CHAPTER 18

13.7K 503 43
                                    

CHAPTER 18

LUCY'S P.O.V.

"Maging alisto ka Lucy." Sabi ni Ate Lilibeth bago ako lumabas ng kotse.

Tumango ako sa kanya pagkatapos sinuot ko ang shades ko. Nakasuot rin ako ng pulang wig na sinadya kong isuot upang hindi ako makilala ng sinumang tatagpuin ko. Ito ang kauna-unahan kong pakikipagpalitan ng drugs sa isang chinese customer namin. Bukod sa mga tauhan naming kasama. Ilang ulit na sinabi sa'kin ni ate na maging alisto ako sa anumang pwedeng mangyari. Hindi dapat ako agad magtiwala sa mga kasama ko dahil kadalasan sila ang unang tutuklaw sa'kin.

Taas noo akong naglalakad habang bitbit ko ang isang attach case na naglalaman ng gramo-gramong drugs. Samantalang may apat naman akong body guard na kasabay sa paglalakad bukod pa sa mga tauhan naming nakaalalay. Si ate Lilibeth ay nakasunod rin naman sa'kin. Malayo pa lang nakita ko na ang chinese customer. Dalawang metro ang layo namin sa kanila nang patigilin kami sa paglalakad papalapit sa kanila. Lumapit ang dalawang kasamang tauhan ng chinese na may dalang baril. Pinabuksan nila ang dala namin pagkatapos sinuri kung totoong droga ang laman. Pagkatapos sumenyas siya ng okay sa amo niyang chinese.

"Mag-ingat ka Lucy." Narinig kong sabi ni ate Lilibeth.

Sa ganito raw kasi nagkakaroon ng gulo. Kadalasan nilalamangan ng chines ang ka-deal nila. Pinapatay nila ito upang libreng makuha ang droga. Kaya naman maka-ilang ulit akong binigyan ng babala ni ate lilibeth. Lumapit ako kasama ang body guard ko at inabot ko ang dala kong droga. Ipinakita naman sa'min ang limpak-limpak na pera na nakalagay sa attach case.

"Boss, kumpleto po ang bayad nila." Sabi ng tauhan ko na nagcheck ng pera nila.

Tumango ako. "Good, let's go." Pagpihit ko patalalikod nakarinig kami ng putok ng baril. Nagulat na lang kami ng bumagsak ang isa sa mga tauhan ko at tauhan ng chinesse.

"Nasundan tayo!"

Narinig kong sigaw ng isang lalaki pagkatapos sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko.

"Lucy! Sumunod ka sa'min!" sigaw ni ate Lilibeth.

Nagpaputok na rin ako ng baril sa mga lalaking nakita kong nagpapaulan ng baril. May tatlong tauhan ang nagcover sa'kin para makatakas. Ngunit bago pa kami makalayo bumagsak na ang dalawang nagcover sa'kin.

Napasigaw ako sa takot nang maramdaman ko ang bala ng baril sa binti ko.

"Boss!" pilit akong binubuhat ng natitira kong tauhan at dinala sa maaring pagtaguan.

"J-Jesus!" nanginginig ako sa takot kitang-kita ko kung paano tumama ang bala sa sintindo ng huling tauhan ko. Bumagsak ako dahil sa muling tama ng baril sa'kin sa tagiliran at braso ko. Patay na ang chinese customer namin. Lagas na rin ang mga tauhan nila. At nakatakas na rin sila ate Lilibeth, sa kasamang palad. Ako na lang ang natitirang buhay pa sa ngayon. Ngunit paniguradong mayamaya lang lalangawin na rin ang katawan ko.

Walang tigil ang patid ng pag-agos ng dugo ko sa binti dahilan para hindi ko magawang tumayo. Mariin ang naging kapit ko sa baril ko. Halos hindi ako huminga habang pinapakiramdaman ko ang kilos ng mga kalalakihang may suot na maskara.

"Lord, help me." Dasal ko habang nanginginig ang buo kong katawan.

"Don't move!"

Nagulat na lang ako nang may biglang nagtakip sa bibig ko at may nakatutok na baril sa tagiliran. Napaluha ako sa takot. Ito na siguro ang katapusan ko. Hindi ako kumilos habang dahan-dahan niya akong itinayo at hinihila palayo sa lugar. Unti-unti kong nararamdaman ang kirot ng binti, tagiliran at braso ko kasabay no'n ay ang pagpatak ng dugo ko Kaya naman unti-unting nanlalabo ang paningin ko.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon