CHAPTER 11
DENVER'S P.O.V
"Mukhang malalim ang iniisip mo?"
Tiningala ko ang nagmamay-ari ng tinig na iyon pagkatapos ngumiti ako sa kanya. Inayos ko pa ang pagkakaupo ko sa malambot na sofa."Tito Teo," sabi ko. Kapag nasa labas kami ng Clan. Tito ang tawag ko sa kanya tutad ng tawag ng iba kong pinsan. Nagkaroon kasi ng Bonding sila Tito Teo at Daddy kasama ang iba pang kaibigan nila. Ganito sila kapag nasa pilipinas nagkakaroon ng bonding parang reunion na rin. Siyempre kasama kaming mga anak nila kaya naman naging close na kaming lahat dahil sa kanila.
Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti sa'kin. "Wag mong isipin ang mission mo ngayon. Mag-enjoy ka muna ngayon."
Tumango ako. "Wala naman po akong ibang iniisip." Alibi ko.
Ang totoo kasi, iniisip ko kung paanong naging kasabwat si Lucy ng Daddy niya samantalang halos bente kwatro oras ko na siyang binabantayan ngunit wala akong nakikitang kakaibang kinikilos niya.
"Ano nga ba ang pangalan ng anak ni Felipe Treshn?"
"Lucy Shaira Treshn." Para may kung kiliti ang naramdaman ko kaya hindi ko naiwasang ngumiti.
"Don't fall inlove with her Denver. Alam mong marami kang makakalaban." Seryosong sabi sa'kin ni Tito Teo.
Nakipagtitigan ako sa kanya. "Wag kayong mag-alala, hindi mangyayaring maiinlove ako sa target ko."
"Good," tumayo si Tito Teo pagkatapos muli niya akong tinapik sa balikat. "Puntahan mo sila roon. Makapagbonding ka sa mga pinsan at kaibigan mo." Sabi ni Tito Teo bago umalis.
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim nang wala na siya sa harapan ko. Ito na yata ang pinakamahirap na mission na nagawa ko. Pakiramdam ko kasi nagtatalo ang puso at isip ko sa mga plano ko.
Pinuntahan ko sila Kuya John Ace at ang mga kaibigan namin na masayang nag-uusap habang kumakain.
"Ehem!" tawag ko ng pansin sa kanila."Denver!" halos sabay-sabay nilang sabi sa'kin. Lumapit pa sa'kin si Kuya John Ace at dinala kung saan nakapwesto sila Shawn. "May pag-uusapan kami doon na hindi pwede sa mga bata." Tinapik-tapik pa niya ako bago kumindat.
"Hindi na ako bata Kuya J.A!" sagot ko.
"Pero para sa'kin bata ka pa rin kaya diyan ka muna sa grupo ni Shawn." Tinuro pa niya si Shawn at ang mga kaibigan niyang abalang-abala sa nilalaro nilang games sa cellphone nila.
Napailing na lang ako nang sundin ko siya. Kung alam lang niya ang kaya kong gawin. Baka hindi siya makapaniwala sa'kin. Pagdating sa pag-uugali Idol ko si Kuya John Ace. Mukha lang siyang walang pakialam sa ibang tao sa unang tingin pero isa siyang mapagmahal na kapatid, anak, asawa at Daddy. Kaya nga noong nagkaroon ng problema siya kay Tyron tinulungan ko siya kahit hindi naman iyon sakop ng mission ko.
"Gusto mong sumali?" sabi ni Shawn sa'kin.
"No, Thanks!" sagot ko.
"Ayaw mo ba? Ano bang trip mong laruin na online games?" muling tanong ni Shawn.
Tumingin ako sa kanya. "Hindi ako naglalaro ng mga ganyang games. Dahil masyadong madali para sa'kin. Hindi nakaka-challenge ang larong iyan. Para 'yan sa mga walang utak ang larong 'yan." Sagot ko.
Sabay silang tumingin sa'kin. Kinunutan ko sila ng noo. "May problema ba?"
"Bigla kong naalala sa'yo si Daddy. Ganyan din ang sinabi niya sa'min noon ni Kuya. Pero noong natuto siyang maglaro. Nagpapaturo na siya kung paano maging malakas ang heroine niya." Ani Shawn.
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Teen FictionKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...