Mikhaella yung kuwelyo ko sa likudan sabay sabing.

"Oo nga.. Pero hindi pa naman tayo natutulog diba? And it's impossible na isa tong panaginip." Say nya habang nagmamasid masid sa paligid.

"And it looks to real." Biglang pahayag ni Nicola habang hinahawakan yung isang puno.

Sa likod kasi ng portal ay forest at sa harap ng portal ay yung castle.

"Ano na gagawin natin?" Tanong ni Nicola at sumang-ayon naman kaming dalawa ni kirstien.

"It depends on you. Kung gusto nyo mag-stay dito.. Why not? Pero kung ayaw nyo, babalik tayo sa bahay." Paliwanag nya.

Nagkatinginan naman kami ni kirstien sabay ngiti sa isa't isa. Parehas talaga ang takbo ng isip namin.

"We're in!" We said in unison

"Okay lang saakin. It's not like meron namang naghihintay saakin." Yeah.. Pare-parehas pala kaming mga walang magulang.

"Ikaw Mikhaella?" Tanong ni Kirstien

"Agree. Sa tingin ko kasi sobrang boring na ng buhay ko and wala nang thrill so yeah.. Baka may adventure dito so I'm in." Sagot nya.

"Okay. So here's the plan. Kukunin natin yung gamit kina Mikhaella, syempre kukuha ka din ng gamit mo Mikhaella. Then babalik tayo dito and mag-sisimula na tayo sa paglalakbay. Gets?" Tumango naman kaming lahat sa plano ni Nicola.

Huminga muna kami ng sobrang lalim and pumasok na ulit sa portal. Again.. Andyan nanaman yung feeling na nasa washing machine ka. But this time medyo mabilis na kami nakabalik kina Mikhaella

"Tara na bago pa makabalik si Sulli." Say ni Mikhaella and nagsitakbuhan na kami papunta sa kwarto ni Mikhaella. Kinuha na namin yung gamit namin and hinintay si Mikhaella na makapag-impake. Habang naghihintay nasa labas kami ng kwarto nya. Ng lumabas na sya iba na yung suot nya.

Black sando and pinatungan nya ng White vintage T-shirt, black ripped jeans and leather boots.

"Tara na." Medyo nagpapanic na yata si Mikhaella dahil mas nauuna pa sya saaming maglakad. Pumasok na ulit kami and this time, sobrang bilis na  and hindi na nga namin naramdaman yung mga nakakalulang feeling na yun. Mga  3 seconds yata andito na ulit kami.

"Si sulli.." Bulong saamin ni Nicola na medyo nagpapanik na din. Napatingin naman kami kung san sya nakaturo. Si sulli na papunta ang direksyon saamin pero sa likod sya nakatingin at kumakaway. Agad agad kaming nagtago sa isang malaking puno na nasa likod ng portal. Nagulat nga ako dahil pagtingin ko ay nasa taas na ng puno si Kirstien! May lahi yata tong unggoy!  Nakahinga naman kami ng sobrang luwag ng pumasok na si sulli sa portal, pero napasinghap naman dahil nawala yung portal na para bang bula..

Ang akala namin hindi mawawala yung portal! hindi na kami makakabalik nyan!! >0<!!

"Now what?" Sabay naming tanong kay Mikhaella

"So it's official.. We're staying here." And nagsimula na syang maglakad.

5 votes = update

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon