Chapter 14
LUCY'S P.O.V.
"Tulong! Tulungan niyo akoo!" paulit-ulit kong sigaw habang nakapiring ako at nakatali ang kamay at paa ko.
"Tumahimik ka!" sigaw ng lalaki.
"Pakawalan niyo ako! Oras na makawala ako rito, pagbabayaran niyo ang lahat ng ito!" matapang kong sagot sa kanya.
"Nakakarindi ang babaing 'yan. Tapusin na kaya natin siya." Iritang sabi ng lalaki.
"Hindi natin siya pwedeng galawin kahit hibla ng buhok niya, siguradong papatayin tayo ni Boss. Maghintay na lang tayo sa kanya dahil darating na rin sila mayamaya lang."
"Pakawalan niyo ako!" muli kong sigaw. Pilit kong inaalis ang pagkakatali sa kamay at paa ko. Kailangan kong makawala rito dahil walang tutulong sa'kin para magbigay ng ramson money sa mga kidnaper na ito.
Ilang saglit pa nakarinig kami nang pagbusina ng sasakyan. "Nandiyan na sila!" narinig ko ang pagbukas at pagsardo ng pintuan, kasunod no'n ay ang katahimikan sa paligid. Sinisikap ko pa rin kumawala sa pagkakatali sa'kin ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali. Sinisikap kong pakalmahin ang sarili ko at manatiling matapang sa mga oras na ito kahit na nga binabalot na ako ng takot.
"Lucy!"
"Ate?" sabi ko nang marinig ko mula sa labas ang boses ni Ate. "Ate... ate! Tulungan mo ako!" sigaw ko.
Pagkatapos narinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Oh. God! Lucy!" sabi pa niya narinig kong tumakbo siya palapit sa'kin. Naramdaman ko ang kamay niyang inalis ang pagkakapiring sa mga mata ko. "Lucy..." pilit siyang ngumiti sa'kin habang nakatitig sa'kin.
"Ate, thank you at niligtas niyo ako." Kusang tumulo ang luha ko.
"Walang halaga kay Daddy ang sampung milyon. Ang mahalaga mailigtas ka. Sasama dapat siya ngayon kaya lang sumisikip ang dibdib niya dahil sa nangyari. Ligtas ka na Lucy."
Umiyak ako ng malakas. Kumawala ang nararamdaman ko. Akala ko wala silang pakialam sa'kin. Lalo na si Daddy, palaging mainit ang dugo niya sa'kn. Nagkamali pala ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. "Ate, Thank you!" sabi ko pa habang balot ang mga mata ko ng pawis at luha.
Sinakop niya ang mukha ko. "Ang mahalaga ngayon ligtas ka na. Let's go! Umuwi na tayo." Sabi pa niya sa'kin.
Tumango ako sa kanya at saka ko napansin na bukod sa'min dalawa ni Ate may kasama pa siyang dalawang lalaki. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami ng kotse.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" muling tanong ni Ate Liliibeth sa'kin nang makasakay kami ng kotse.
Tumango ako. "Ayos na ako ate, gusto ko ng umuwi." Sagot ko."Si Denver nga pala..." bakas sa mukha ni Ate Lilibeth ang pag-alala sa sasabihin niya.
"A-Anong nangyari sa kanya?" ang huli kong naalala hinihila niya ako palayo sa mga kumidnap sa'kin.
"Nasa hospital siya at may tama ng baril."
Kusang tumulo ang luha ko dahil sa labis na pag-aalala. "Puntahan natin siya Ate, gusto ko siyang makita please!"
"Hindi pwede ngayon Lucy, magtataka ang mga pulis kung bakit nakaligtas ka agad ng hindi nila alam. Magpalipas ka muna ng ilang araw at hayaang kami ang mag-ayos nito."
"Pero si Denver ate, gusto ko siyang makita. Sinikap niyang pigilan ang mga dumukot sa'kin."
Sinuklay niya ang buhok ko. "Magiging ayos rin ang lahat wag kang mag-alala. Wag mong alalahanin si Denver, tinamaan lang naman siya sa braso."
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Genç KurguKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...