Chapter 40: Unknown

1K 43 0
                                    

(yung oras na ito ay yung bago muntik ng ma-rape si Nicola)

Someone's Point of view

Busy kaming apat sa pagkain sa kwarto habang nanonood sa telebisyon.

"Ang boring naman!!" I whined and humiga sa kama. Wala kasi kaming ibang magawa bukod sa manood ng telebisyon, magsanay at pumasok sa Academy.

"Sinabi mo pa... Hay." He sighed at umupo sa gilid nang kama.

"Buti pa yung isa diyan! Libro lang ang pinagkakaabalahan!" Pagpaparinig ko sakanya. "Atleast I only got my eyes for books, not like you... You have your eyes for the girls." He flatly stated. Humagalpak ng tawa yung dalawa.

"Whatever!"

Nagulat kaming tatlo ng bigla syang tumayo kaya nalaglag yung mga libro na nasa lap nya.

"Dude. What's up?" Tanong ko sakanya kaya nilapitan na namin sya.

Para syang nakakita ng multo dahil sa sobrang laki ng mata nya, bumuo din ang mga butil ng pawis sa noo nya. It's not that often na makita namin syang ganito ka-shocked.

"Asteria..." He whispered which caught us surprised.

"What did you say?"

"It's Asteria! I can feel her power!!" Para syang maiiyak na ewan. Nabigla nalang kami dahil biglang bumukas yung pintuan ng kwarto nya at bumungad saamin sina Reyna Aristaeus at Haring Aelus na hingal na hingal at gaya nya'y mukhang iiyak na din.

"Ina! Kailangan nating pumunta dun!" Bigla nyang pahayag. Tumango naman ang kanyang mga magulang. Nung una ay naguguluhan kaming tatlo, but nung naramdaman na namin yung aura nya, dun kami nagulat. It has been so long since huli namin syang nakita. And a part of me silently hopes na kasama nya sya.

"Sasama ba kayo?" Tanong nya saamin. Tumango nalang kami dahil may posibilidad na magkakasama lang sila.

Nagsidatingan ang aming mga pegasus at agad naman kaming sumakay dun. Nangunguna sya at ang kanyang magulang habang nakasunod lang kaming tatlo sakanila. Sa medyo hulihan namin, nakabuntot naman ang mga kawal ng Oxia Kingdom.

Habang nasa himpapawid kami, bigla naming narinig na may napamura. "What's the matter?" Tanong ko sakanya. "It's Eris! I can feel her!!" Napatingin na saamin sina Mahal na hari't reyna. "Anong ibig mong sabihin? Evan?" Tanong ni Reyna Aristaeus kay Evan na kulang nalang ay umiyak at palipadin ng husto yung kanyang pegasus para lang makadating na agad sa aming destinasyon. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kapangyarihan ni Eris, hindi ko alam na  andito sila sa mundo ng Elementia!!

Nanlaki ang aking mga mata ng may pamilyar na sensasyon akong nararamdaman... Kagaya nila Asteria at Eris, nararamdaman ko din ang kapangyarihan nya... Ni Hemera. Napakalas na ng kapangyarihan! Mukhang matagal at mahigpit ang pagsasanay na dinaanan nila.

"It's Hemera." Napatingin ako sakanya. Ngumiti ako at may isang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ako bakla, sadyang nami-miss ko lang sya.

Napadpad kami sa isang hindi pamilyar na lugar, ang pagkakaalam ko lang ay nasa pinakadulo kami ng Elementia. Bumaba na sila sa tapat ng isang... Kweba?? Anong meron dito? Since nung umalis kami sa Oxia Kingdom at papunta dito, nawala na din yung kanila aura at presence. We can't feel them, but we're silently hoping na andito pa sila.

"Magbantay kayo sa paligid! Mukhang may nangyaring labanan dito." Rinig naming utos ni Haring Aeolus sa mga kawal nila. "Masusunod, mahal na hari!"

Pumasok na kami sa kweba at napanganga ng makitang parang dinaanan ng bagyo dito, may mga parte din ng kweba na maiitim na, para bang nasunog!

"Suyudin ang buong kweba! Baka sakaling andidito pa sila!" Utos din nya sa mga natitirang kawal nila na sumama saamin. "Masusunod, kamahalan!"

Andito kami sa parang living room ng kweba kung saan yata naganap yung labanan. "Look! Some of the pieces of air barrier!" Sigaw ko at tinuro yun. Agad namang napatakbo ang pamilya Oxia kung saan ko itinuro. May mga pieces kasi ng Air barrier na mukhang hindi nag-evaporate dahil hindi ito nasisikatan nang araw. Wasak na wasak ang mga ito, sigurado ako kung sino man ang may gawa nyan ay napakalas. "I'm so sure that these belongs to Asteria." Pahayag nya at pinulot ang mga pieces nito habang pinipigilang maiyak. Hinagod nalang ng mahal na hari't reyna ang likod nya.

"Mga kamahalan! May natagpuan po kaming mga grupo ng dilag!" Pag-aanunsyo ng isang kawal habang naka-salute pa. "Idala mo kami dun mismo." Pahayag ni Haring Aeolus.

Ng makapunta sa kami sa sinasabi nung kawal, may mga natagpuan kaming mga kababaihan na para bang binihag. May mga nakahandusay din na mga katawan ng mga lalaki sa paligid habang bakas ulit ang mga apoy dahil sa maiitim na bakas nito sa pader ng kweba, may mga nakasabit naman na katawan sa mga mataas na kahoy dito sa loob ng kweba, hangin lang ang pwedeng makagawa nun!

Hemera... Asaan na ba kayo?

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon