CHAPTER 27

14.8K 480 53
                                    

LUCY'S P.O.V.

"MALAYO 'YAN SA BITUKA."

Marahan pang hinampas ni Jhoace ang binti ni Denver na may sugat dahil sa tama ng baril ni ate Libeth. Nakaligtas kaming dalawa ngunit si Peter namatay siya sa labanan. Si Daddy at ate Lilibeth ay patay na rin maging si Mommy ay patay na rin halos walang natirang buhay sa mga kasapi ng sindikato. Tuluyan ng binura ng Mafia ang isa sa malaking sindikato sa Pilipinas na nagsusupply ng droga. Nasa poder naman ako ng mga Mafia ang laking gulat ko nang hindi lang pala si Denver ang kasapi maging si Clark Tristan at Clarence Miguel ay kasapi na rin. maliban doon hindi alam ng ibang kaibigan namin ang nangyari sa'min ni Denver ngunit naroon sila upang dalawin kami.

"Ouch!" Daing ni Denver sa paghampas ni Jhoace, pagkatapos matatalim na titig ang ipinukol niya kay Jhoace.

Iisang patient room lang kaming dalawa para maging madali sa mga bisita naming dumadalaw tulad na lang ngayon.

"Nakakaramdam ka pala ng sakit?" Nakangising sabi ni Jhoace.

"Ate Jhoace, tigilan mo ako." Nakasimangot na sabi ni Denver. Humahaba ang leeg niya sa katitingin sa'kin, tatlong hakbang lang kasi ang layo ng kama ko sa kanya at natatakpan ako nila Clarence Miguel at John Ace dahil nakaupo sila sa gitna.

"Babae ko, dito ka nga sa'kin tumabi." Sabi niya sa'kin.

Gusto kong matuwa sa sinabi niya dahil kahit naka-dextrose ang kamay naming dalawa nais pa rin niyang magkatabi kami habang nakahiga sa kama ng hospital.

"Ano 'to sinehan? Gusto magkatabi palagi. Hoy! Cousin, nasa hospital kayo wag kayong maglandian." Pagtataray ni Jhoace.

"Bakit kasi nandito kayo ate Jhoace? Hindi naman namin kayo pinapapunta rito." Sagot ni Denver.

Nameywang si Jhoace pagkatapos tumaasa naman ang kilay niya. Lumalabas naman ang pagiging mataray nito.

"Kayo na nga ang dinadalaw diyan! Hindi pa kayo magpasalamat."

"Jhoace, paano naman sila magpapasalamat. Wala kang ginawa kung hindi hawakan at hampasin ang sugat ni Denver na katatahi lang." Sabad ni John Ace.

"Tama si John Ace." Sabad naman ni Clarence Miguel.

"May pagka sadista 'yang girlfriend mo Clarence Miguel. Siguradong kawawa ka sa kanya." Nakangisi pa si John Ace habang nakatingin sa kakambal niyang si Jhoace. Inaasar kasi niya ito.

"Nakakainis ka!" Sigaw ni Jhoace. Hindi na niya naitago ang pagka-inis sa kapatid na si John Ace.

"Relax lang Mine ko." Sabi naman ni Clarence Miguel.

"Tse!" Pinagtutulungan niyo naman akong mag bestfriend kayo."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Denver at pareho kaming ngumiti. Parang pareho kami ng iniisip na hindi na sa'min nabaling ang atensiyon ni Jhoace. Simula pa kasi kanina nang dumating sila kami na ang binubully ni Jhoace, hindi pa ito nakuntento hinahawakan pa niya ang  sugat ni Denver sa binti.

Lumapit si Clarence Miguel kay Jhoace at niyakap niya ito upang lambingin.

"Mine, galit ka ba?" Sabi ni Clarence Miguel.

"Ofcourse not! Umalis na nga tayo rito mukhang hindi naman nila tayo kailangan." Sabi ni Jhoace at irap sa'ming dalawa.

"Mabuti pa nga, let's go guys!" Isa-isa silang nagpaalam sa'min bago tuluyang umalis.

Katahimikan ang sumunod na oras sa aming dalawa ni Denver. Nahihiya naman akong mag-umpisa ng topic. Isa pa hindi ako makakilos dahil parehong may sugat ang mga braso ko.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon