Chapter 33: Mystique Village, Village of Unknown.

1.1K 48 0
                                    

Nicola's POV

"Woah..." Sabay sabay naming bulong ng makakita ng isang village, pero medyo maliit lang sya but madaming mga bahay, kung sa mundo namin, parang squatter. Madaming mga tao ang nagkalat-kalat sa paligid.

"Guys. We should be careful." Napatingin naman kami kay Mikhaella.

"Why?"

"Look at their face, it looks like they're not good peoples, basing on their body language and facial expressions." Looks like magaling mangbasa ng tao si Mikhaella.

"Right."

Pumasok na kami sa village and mukhang wala namang mga guards na nagbabantay dahil wala namang humarang saamin.

Nasa parang market yata kami and sobrang crowded nito. Madaming nagtitinginan saamin at nagbubulungan.

"Uy. Tingnan mo yung mga kasuotan nila."

"Iba ang klase ng kanilang damit,diba?"

"Ngayon ko lang nakita ang mga dilag na yan, sa tingin mo saan kaya silang nanggaling?"

Napatingin naman ako sa mga suot namin. Well kung titingnan, ibang-iba talaga ang pananamit namin, kasi yung nga damit nila dito ay yung mga suot nila is ay mga dress, but parang mga pang mahirap ang style. Saamin naman ay more like crop tops, short shorts, off shoulder and vintage t-shirts. Pang 21st century talaga ang datingan.

"Uhm.. Excuse me?" Pigil ni Quenzy sa isang lalaki na napadaan sa harapan namin. Napakunot noo nalang ito ng madinig ang sinabi ni Quenzy.

"Anong klaseng banyaga yan?" Takhang tanong nito.

Nagkatinginan kaming apat, well, mukhang hindi dito uso ang linggwaheng English, tch. Halata naman sa mga suot nila eh.

"P-paumanhin. Ang ibig kong sabihin ay... Uh.." Wala naman ibang masabi si Quenzy, probably she's brainstorming some deep filipino language.

"Maaari bang magtanong? Yun ang gusto nyang sabihin." Pagpapatuloy ko. Well, sa aming apat, ako ang pinakamay mataas na marka sa asignaturang Filipino. See??

Medyo lumiwanag yung mukha ng lalaki at ngumiti ng kaunti saamin.

"O sige. Ano ang inyong mga katanungan?"

Ramdam kong siniko ako nila Quenzy at Kirstien na nasa tabi ko. Nasa likudan naman namin si Mikhaella.

"Nasaang lugar ba tayo? At ano ang ngalan nito?"

"Ah. Ang bayan na ito ay ang Mystique. Ang pinakadulo ng mundo ng Elementia." Ano daw? Nagkatinginan ulit kaming apat, medyo gets ko yung Mystique Village, but yung mundo ng Elementia? Nope.

"Salamat."

Tumango lang yung lalaki then umalis na. Humarap naman kami kay Mikhaella.

"Looks like nasa ibang dimensyon tayo, which is Elementia, and hindi pa yata na-iintroduce dito ang English language. So for now, Nicola you can help us out." Tahimik na pahayag ni Mikhaella na medyo nakatulala na para bang may iniisip.

"Ay agree ako sayo dyan, Mikhaella. Para naman magkaroon na nang silbi si Nicola ngayon, hindi yung puro gala ng gala kung saan saan." Ngisi ni Kirstien. Napakunot noo naman ako. What the hell?! Sya nga tong walang pakinabang eh!

"Ooppss!! Bago pa kayo mag-away, tigilan nyo na. Nicola, ikaw nang bahala na makipag-usap okay?" Kalmadong pahayag ni Quenzy, oh napano na to? Parang kanina lang para silang naka-drugs ni Kirstien.

"Buti ka pa Quenzy, naa-appreciate yung effort ko. Hindi kagaya ng isa dyan. Eh kung sya kaya ang ipakausap ko? Palibhasa magaling lang sya sa paglalan--"

"Enough. Let's get going." Mikhaella said then started walking. Sinamaan ako ng tingin ni Kirstien kaya ginaya ko sya.

Habang naglilibot-libot kami, napag-alaman namin na itong bayan ng Mystique ay isang bayan na nasa pinakadulo ng lupain ng Elementia.

Someone's POV

Tumingala ako sa isang sign na nasa taas, it says "Mystique Village."

Andito ako at ang mga kasamahan ko para kunin ang mga pagkain at mga diamante ng nga tao dito sa bayan ng Mystique para hindi namin sila saktan  buti nalang talaga at nasa dulo ang Mystique village ng Elementia, hindi masyadong nakakapunta ang mga kawal ng Elementia dito, baka nga hindi pa nila alam na may bayan sa pinakadulo ng lupain ng Elementia. Tch...

The Four Elementalist [DISCONTINUED!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon