CHAPTER 24

14.5K 539 63
                                    

LUCY'S P.O.V.

ANIM na dipa ang layo ko sa kaibigan kong si Jhoace. Kanina ko pa siya pinagmamasdan upang kompirmahin ang nalaman ko noong isang linggo na isa siyang miyembro ng mafia. Mula kasi ng malaman ko iyon madalas ng hindi pumapasok si Jhoace, maging si Clarence Miguel ay bigla na lang nawala ng parang bula. Dahan-dahan kong pinaandar ang kotse ko nang muling sumakay si Jhoace sinundan ko lang siya hanggang sa huminto ang kotse niya sa isang malaking gusali hinintay ko musa siyang makapasok bago ako bumaba ng kotse. Pagbaba niya ng kotse napansin ko agad ang dalawang lalaking nakasuot na black jacket at sunglasses. Sinuyod muna nila ang paligid bago sumunod kay Jhoace. Agad naman akong bumaba ng makaalis na sila, nagsuot ako ng sunglasses din upang hindi nila ako makilala at sumabay ako sa mga taong papasok ng gusali.

"Nasaan kaya nag punta si Jhoace?"

Palingon-lingon pa ako nang hindi ko na mapansin si Jhoace. Ang huli kong tingin sa kanya, dito siya dumaan. Ilang segundo pa akong tumayo sa dinaanan ni Jhoace nang mapag desisyunan kong bumalik na lang at wag na siyang sundan. Ngunit nang biglang bumukas ang elevator nagulat ako nang bigla akong hilahin ng dalawang lalaki papasok sa elevator.

"Wag kang gumawa ng anumang ingay kung ayaw mong mabutas ang leeg mo." Sabi ng lalaki sa'kin. Napansin ko ang matulis na nakatutok sa leeg ko.

"Bitawan niyo ako!" Sabi ko sa kanila.

"Lucy?"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Ngayon ko lang nakita na nakatayo rin pala si Jhoace hindi ko lang nakita dahil natatakpan siya ng lalaki.

"Boss, kilala niyo siya?"

"Bitawan niyo siya kilala ko siya."

Agad naman akong binitawan ng lalaki. Pagkatapos hinila ako ni Jhoace.

"Come with me." Eksakto namang bumukas ang elevator at hinila ako ni Jhoace patungo sa isang silid pumasok kaming dalawa sa loob.

"Gusto mo na bang mamatay, Lucy?" Panimula niya.

"Anong ibig mong sabihin? May sadya ako rito." Alibi ko.

"Kanina pa kita napapansin na sinusundan mo ako." Seryosong tumingin sa'kin si Jhoace.

Natahimik ako, ang lakas din pala ng pakiramdam ni Jhoace dahil nalaman niyang sinusundan ko siya. Well, miyembro siya ng mafia natural na sa kanila ang gano'n.

"Umalis ka na rito bago ka pa makita nila."

"Teka! Wala naman akong ginagawang masama may sinadya talaga ako rito."

Matalim akong tinitigan ni Jhoace. "Alam namin na miyembro ka ng sindikato at kung hindi ka pa aalis baka sa ilog pasig na makita ang katawan mo."

"W-Wala akong alam sa sinasabi mo?" Alibi ko. Pinipilit ko pa talagang sabihin sa kanya na mali siya.

Umikot ang eyeballs ni Jhoace. "Alam kong nalaman mo na miyembro ako ng isang mafia kaya mo ako sinusundan at mula nang makasagupa niyo ang mafia nalaman na naming kalaban ka. See? Pinagtakbo talaga tayo bilang magka-away."

"Wala na pala akong ma-idadahilan pa sa'yo. Then, kill me now."

Bumuntong-hininga si Jhoace. "Hindi ako pumapatay ng isang kaibigan kaya kung ako sa'yo umalis ka na dahil papatayin ka pa nila."

"Pero-?"

"Umalis ka na please!" Tinulak pa niya ako palabas. "Dito ka dumaan walang bantay na mafia diyan." Sabi pa niya itinuro niya ang elevator na hindi dadaanan ng mafia.

Nag madali naman akong umalis at sumakay ng elevator. Kaya pala ako pinadaan dahil ito ang daan ng mga sibilyan na naroon sa malaking gusali na iyon. Agad akong sumakay ng kotse upang umalis ngunit bago ko pa-andarin ang kotse ko nakita ko ang sasakyan ni Denver. Lalabas sana ako upang salungin siya ngunit mas lalo akong nagulat nang makita ko ang lalaking may kulay blue na mata. Tandang-tanda ko siya. Isa siyang mafia.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon