DENVER'S P.O.V.INIHINTO ko ang kotse sa isang malaking gusali. Sinuot ko muna ang itim kong sobrero upang maikubli ang mukha. Sa tuwing may misyon ako. Hindi ko ipinapakita ang mukha ko lalo na sa mga taong hindi ko gustong maging parte ng buhay ko.
"Boss, Nasa loob si Lord Teo at ang four blue eaggle." Sabi sa'kin ng isa sa mga tauhan na nandoon.
"Okay sige," pumihit ako patalakod upang umalis. Ngunit napansin ako ng tauhang kausap ko.
"Boss, saan po kayo pupunta?"
Huminto ako at bahagyang inangat ko ang sobrero ko. "Papasok sa loob."
"Dito na po kayo dumaan. Safe po rito dahil nalinis na po ang mga kalaban."
Tipid akong ngumiti. "Iyon nga ayoko ang malinis ang dadaanan ko. Sayang naman ang punta ko rito kung hindi ako pagpapawisan."
"Ay! Sige po Boss. Samahan ko na po kayo."
Tumalikod ako sa kanya at nag-umpisa na akong maglakad. Pagkatapos tinaas ko ang kaliwang kaway ko upang tutulan siya sa balak niya at isang kamay ko naman ay nakapamulsa sa loob ng pantalon.
Kampante ang mga hakbang ko sa kabila ng mga naririnig kong putok ng baril. Hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang lalaking nagtatago sa gilid ng poste. Nakatutok sa'kin ang baril niya. Napansin ko rin ang lalaking nasa itaas ng bubong na sa'kin din nakatutok ang baril.
Pilit ang naging ngiti ko dahil bukod sa kanila may mga kalaban pa akong napansin. "One... two... three.. four. Apat ang lalaking nakatutok sa'kin ang baril. Kaya naman mabilis kong inilabas ang baril na nasa ilalim ng pantalon ko. Ang kaliwang kamay ko naman ay kinuha ang baril na nakatago sa likod ko. Mabilis ko silang pinaputukan. Kaya naman bago pa tumama sa'kin ang bala ng baril nila nakalupagi na sila.
"Hayss! Wala na bang mas delikadong mission na ibibigay sa'kin." Sa isip-isip ko.
Pitong kalaban ang nai-tumba ko nang makarating ako sa loob ng gusali. Nagtago ako sa gilid dahil napansin ko ang nakapalibot na mga kalaban na sa tantiya ko nasa labing lima pa ang nasa loob. Mabilis kong nilibot ang buong paligid. Nakita kong nakatali si Lord Teo at si Master Alfred. Tumingala ako sa itaas at nakita ko ang Perez Brothers na nakakubli sa gilid nakasuot sila ng mascara. Iyon ang palaging suot ng four blue eaggle sa tuwing may mission. Tulad ko hindi rin nila pinapalita ang mukha nila.
"Magdasal ka na Lord Teo. Dito na matatapos ang paghari-harian mo. Kami na ang hahawak ng buong bayan na ito." Parang demoyong tumawa pa ang balbasaradong si Congressman Bernardo. Dahil sa maliit na speaker na naka-desenyong hikaw na suot ni Lord Teo. Naririnig namin ang sinasabi nila.
Tumawa ng malakas si Lord Teo. "Kahit kailan Congressman, utak talangka ka talaga, sa tingin mo kaya mo akong patayin ng gano'n lang?" Nakangising tumingin si Lord Teo sa kalaban. "Hindi pa ako mamatay, dahil hindi pa pinapanganak ang taong papatay sa'kin."
"Kung gano'n! Pinanganak na at ako iyon." Sabay tutok niya ng baril kay Lord Teo.
"Go!" Narinig naming bigkas ni Lord Teo.
Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko gayo'n din ang Four Blue Eagle. Pagkatapos nagpa-ulan kami ng bala ng baril. Nagkagulo silang lahat at nagkanya-kanya silang tago. Bumaba naman ang four blue eagle mula sa itaas. Pinakawalan si Lord Teo at Master Alfred. Hinabol ko naman si Congressman. Siya kasi ang target ko, ako ang dapat papatay sa kanya.
Nabaril ni Master Lloyd Luffy at Master Lloyd Liam ang kalaban naming nagpo-protekta kay Congressman kaya naging mas madali na sa'kin ang habulin siya. Pinuntirya ko ang dalawang tuhod niya. Kaya hindi na siya nakatakbo, ibinababa ko ang sumbrero ko.
Papalapit na ako sa kanya. Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya sinubukan niya akong barilin ng hawak niya. Ngunit binaril ko ang kamay niya at tumalsik ang baril kung saan.
Kitang-kita ko ang matinding takot sa mukha niya at natutuwa ako sa nakikita ko.
"S-Sino ka? Ikaw ba ang matinik na tagapatay ng Mafia Clan." Nanginginig pa siya sa takot habang papalapit ako.
Lumapit ako sa kanya at pinisil ko ang tuhod niyang tinamaan ng baril.
"Aaahhhh!" Sigaw niya sa sobrang sakit.
Tipid akong ngumiti. "Alam mo bang kapag sinabi ko ang pangalan ko. Ibig sabihin, huling araw mo na sa mundo."
Nanlaki ang mga mata niya at namutla siya. "H-Hindi! Wag mo akong patayin."
"Itinutok ko sa tapat ng puso niya ang hawak kong baril, marami kang taong pinahirapan at mga batang nasira ang buhay dahil sa mga drogang binibenta niyo. By the way my name is Denver. Ang matinik na tagapatay ng Mafia Clan." Pagkatapos tatlong putok ang pinatama ko sa kanya dahilan para tuluyan siyang mawalan ng buhay.
"Wag kang mag-alala congressman. Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa ko." Sabi ko pa habang nakatingin sa kanya.
Ako si Denver Claide Santiago. Ang secret weapon ng Mafia Clan. Hindi ako nagpapakita sa mga maliliit na mission ng clan. Ako ang detective at Matinik na tagapatay ni Lord Teo Lugen. Bukod sa four blue eagle isa ako sa may mabibigat na mission. Dahilan para hindi namin ipakita ang mukha namin. Kaya sa tuwing may delikadong mission bigla-bigla akong sumusulpot. Dahil bago kami pumasok sa isang mission inaalam namin ang pinagmulan at kung ano ang dapat gagawin. Matinik at Matalino si Lord Teo. Kilala niya ang mga taong may masamang balak at masamang plano sa kanya at sa clan. Kaya bago pa makagawa ng plano ang kalaban nauunahan namin sila. Hindi rin ibig sabihin na isang malaking organization kami ay wala na kaming ginawa kung hindi ang kumitil ng buhay ng mahihina. Ang pinapatay lang namin ay ang mga taong salot sa lipunan. Mga sindikatong nagbebenta ng droga. At mga grupong kumakalaban sa Clan namin. Lahat sila babanggain namin ng walang pag-aalinlangan.
"Patay na ba?" Tanong ni Lord Teo. Nang makalapit sa'kin.
Humarap ako sa kanya at tumango. "Opo, Lord Teo."
"Magaling, sa pangalawang mission naman tayo ngayon." Ani Lord Teo.
Pinagmasdan ko ang four blue eagle na papalapit sa'min ni Lord Teo.
"Teo, wala na bang mas mahirap na mission? Na-bored ako sa nangyari ngayon. Hindi man lang uminit ang makina ko." Ani Master Lloyd Xenon.
Sa Four Blue Eagle. Si Master Lloyd Xenon ang parang laging naka-droga sa tuwing may mission. Siya ang kauna-unahang excited kapag may palitan ng putok ng baril. Masayang-masaya siya. May pagka-weirdo rin siya dahil imbes na indahin ang mga balang tumatama sa kanya. Mas nag-eenjoy pa siya. Mas nag-iinit siyang makipagpatayan. Hindi siya takot mamatay at pumatay. 'Yan si Master Lloyd Xenon.
"Meron tayong mas malaking mission ngunit kailangan munang magmasid at pag-aralan ang kilos nila."tumingin sa'kin si Lord Teo. "Denver, may ipapagawa ako sa'yo."
"Ano po iyon, Lord Teo?"
"Bantayan mo ang anak na babae ni Felipe Treshn. Kailangan mo'ng bantayan ang babaing iyon. Siya ang magiging daan natin para malaman natin ang mga plano nila."
"Sino siya?" Tanong ko.
"Si Lucy Shaira Treshn. Bantayin mo ang babaing 'yan at hintayin mo ang utos ko kung papatayin mo na siya O hindi. Kailangan mong mapalapit sa kanya para mabantayan mo ang kilos ng Daddy niya pagkatapos. Hintayin mo ang utos kung papatayin mo na siya." Mahabang paliwanag ni Lord Teo.
"Anong atraso ng Daddy ng babaing iyon, Lord Teo?"
"Si Felipe ang bagsakan ng droga dito sa pilipinas."
"Sige po, Lord Teo."
"Ibibigay ko bukas sa'yo ang impormasyon sa anak niya at Felipe. Halina kayo, bumalik na tayo sa Masyon." Sabi ni Lord Teo. Nauna siyang naglakad. Sumunod na lang kami.
Hindi ko mapigilang ma-excite sa bagong mission na ibibigay sa'kin. Mas gusto ko ang ganitong mission na kami ang tumatapos sa kahangalan ng malalaking sindikato ngayon. Dahil nagkakaroon ng saysay ang pagtatapos ko ng mga buhay nila.
#March 10 2018
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Teen FictionKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...