CHAPTER 15

14.1K 505 38
                                    

Chapter 15

Lucy's P.O.V.

HALOS manginig ang buo kong katawan nang masaksihan ko ang walang awang pagpatay ni Daddy sa lalaking lumuhod sa harapan niya at nagmamakaawang buhayin siya. Halos paulit-ulit na nagflashback sa utak ko ang kaawa-awang lalaki habang patuloy ang pagmamakaawa niya.

"Lucy!"

Agad akong napabaling ng tingin kay Daddy. Nakakunot-noo siya habang inaalis ang suot niyang gloves na may matsa ng dugo ng lalaking pinatay niya. Napadako pa ang tingin ko sa bangkay ng lalaki na kasalukuyang sinisilid sa trash bag ng dalawang tauhan namin. Hindi ko naiwasang mapaluha sa pagkahabag sa lalaki. Ilang beses na sinabi ng lalaki na wag siyang papatayin dahil may anak siyang dalawang buwan pa lamang ngunit tila para silang walang narinig mula sa lalaki at may ngiti sa labi pa nila itong pinatay na parang natuwa pa sila sa ginawa.

"Y-Yes, Dad!" pilit ang naging sagot ko.

Matalim ang nagjng tingin sa'kin ni Daddy na tila naiinis sa naging reaksiyon ko.

"Anong iniiyak mo?" pagalit na sabi niya sa'kin.

"Naawa ako sa matandang lalaki. Kawawa naman ang pamilya niya." Sagot ko.

"Hindi ka dapat maawa sa kalaban. Dahil higit sa ginawa ko ang kaya nilang gawin kapag ang isa sa mga tauhan natin ang nahuli nila."

"Karapatan naman ng mga pulis na hulihin kayo dahil masama ang ginawa niyo." Matapang kong sagot sa kanya.

"Son of a bitch!" sigaw ni Daddy sa'kin.

Sinalubong ko ang mga matalim niyang tingin sa'kin habang nanginginig ang panga niya sa galit. Kung noon halos manginig ako sa takot sa tuwing sinisigawan ako ni Daddy. Ngayon hindi na dahil kasumpa-sumpa ang pag-uugali niya. Hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat sa kanya ang pag-ampon sa'kin. Dahil ngayon pinagbabayaran ko ang utang na loob ko sa ugaling demonyo.

Naikuyom ko ang kamao ko at ang makailang ulit kong paglunok upang pigilan ang galit ko. Baka kasi magdilim ang paningin ko at kay Daddy ko unang ipapatama ang unang bala ng baril ko.

"Hindi na ako masisindak sa mga sigaw niyo DADDY!" sarcastic kong binigkas ang salitang "Daddy." Upang mainis siya sa'kin.

"Mukhang wala ka ng takot ngayon sa'kin?" nagsalubong pa ang kilay niya habang nagsasalita.

Muli kong tiningnan ang bangkay ng pinatay nila na ngayon ay nakabalot na sa trash bag. Siguradong kung saan lang ito itatapon or ililibing.

"Wala na akong natitirang respesto para sa inyo." Mariin kong sagot sa kanya.

Ilang segundo niya akong tinitigan pagkatapos humalakhak siya ng malakas. Mas lalo akong nagtimpi ng galit sa kanya.

"Ganya ang gusto ko sa'yo, dapat wala kang matitirang awa sa ibang tao. Sige lang! Magalit ka sa'kin kamuhian mo ako pero ito ang tatandaan mo. Ako pa rin ang masusunod! At lahat ng gusto ko susundin mo kung ayaw mong mabura sa mundo ang mga taong mahalaga sa'yo." Pumihit siya patalikod at muling tumawa ng malakas.

"Son of a bitch!" Nasambit ko habang tinatanaw si Daddy na papalayo. Pagkatapos no'n pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa pisngi ko dahil sa sobrang galit.

"Madam,"

Nilingon ko ang lalaking tauhan ni Daddy, sa tantiya ko nasa tatlumput pito ang edad ng lalaki. Nakatayo siya sa harapan ko at naghihintay ng utos ko.

"Nagpaiwan ka ba para bantayan ang ikinikilos?" sagot ko.

Yumuko ang lalaki. "Madam, ako si Peter, at simula nang ibigay nila ako sa inyo. Nasa inyo na po ang katapatan ko. Anuman ang ipag-uutos mo susundin ko."

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon