CHAPTER 19

13.3K 534 24
                                    

Chapter 19

DENVER CLAIDE'S P.O.V.

BUMUNTONG-HININGA ako habang papalayo ako sa patient room ni Lucy. Pagkatapos dumiretso na ako palabas ng room niya. Nakakalimang hakbang pa lang ako nang mapansin ko ang isa sa mga mafia na nakasunod sa'kin. Huminto ako upang tingnan siya ngunit mabilis siyang nakapagkubli.

"Wag kang magtago nakita na kita. Anong kailangan mo? Bakit mo ako sinusundan?" Sigaw ko sa nakakubling miyembro.

Mabilis naman siyang nagpakita sa'kin at lumapit. "Pasensiya na Hunter. Pero inutusan lang ako ni Master Xenon na sundan ka."

Nagsalubong ang kilay ko. "Sinabi ko naman sa kanila na dadalaw ako kay Lucy."

"Pasensiya na po dahil napag-utusan lang ako." Yumuko pa ang lalaking miyembro tanda ng paghingi ng dispensa.

"Kung gano'n, ipaalam mo sa kanya ang nangyari."

Pagkatapos pumihit ako patalikod upang lumayo sa kanya. Sumakay ako ng kotse at binabagtas ang daan patungo sa hide out namin. Habang nasa daan ako bigla kong naalala ang i-kwentro kahapon ng gabi...

Lingid sa kaalaman ng mga sindikato maaga kaming nakapwesto sa tagpuan nila at matiyang naghihintay sa dalawang grupo na magpapalitan ng pinagbabawal na gamot. May nakapagtip kasi sa'min ang malaking transaksiyon na magaganap ngayon. Ang plano ni Lord Teo. Ubusin ang mga kalaban matapos naming makumpirma ang transaksiyon nila. Bawat kanto ng lugar ay may nakakubling mafia. Ilang saglit nakarinig kami ng ingay ng mga sasakyan. Humigpit ang pagkakagawak ko sa baril ko habang ang mukha ko naman ay nakamaskara. Isa-isang dumating ang mga sindikato. Napukaw ng mga mata ko sa di kalayuan ang babaing may kulay ang buhok nakasalamin siya. Ngunit nang pagmasdan ko siya. Para siyang kasing katawan ni Lucy. Nakaramdam ako ng matinding ka ba para sa babae. Kasunod no'n nakita ko si Lilibeth. Hindi talaga makilala ang ugali ng tao sa itsura lang tulad na lang ni Lilibeth, hindi mo mapagdududahan na isa pala siyang may mataas na katungkulan sa sindikato dahil sa maamo niyang mukha at mahinhin na kilos.

"Denver, maghanda ka na." tunog na ng galing sa maliit na speaker sa tenga na denisenyo bilang hikaw.

"Opo, Master Xenon."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko baril ko nakahanda na rin ang iba na isang hudyat lang maari kaming magpaulan ng bala sa kalaban. Inabangan namin ang pagpapalitan ng droga. Siyempre naka-record ang trasaction na ginagawa nila.

"Rock n' roll!" masayang sabi ni Master Lloyd Xenon na tila nasisiyahan pa siya sa nangyayari. Nagpaulan kami ng bala na ikinagulat ng mga kalaban. Nag-umpisa na rin silang makipagpalitan ng putok. Ngunit dahil mas pinaghandaan namin ito, sa isang iglap lang halos naitumba na ang mga kalaban. Sinundan ko ang babae at ang dalawang lalaki na kasama nito. Binaril ko ang dalawa hanggang sa ang babae na lang ang natira. Binaril ko ang babae sa binti niya sinadya kong daplisan lang ito. Pagkatapos lumapit ako sa kanya na nakasuot ng maskara. Tinutok ko ang baril ko sa kanya habang kitang-kita ko ang pamimilipit niya sa sakit.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon