CHAPTER 10

15.1K 555 64
                                    

LUCY'S P.O.V

KUNG pwede ko lang itapon ang cellphone ko matapos kong kausapin ang bwiset na si Denver ginawa ko na. Utusan ba naman akong pumunta sa bahay nila dahil ipapakilala raw niya ako sa Mommy bilang girlfriend. Nakakabadtrip! Sino siya para utus-utusan ako? Grrr! Asar!

Huminga ako ng malalim pagkatapos dahan-dahan kong ibinaba sa side table ang cellphone ko. Baka kasi hindi ako makapagpigil cellphone ko  naman ang pagbuntungan ko ng inis sa mongoloid na batang si Denver. Naka-limang palit na ako ng cellphone sa loob lamang ng dalawang buwan dahil hinahagis ko ito kapag sobrang inis ko. Kaya ngayon kinokontrol ko ang sarili ko na wag pagdiskitahan. Baka magalit naman si Daddy kapag nakita niyang malaki ang nagastos ko.

Patihaya akong humiga sa kama at ipinatong ko ang unan sa dibdib ko at nagsimula kong ipikit ang mata ko. Matutulog na lang ako kaysa sundin siya. Ngunit ilang minuto na akong nakapikit hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Denver.

"Kapag hindi ka pumunta, sasabihin ko sa Daddy mong buntis ka na!" paulit-ulit iyong bumabalik sa'kin.

"Bwiset! Humanda talaga siya mamaya!" napilitan akong bumangon upang maligo at ayusin ang sarili. Well, hindi sa natatakot akong sabihin ni Denver ang kasinungalingan niya. Ayoko lang siyang mapahiya sa Mommy niya. Baka kasi isipin ng  Mommy niya na baliw na siya. Which is true. He's fuckin crazy.

"Saan ka naman pupunta?" tanong sa'kin ni Ate Lilibeth.

Nakapameywang pa siya sa'kin nang harangin niya ang dadaanan ko.
Huminto ako at tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinadya mo pa talaga akong abangan para itanong lang yan sa'kin Ate? How sweet." Sarcastic kong sagot sa kanya.

"Just answer my question!" halos pasigaw niya sa'kin.

Aaminin ko, nabigla ako sa pinapakita niyang ugali ngayon. Hindi naman kasi niya ako sinisigawan kahit nga hindi kami close dalawa.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot ko.
Hahakbang na sana ako para lampasan siya ngunit pinigilan niya ako. Hinila niya ang braso ko at matalim na tumingin sa'kin.

"Sabihin mo nga kilala mo ba ang pumatay sa grupo nila Lito?"

"Oo!" nakikipagtitigan ako sa kanya.

Sumeryoso ang mukha niya. "Sino? Sabihin mo sa'kin?!"

Kumunot-noo ako. "Masyado ka naman yatang interesado sa pagkamatay ni Lito Ate?" tanong ko sa kanya.

Umiwas siya nang tingin sa'kin. "G-Gusto ko lang mabigyan ng hustisya ang pagkawala niya, naging mabait naman siya sa'kin noon." Muli siyang tumingin sa'kin. "Kaya sabihin mo na kung sino ang pumatay sa kanya para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya."

"Hindi ka ba nanonood ng News? Sinabi sa balita kung sino ang pumatay sa kanila. Di ba sindikato dahil may mga dala silang mga pinagbabawal na gamot? Sino pa bang suspect ang hinahanap mo? May iba pang pumatay sa kanya Ha? Ate!" balik kong tanong sa kanya.

Binitawan niya ang kamay ko. "W-Wala! Hinuhuli lang kita akala ko hindi ka nanonood ng balita." Sabi niya sa'kin.

"Iyon lang ba ang dahilan mo Ate?" may kutob kasi akong hindi maganda sa tanong ni Ate.

"W-Wala! Sige, mag-iingat ka delikado na ang panahon ngayon."

Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako pumihit patalikod sa kanya. Nakaka-apat na hakbang na ako nang muli niya akong tawagin.

"Lucy!"

Humarap ako sa kanya. "Yes?"

"Ang Arristokrara Bar ba, pagmamay-ari ni Teo Lugen?"

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon