Chapter 34: Barracks Hunter.

1.1K 45 0
                                    

Shalnerkz's POV

"Lagot! Andito nanaman sila!"

"Bilis! Itago nyo na ang mga bata at ilabas ang mga pagkain na naipon natin!!"

"Naku! Sana naman pagkatapos nito ay tumigil na sila sa kasamaan nila..."

Napangisi ako ng madinig ang mga bulong ng tao sa Mystique Village. Nakalimutan ko palang ipakilala ang aking sarili, ako si Shalnerkz Arden, ang pumapangalawa sa pinuno ng Barracks Hunter. Kilala ang aming grupo bilang isang masama at kinatatakutan sa Elementia. Kami ang pinaka-una sa listahan ng mga gwardya ng Earthia, Phirria, Hydria at Oxia Kingdoms.

Kaya kami andito dahil sa utos ng aming pinuno. Naghahanap sya ng mapaglalaruan.

"Mga mamamayan ng Mystique! Magtipon-tipon at makinig sa aming sasabihin! Idala nya saamin ang mga dilag sa harapan namin. At wag na wag kayong magtangkang itago ang anak nyo, dahil oras na malaman namin na itinago nyo ang inyong anak na dilag, kami mismo ang papatay sakanya at sa pamilya nyo!" Sigaw ko. Napayakap naman ang mga dalagang nanonood saamin sakanilang mga magulang.

Mukhang walang balak na ibigay ang kanilang nga anak kaya ikinasa ko ang aking baril at pinaputok ito sa itaas. Napahiyaw naman ang iba.

"Ibibigay nyo ba o kami na mismo ang kakaladkad sakanila?! Bilis!!"

"Anaaakk! Wag! Bumalik ka dito!!" Napatingin kaming lahat sa isang mag-ina. Mukhang pinipigilan ng ina yung anak nya na lumapit saamin.

"Ina, alam mo naman ang kaya nilang gawin kapag hindi tayo sumunod sakanila. Pinoprotektahan ko lang po kayo." At nagpatuloy na ang dilag sa paglalakad papunta saamin.

"Ganyan nga! Gayahin nyo itong babaeng to!" Sabi ko at hinigit yung babae sa braso ng nakalapit na ito saamin. "Alam na alam kung Anong mangyayari kapag di kayo sumunod!!" Dagdag ko pa.

Di pa nagtagal, may mga babaeng nagsilakad papunta sa harapan namin. Siguradong matutuwa nito si pinuno! Baka bigyan kami kahit isang babae! Haha!

"Talian nyo sila!" Utos ko sa mga kasamahan ko at agad naman nilang tinalian yung mga kababaihan.

"Wala na ba?!" Napatingin ako sa mga tao na nagtinginan at nagbulung-bulungan. Hmm? Anong meron?

"Kasali pa ba yung apat na dilag na kakaiba ang mga kasuotan?"

Nagpantig ang aking tainga sa nadinig...

"Hoy! Asaan ang mga dilag na sinasabi mo?!" Sigaw ko dun sa nagchi-chismisan. Napakislot naman sya.

"W-wala... H-hindi ko po alam.."

"Kung sino man ang makapagdadala saakin ng apat na dilag na kakaibang kasuotan, papalayain ko ang anak bilang kapalit dito!"

Muling nagtinginan ang mga tao at di pa nagtagal ay halos lahat ay kumaripas na ng takbo upang hanapin ang apat na dilag. Sana lang ay magaganda ang mga ito, dahil kung hindi, ako ang malilintikan nito kay pinuno.

Sa di kalayuan may nakita akong parang nagkukumpulan na mga tao kaya kinuha ko ang aking telescope para mas makita kung anong pinagkakaguluhan nila.

Madaming tao ang nakitang kong nag-aagawan, pero hindi ko makita kung ano. Nanlaki ang mata ko ng may makita akong kakaibang kulay na buhok, parang kulay dilaw at pula. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klaseng kulay ng buhok! At ang malala pa dito ay magaganda ang may ari ng mga buhok na ito! Mukhang kami ng bonus ngayon! Ayos!

"Shit! Let go of me!!" Rinig kong sigaw ng isa sakanila. Napakunot noo naman ako, anong klaseng lenggwahe yun? Ngayon ko lamang ito nadinig!

"I-i mean. Bitawan nyo ako!!" Sigaw ulit ng may dilaw na buhok at patuloy sa pagpupumiglas habang yung may pulang buhok naman ay palaban, wala pang nakakahawak sakanya dahil palapit palang ang mga tao, kamao nya na agad ang sumasalubong dito.

Bakit ngayon ko lang sila nakita sa bayan na ito? Kakaiba na nga ang kanilang mga buhok, kakaiba pa ang mga kagandahan nito.

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon