CHAPTER 12

13.2K 502 60
                                    

CHAPTER 12

LILIBETH'S P.O.V.

"Daddy, sinabi niyo na ba kay Lucy na inbitahan niya ang boyfriend niya?" tanong ko kay Daddy habang abala siya sa paglilinis ng baril niya. Nakatayo ako sa harap niya habang nakatingin sa kanya.

Tumingala si Daddy. "Sinabi ko na sa kanya. Ano ba ang plano mo?" tanong ni Daddy pagkatapos muling inabala ang sarili sa paglilinis ng paborito niyang baril.

"May nakalap akong impormasyon na may isang lalaki ang tumulong kay Lucy noong binastos siya nila Lito at iyon ang araw na pinatay sila Lito."

Muling hininto ni Daddy ang paglilinis ng baril niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa Mamahaling sofa.

"Sinasabi mo bang ang uhuging batang boyfriend ni Lucy ang nagpatumba kay Lito at sa grupo niya?" sumilay ang ngiti ni Daddy pagkuway hindi na nito napigilang humalakhak ng malakas. "Hindi ko lubos maisip na kayang patumbahin ng uhuging batang iyon sila, sa itsura niyang parang iiyak kapag inagawan ng laruan." Sabay halakhak ni Daddy.

"Tama ka Daddy, pero tandaan niyo walang malaking nakakapuwing. Gusto ko lang makasiguradong wala siyang  kaugnayan sa Mafia Clan." Seryosong sagot ko kay Daddy.

"Iniisip mo bang tuta siya ng mga Mafia? Isang malaking kalokohan ang iniisip mo Lilibeth."

"Dad, Pagbigyan mo na ako sa plano ko sa mismong kaarawan mo."

Nagkibit balikat si Daddy. "Sige, bilang kanang kamay ko pagbibigyan ko ang plano mo."

"Salamat, Daddy!"  sabi ko, bago ako lumabas ng silid niya.

"Ate, Lilibeth!"

"H-Ha?" sabay lingon ko kay Lucy naputol ang pagsasariwa ko sa pinag-usapan namin ni Daddy noong isang araw.

Nakakunot-noo si Lucy sa'kin habang nakatingin sila sa'kin  ng boyfriend niya.

"Kanina ka pa diyan nakatulala?"

Bigla akong umiwas nang magtama ang mata namin ng boyfriend ni Lucy, tama si Daddy, matangkad lang siya ngunit halatang bata pa ang boyfriend ni Lucy teenager pa siya kumpara kay Lucy na adult na.

"M-May iniisip lang ako." sagot ko sa kanila. Binaling ko sa iba ang tingin. Muntik ko ng makalimutan birthday party ni Daddy ngayon.

"Okay, si Denver, boyfriend ko." Binaling niya ang tingin sa boyfriend niya. "My boy, ate ko. Si ate Lilibeth." Pagpapakilala sa'ming dalawa ni Lucy.

"It's my pleasure to meet you, Ate Lilibeth." Inilahad pa niya ang kamay niya at ngumiti sa'kin habang nakatingin.

"Also mine."tipid kong ngiti sa kanya.

"Tama na 'yan!" pinaghiwalay pa ni Lucy ang kamay naming dalawa ng boyfriend niya. "Where's Daddy?" tanong niya sa'kin.

"Upstair. Sinumpong yata ng rayuma kaya umakyat saglit upang uminom ng gamot." Alibi ko.

"Okay, sige mamaya ko na lang ipakilala ang Boyfriend ko kay Daddy."

"Mas mabuti pa nga." Sabay tingin ko sa boyfriend niya. "Anyway, pupuntahan ko lang ang mga bisita ni Daddy. Ikaw na bahala diyan sa boyfriend mo. Enjoy!" pagkatapos tumalikod ako upang umalis.

Sinadya kong lumayo sa kanila upang bantayan sila mula sa malayo.

"Boss, Nakahanda na po ang lahat. Kayo na lang po ang hinihintay." Pabulong na sabi sa'kin ng tauhan namin na lumapit sa'kin.

Fifty percent ng mga tao sa party ay tauhan namin. Lahat sila nakamasid sa boyfriend ng kapatid ko. Mula sa malayo pinapanood ko si Lucy at Denver na kumakaing dalawa habang sinusubuan ni Denver si Lucy. Kung pagmamasdan si Denver wala naman siyang kakaibang hindi magandang ikinikilos, bukod sa pagiging sweet niya sa kapatid ko. Iyon ang kauna-unahang mapapansin ng mga taong makakakita sa kanila.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon