LILIBETH'S P.O.V.
"Anong nangyari sa'yo anak?"
Tanong sa'kin ni Daddy nang makita niya ako. Gulo-gulo pa kasi ang buhok ko nang makita niya dahil sa pag-aaway namin ni Lucy sa labas.
Umupo ako sa harapanan na inuupuan ni Daddy, nasa balkonahe kasi siya at kasalukuyang kumakain habang pinagsisilbihan ng tatlong katulong mag dalawang body guard din siyang palaging kasama kahit saan siya magpunta maliban nga lang kung matutulog na siya. Nakatayo lang ang mga ito habang relax na relax si Daddy.
"Nag-away kami ng ampon mo." Sabi ko, sumimangot pa ako sa kanya.
Bahagyang huminto si Daddy sa pag nguya ng beef na kinakain 'yan at tumingin sa'kin. "Anong gusto mong gawin ko sa babaing iyon?"
Pinag-ekis ko ang hita ko at sinuklay ko ang buhok ko pagkatapos bumuntong-hininga ako. "Wala naman Daddy, kayang-kaya ko naman ang ampon mo."
"Good," pagkatapos muli niyang pinagpatuloy ang pagkain.
"Daddy, alam niyo bang nagpakasal na si Lucy sa boyfriend niyang uhugin."
"Really?" Sagot niya ng hindi man lang tumingin.
"Anong gagawin natin sa asawa niya?"
"Alam kong alam ni Lucy ang mangyayari kapag nalaman ng asawa niyang kasali siya sa sindikato. Dalhin niyo sa'kin ang asawa niya rito."
Nagtingin ang tatlong bodyguard niya. Marahil ay naghihintay ang mga ito ng final command ni Daddy.
"Ngayon na ba agad? Paano kung magsumbong siya sa pulis?"
"Hindi mangyayari iyon dahil bago pa siya makapagsumbong sa pulis inuuod na ang katawan niya sa lupa."
"Isama niyo na rin ang anak ampon niyo para magkasama sila sa impyerno."
Sumilay ang ngiti kay Daddy. "Kapag wala na tayong mapapala kay Lucy, ikaw mismo ang bibigyan ko ng karapatan para patayin siya."
Ngumiti ako. Matagal ko ng inaasam na mangyari iyon, gusto kong ako mismo ang papatay kay Lucy. Matagal na akong nagtitiis na makasama siya at magpanggap na mabait sa kanya.
Tumayo ako. "Dadalhin namin dito ngayon ang Asawa niya Daddy."
"Sige, maghihintay ako." Sinimsim niya ang kapeng nasa tasa bago muling tumingin sa'kin at bahagyang ngumiti sa'kin.
Agad kong tinawagan si Denver upang papuntahin sa mansiyon, hindi namin kailangang kidnapin siya or sapilitang kunin dahil mas magandang malaman niya ng hindi niya inaasahan lalo na si Lucy.
Narinig ko ang pagsagot ni Denver ng tawag ko.
"Hello, Denver!" Sinadya ko pang pasayahin ang boses ko.
"Yes, Ate Lilibeth."
Napangiwi ako sa boses niya. Kahit kasi sa phone halatang-halata mong bata pa siya dahil sa boses niya. Masyado kasing maliit ang boses na parang nakikipag-usap ka lang sa siyam na taong gulang bata.
"I just wanna say Congratulation. Nakakatampo kayong dalawa ng kapatid ko, hindi niyo man lang kami invited sa kasal niyo."
"Sorry, Nabigla rin po ang bride ko, hindi niya in-expect na ikakasal na siya. Ako lang talaga ang nag plano ng lahat. Natatakot kasi akong maagaw siya ng iba."
Kung nakikita lang niya ang pagtaas ng kilay ko dahil sa sinasabi niya. Naiinis kasi ako sa pagiging special ni Lucy kay Denver. Ayokong nagiging special si Lucy sa iba, gusto kong palagi siyang nasasaktan at nalulungkot. Iyon kasi ang kaligayahan ko ang makita siyang naghihirap.
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Teen FictionKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...