CHAPTER 3

18.5K 631 47
                                    

CHAPTER 2

LUCY'S P.O.V.

HINDI ko alintana ang mga estudyanteng palihim na naka-irap sa'kin. Alam kong iisipin nilang napakasama kong babae dahil pinagtripan namin ang isang kawawang bagong salta na estudyante dito sa SPIA. Pinagbuntungan ko ng lahat ng inis ko. Ilang beses ko tuloy itong napagbuhatan ng kamay. Siyempre hindi ko iyon magagawa kung wala ang matalik kong kaibigan na si Faye Erika. For good times and bad times nandiyan siya sa tabi ko. Hindi rin nagpahuli ang grupong binuo namin para kalabanin ang grupo nila Jhoace ang upgraded maldita ng SPIA.

"Lucy!"

Huminto ako, gayon din ang mga kasama ko at hinintay ang papalapit na magkaibigan na si Jhoace at Shin. Hindi ko mapigilang mainis habang nakikita kong papalapit si Jhoace sa'kin. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako napapansin ng gustong-gusto kong lalaki. Boyfriend na kasi niya ito.

"Bakit?" taas kilay kong sabi sa kanya.

Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay niya sa'kin. "Wala na tayong dapat pag-awayan pa. Nakapili na si C.M at ako ang pinili niya. Hindi ko rin naman papayagang agawin mo siya sa'kin. So let just be friends." Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.

Pilit akong ngumiti. "Fine!" Marahan kong tinugon ang kamay ni Jhoace.

"Sa tingin mo papayag ako sa gusto mo iyon ang akala mo." Sa isip-isip ko.

"Lucy, wag kang pumayag." Sabi pa ni Faye sa'kin.

"Faye Erika, magpasalamat ka pa nga kay Jhoace dahil hindi na madagdagan ang black eye mo sa mukha." Nakangising sabi ni Shin.

Minura ko sa isip si Shin Lorraine. Kahit kailan napakatalas ng bibig niya. Ang sarap hilahin ang dila.

Humarap ako kay Faye. "Pumayag ka na nakakapagod na rin makipag-away. Isa pa, ayokong habulin ang lalaking nilalawayan ng iba."

Bakas sa mukha ni Faye ang pagtutol alam kong gutom na gutom siya sa paghihiganti sa hipag at Kuya ni Jhoace. Pero mas maganda sigurong magpanggap kaming kaibigan nila upang magawa namin ang aming plano.

"Lucy..."

Pinandilatan ko ng mata si Faye upang mapilitan siyang pumayag. Huminga siya ng malalim. "Fine!" umikot pa ang eyeballs niya dahil sa inis sa'kin.

"So, Friends na tayo." Nakangiting sabi ni Jhoace.

"Friends!"

Lumapit sa'kin si Jhoace upang yakapin ako. Nakipagplastikan naman ako sa kanya. Niyakap ko siya kahit na nga sinisigaw ng isip kong hilahin ang buhok niya.

"Masaya ako at naging Okay na tayo. Dahil friends na tayo. Invited na kayong sumama sa Birthday Party ng Tito Coby ko mamayang gabi.

"No thanks! May lakad kaming dalawa ni Lucy." Sabad naman ni Faye.

Lumungkot ang mukha ni Jhoace. "Mukhang nakikipagplastikan lang kayo sa'min. Ayaw niyo talaga sumama sa'min."

"Tumpak!" sigaw ng isip ko.

Humarap ako kay Faye at inakbayan ko. "Pumayag ka na." pabulong ko.

"Kaya ba ng sikmura mong makasama ang mortal mong kaaway?" sagot niya.

"Basta pumayag ka na!" sinadya ko pang lakasan ang boses ko para marinig nila.

"Ikaw na lang Lucy, ayaw yata ni Faye." Sabad naman ni Shin Lorraine.

"Sasama siya akong bahala sa kanya anong oras ba?"

Lumapad ang ngiti ni Shin at Jhoace. "Alas-otso ng gabi. Hihintayin namin kayo." Pagkatapos binigyan niya kami ng invitation card bago sila umalis.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon