Someone's point of view
"Maaari nyo bang sabihin kung anong nangyari bago kami makadating dito?" Kausap ni Reyna Aristaeus sa mga kababaihan.
"Wala po kaming alam... Pero may nadidinig kaming parang naglalaban at mga kakaibang banyaga, gaya ng 'Damn' 'Catch her!' At 'Sh*t.'" Say ng isang babae. Nagkatinginan naman kaming lahat. What?!
Sa mga mundo ng mga mortal ang banyagang yan! Don't tell me may mga mortal na nakapasok sa Elementia? Pero impossible naman kung ganun, lahat ng mortal na makakapasok sa Elementia ay mamamatay. Dahil napakabigat ng gravity dito at iba din ang atmosphere, kaya kung normal na tao ka lamang, isang hakbang mo palang dito sa mundo namin, patay ka na agad.
Nga pala, kung nagtataka kayo kung Bakit nakakapagsalita kami ng mga lenggwahe ng mga mortal, dahil yun ay nakapunta na kami sa kanilang mundo nang hinahanap namin sina Eris.
"Bukod pa dun?"
"Ah... Yun lang po ang narinig namin. Pero Pagkatapos nun ay biglang tumahimik at biglang bumukas yung silid kung saan kami kinulong..." Paliwanag pa ng isang babae.
"Anong itsura nila?" Tanong ko
Sigurado akong sina Hemera ang nagligtas sakanila. I can just feel it. Nag-isip naman yung mga babae."Hindi namin masyadong naaninag dahil paalis na ang mga ito. Isa lang ang nakita namin, may kulay dilaw syang buhok at ang dalawa sakanila ay may kakaibang kasuotan, pero ang isa dun ay walang ulirat." Say nya. Ibang mga kasuotan? Kung ganun ay hindi nga taga Elementia ang mga sumagip sakanila. At dilaw na buhok? Kung sa mga mortal, ang tawag nila sa ganung klaseng kulay ng buhok ay 'blonde' Wala namang blonde sakanila Eris, Asteria, Hemera at Aegaeon
~~~~
Naihatid na namin ang mga kababaihan sa Mystique Village. Di namin alam na Meron palang ganun na village na nag-eexist. At dahil nga hindi namin alam, palagi silang nata-target nang mga masasamang bandido kagaya nalang nang Barracks Hunter.
"Mga kamahalan, wala ho ba kayong nakitang mga dalagita na kakaiba ang mga kasuotan?" Biglang may lumapit saamin na lalaki. Wait. Kilala nya ba yung mga mortal?
"Kinalulungkot naming sabihin pero wala. Subalit naniniwala kami na yung mga dalagita na may kakaibang kasuotan ang nagligtas sa mga kababaihan na yan." Pahayag naman ni Haring Aeolus. "Anong iyong ngalan at mukhang kilala mo ang mga dalaga na yun." Dagdag pa nya.
"Ang ngalan ko po'y Nazeref. At tama po kayo, kilala ko ang dalawa sa mga dalaga na inyong binabanggit." Sagot nya.
"Anong mga itsura at ngalan nila?" Tanong ko
"Apat po silang lahat. Isa sakanila si Quenny, may kulay tsokolate itong buhok at mata. At yung isa naman ay si Khaella, may kakaiba syang kulay na buhok dahil parang mga ginto ang kulay ng kanyang buhok, may itim na mata sya. Yung dalawa ay hindi ko na alam." Napataas naman ang kilay naming lahat. Gintong buhok? Isang angkan lang ang meron nyan dito sa Elementia. Pero dahil nga sa galing sya sa mortal na mundo, maaaring binago nya ang kulay ng kanyang buhok. Masyadong rare ang mga taong may totoong kulay gintong buhok.
~~~~
Nakabalik na kami sa kaharian ng Oxia at kasalukuyan kaming nakahiga sa kama nya. Ngayong alam na namin na may isang bayan pala ang nag-eexist sa pinakadulo ng Elementia which is Mystique Village, binigyan ito ng apat na kaharian nang proteksyon. Kaya ang Mystique village ay nasa ilalim na nang pangangalaga ng apat na kaharian.
"Ano kayang itsura ng mga babaeng yun sa personal?" Tanong ko sa sarili ko.
"Who would've know?? You only think about girls." Pahayag ni Toshiro habang nagbabasa. Kanina pa yan tahimik, simula ng malaman namin na wala pala sina Hemera dun.
"No wonder kung bakit wala ka pang girlfriend, laging libro ang ka-bonding mo eh!" Sagot ko naman. Tinitigan lang nya ako at bigla nalang nanlamig. Brr!! Ang lamig talaga ng mga tingin nya!
"Uh-oh! If I were you Pyro, mag-iingat ako sa mga pinagsasalita ko! Baka lumipad ka dyan ng wala sa oras!! Haha!" Asar ni Sean kaya natawa silang dalawa ni Evan.
"Gag*!"
Pero sana balang araw ay makita ulit namin sina Hemera, syempre pati na din yung mga mysterious mortal saviors.
°•°•°•°•°•°•°•°
Silent_Reader_29's note:Alam kong medyo nakakalito simula sa Chapter 40, but don't worry. Mage-gets nyo din yan!! Haha!!
So...
VotexCommentxFollow
BINABASA MO ANG
The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]
FantasíaApat na babaeng may kakaibang taglay na kapangyarihan.. kakaibang ganda at kakaibang ugali..Mga nawawalang prinsesa sa napaka hiwagang mundo. Mga natatanging Elementalist sa mundo ng Elementia. Pinaka-unang four Elementalist na mga babae. Quenzy Oak...