CHAPTER 13

14.1K 546 55
                                    

"Anong plano mo Denver?" tanong sa'kin ni Lord Teo habang nasa isang sekretong silid kaming nag-uusap. Kasama namin ang four blue eagle.

"Pupunta ako sa Birthday party ng Daddy ni Lucy." Sagot ko.

"Siguradong may plano sila para sa'yo Denver." Sabad naman ni Master Lloyd Xenon. Nakasandal pa siya sa Sofa habang nakadikwatro.

"Tama si Xenon. Marahil huhulihin ka nila kung isa kang Mafia. Napag-alaman kong may pabalik-balik sa Arristokrata Bar at mga tauhan nila Felipe ang nagtanong-tanong sa mga tao roon." Sabi ni Lord Teo.

"Pupunta ako bilang Boyfriend ni Lucy at hindi bilang isang Mafia." Sagot ko.

"Sige, pero isama mo ang four blue eagle. Sila lang ang pwedeng makatulong sa'yo dahil wala pang nakakakilala sa kanila."

"Yan lang ang hinihintay ko." Ang lapad pa ng pagkakangiti ni Master Lloyd Xenon.

Isa-isa ko silang tiningnan. "Wag niyo na akong alalahanin kaya ko ang mission na ito."

"Hindi ibig sabihin na tutulungan ka nila ay hindi mo na kaya ang mission. Gusto ko lang makasiguradong makakalabas ka ng buhay sa mansyon nila Felipe. Ayokong kamuhian ako ng mga magulang mo kapag may nangyaring masama sa'yo."

"Tama si Lord Teo, Maaring kalahati ng bisita nila ay mga tauhan nila."sabi naman ni Master Lloyd Xenon.

"Kung iyon po ang plano. Hindi ko na po kayo kokontrahin." Sagot ko naman. Tama naman silang lahat. Hindi ko alam kung anong plano nila. Mas mabuti na ang handa.

"Xenon, ikaw ang magbantay kay Denver. Wag mong aalisin ang mata mo sa kanya. Hindi ka paghihinalaan na kalaban dahil matagal ka na nilang kilala bilang isa sa mga Stock holder nila." Sagot ni Lord Teo.

"Maasahan mo ako diyan!" sagot pa ni Lord Teo.

"Kung gano'n maghanda na kayong lahat."

"Yes, Lord Teo!" halos sabay-sabay naming sabi sa kanya.

KINAGABIHAN:

Nakasuot ako ng black tuxedo habang nag-aabang akong papasukin sa loob ng mansiyon ng mga Treshn. Sa mansiyon kasi ginanap ang kaarawan ni Felipe. Marahil upang mas makagalaw sila ng maayos.

"Nakapasok ka na ba?" narinig kong sabi ni Master Lloyd Xenon. May maliit na connector na nakakabit sa hikaw na suot ko. Nakakonekta ito sa four blue eagle upang makaroon kami ng kuminkasyon sa isa't-isa.

"Hindi pa." tipid kong sagot.

"Napapalibutan ang party na ito ng mga tauhan nila." Narinig kong sabi ni Master Lloyd Luffy. Nasa loob na kasi ang four blue eagle at magkakahiwalay sila ng pwesto upang hindi sila paghinalaan.

"Sir, pwede na po kayong pumasok sa loob." Sagot naman ng Security Guard matapos espeksiyunin ang sasakyan ko.

"Thank you," ngumiti pa ako pagkatapos pinaandar ko ang sasakyan ko papasok sa loob.

Pagbaba ko pa lang sa kotse ko naramdaman ko na agad ang mga matang nakatingin sa'kin. Hindi ako nagpahalata sa kanilang lahat. Nandito ako bilang boyfriend ni Lucy at patutunayan ko sa kanilang mali ang hinala nila.

"Good evening," pagbati ko sa mga pumapansin sa'kin.

"Denver!"

Agad akong napalingon sa boses na tumawag sa'kin. Totoong ngiti ang sumilay sa mukha ko nang makita ko si Lucy na nakasuot ng gown. Sobrang sexy niya at talaga namang mapupuna mo ang ganda ng korte ng katawan niya. She's very sexy. Ang bilis-bilis nang tibok ng puso ko habang papalapit sa kanya.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon