CHAPTER 8
LUCY'S P.O.V
PAGPASOK ko pa lang ng classroom namin agad na akong nilapitan ni Faye Erika. Hinila niya ako at dinala sa gilid sa loob ng classroom.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Stop muna tayo girl ng pag gimik-gimik nakakatakot na ang panahon ngayon." Sabi ni Faye.
Inirapan ko siya. "Bakit ka ba nagkakaganyan? May problema ba?"
"Wala kang kaalam-alam sa balita noh!"
"Anong balita?"
"Patay na si Lito ang mga kasamahan niya kagabi. Nakita silang tadtad ng bala sa loob ng kotse nila."
Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan ni Lito. Naalala ko ang sinabi ni Denver noong tinatanong siya ng pangalan niya.
"Kapag sinabi ko ang pangalan ko, ibig sabihin huling araw mo na sa mundo."
"Nakatulala ka diyan. Nalulungkot ka ba dahil nawala ang ka-flirt mong adik at manyak." Sabi ni Faye.
"H-Hindi! Alam ba ng mga pulis kung sino ang pumatay?"
"Ang sabi ng mga pulis baka sindikato ang pumatay sa kanila natagpuan kasi sa loob ng kotse nila ang gramo-gramong pinagbabawal na gamot at baril, alam mo bang lulong din sila sa droga ng mga oras na iyon. Grabe talaga si Lito kaya pala gano'n siya at mga kasama niya daig pa ang may saltik."
"Pinatay kaya sila ni Denver?" sa isip-isip ko. Muling nagflash back sa'kin ang ginawang pagbulong ni Denver sa mga iyon. Kitang-kita ko ang takot sa mukha nila noong lumalabas ng Arristokrata bar.
"Hoy! Bakit tulala ka naman!" sabi uli ni Faye.
"Ha? W-Wala!" pag-uulit ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Faye. "Alam mo kung hindi ko alam ang taste mo sa lalaki iisipin kong nagkagusto ka kay Lito."
"Grabe ka! Parang sinabi mo sa'kin na wala na talagang matinong lalaking magmamahal sa'kin." Nagcross-arms pa ako sa kanya.
"Nagbibiro lang naman ako. Anyway, wag mo na tayong gumimik ngayong linggo baka madawit tayo sa mga iyon dahil nakakasama natin sila. Baka isipin kasabwat nila tayo."
"Oo, wala naman akong ganang gumimik ngayon."
"Good." Sabi niya.
Habang nagle-lecture ang professor namin. Hindi mawala ang isip ko sa nangyari. Hindi kaya si Denver ang pumatay sa kanila. Sa galing ni Denver makipaglaban hindi imposibleng kaya niyang patayin iyon. Ngunit masyado namang mabigat na parusa ang kamatayan sa ginawa nilang pambabastos sa'kin kagabi.
"Wag naman sanang si Denver ang pumatay."
"Iniisip mo ba kung si Denver ang pumatay sa mga lalaking nambastos sa'yo kagabi?"
"Bakit nandito ka Yasmin?" tanong ko sa kanya. Bigla kasi siyang tumabi sa'kin at nagsalita.
Ngumiti siya habang nakatingin. "Kayang-kayang pumatay ni Denver. Kahit ikaw kaya niyang patayin."
"Anong pinagsasabi mo?" alibi ko.
"C'mon, alam kong alam mo kung bakit bigla na lang namatay ang mga kalalakihang iyon. Hindi ka ba nagtataka na pagkatapos ibulong ni Denver ang pangalan niya sa mga iyon namatay na sila."
"Binulong ni Denver ang pangalan niya? Ano ba ang pangalan niya may sumpa?"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Sabay iwas ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Teen FictionKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...